Chapter 14: Ang pera

4 1 0
                                    


Naggising ako sa isang kuwartong punong-puno ng pagkain. Kahit saang sulok ay nakikita ko ang samut-saring baked and fried foods na paborito ko. Nandoon ang mga butter cakes na sa iba't-ibang designs, cookies, fried chickens, macaroons, at marami pang iba. Sa may bandang dulo malapit sa pinto ay may nakasabit na letters na nakahanay sa dalawang salita, ang 'HAPPY BIRTHDAY.'

Napahaplos na lang ako sa aking tiyan nang naalalang kaarawan ko pala ang araw na iyon. Hindi ako mahilig magcelebrate special na okasyon sa sarili sa nagdaang taon sa kadahilanang may hindi kanais-nais na pangyayari sa past ko na tumugma sa araw kong iyon. At iyon ang insidenteng magkasabay na namatay ang mga magulang ko. Hindi man sila ang tunay kong kadugo, nadudurog pa rin ang puso sa tuwing naaalala ang araw nang kinuha sila sa akin.

Kung kaya't, imbes na masiyahan ako sa mga bagay na naroroon in that room, ay kabaliktaran ang reaksyon ko. Binaklas ko lahat ng nakasabit na palamuti at sinira ang mga pagkaing malalambot. Nagsisigaw ako dama ang pagkagalit sa sinumang gumawa nito at humagulhol sa pag-iyak kasabay ang paghingi ng saklolo.

Ilang minuto pang nakalipas, pansin kong in-unlock ang doorknob at may lalaking nakamask ang pumasok diretso ang tingin sa akin. Ibinaba niya ang kaniyang mask at nagsabing, "Anong ginawa mo, Trinah? Alam mo bang malaki nag naggastos ko sa mga iyan?"

Nilapitan ko siya at sinampal. Naglalaro ang aking mga ngipin sa poot dahil sa pagkidnap ng lalaking matagal ko ng kinaiinisan. It was Nathan Perrie, ang kontrabido sa buhay ko ang dumakip at naghanda ng mga birthday decorations para sa akin.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin. Alam mo bang puwede akong tumawag ng pulis para ipakulong ka?"

"Kaya mong gawin iyan ngunit ang tanong, may telepono ka bang gagamitin bilang pantawag?"

Hinanap ko sa bag at mga bulsa ko sa pantalon ang mobile phone ko subalit nawala iyon. Nakita ko na lang na nilalaruan iyon ng kamay ni Nathan habang nakangiti siya sa akin. Mas lalong nainis na ako sa kaniya dahil doon.

***
Tumagal ng tatlong araw akong nanatili sa malayong dapit kung saan doon ako tinatago ni Nathan dahil sa kaniyang pansariling interes. Noong unang araw, ang akala ko lang ay hibang na siya sa akin ngunit sa mga sumunod pang mga araw kinausap niya ako na tawagan ang tunay na Amie Adamo. Doon ko nalamang paing niya ako para makakuha ng pera for ransom sa akin sa mayamang galing na pamilya, the identity I used for a purpose.

I couldn't resist but to follow his order. Tinawagan ko si Amie at humingi ng tulong para makatakas doon. Bukod pa kasing napakagulo ng kuwarto at amoy basura ang pinaglagyan ko, naapektuhan na ang baby na nasa sinapupunan ko dahil hinang-hina na ako. Nathan gave me a little food after kong sinira ang party decoration na inihanda niya sa akin.

Amie responded immediately sa pakiusap ko at nagsabing, "Stay still, Trinah. Tutulungan kitang makalabas diyan basta't ipangako mong magpakatatag ka riyan bago ko maibigay ang perang hinihingi ng lalaking dumakip sa iyo."

Napaluha ako sa positibong tugon sa akin ng isang anak mayaman na 'di malayong naging one of my close friends ko na rin. Ang mga pangakong binitawan niya habang kausap ako ay naikintal sa aking puso't isipan na siyang nagsilbing lakas at pag-asa kong makauwi sa bahay. Isinusumpa kong kapag makalalabas ako roon ay habang buhay kong kamumuhian ang demonyong iyon.

Alas-singko ng hapon, ang nakatakdang oras kung kailan magkikita kami ni Amie dala niya ang isang milyong piso para ibigay sa ex-boyfriend ko. Papalapit pa lang siya sa amin, dama ko ng kabog ng kaniyang dibdib na natatakot na may masamang mangyari sa akin. Nathan pointed his knife at my hip kasi kaya ganoon na lang ang kakaibang reaksyon ni Amie na naggawang nagmamadali sa paghagis ng bag na puno ng pera.

When Nathan received it, tumakas na kaagad siya dala ang bagay na kailangan niya. Sa pagtataka ko, hindi ako sumama muna kay Amie kundi sinundan ko pa si Nathan para makita ang reaksyon niya gayong hawak na niya ang pera. May dumating na mga pulis na nagroronda roon kaya napasunod si Amie sa akin. Magkasabay kaming hinanap ang lokasyon ng kidnapper.

Sa isang kaduda-dudang lumang building, nakita naming nakabukas iyon na para bang may bagong pumasok doon dahil tumataginting pa ang metal sa may pinto nito. Pumasok kami roon ni Amie at nakita si Nathan na kausap ang isang doktor. Katabi nila ang isang matandang babae na mukhang pasyente sa isang ospital. Nagulat kaming lahat nang nagkasalubungan ng paningin.

"Anong ginagaw n'yo rito?" pagtatanong ni Nathan sa amin.

"Nathan, sino siya at bakit—" Hindi ko nadugtungan ang pangungusap na iyon dahil hinarangan na kami ni Nathan at itinulak palabas ng building.

Wala naman akong naalalang kadugo nila Nathan na may sakit kaya blangko pa sa akin kung sino iyong pasyenteng inaalagaan ng ex-boyfriend ko. Doon ko napagtantong nakagawa ng masama ang taong iyon dahil gusto niyang tumulong. At nalaman ko pa mula sa salaysay niyang ina iyon ng girlfriend niya. Kahit nagkawalay sila ng kasintahan niya sa iglap na pag-alis lang nito, namayani pa rin ang awa niyang hindi pabayaan ang naiwang ina n'yon.

Nalaman kong hindi talaga siya minahal ng babaeng pinalit niya sa akin noon kundi pera lang ang habol nito sa kaniya. Ito ay sa kadahilanang para mapagamot ang ina niyang may sakit. Hindi gusto ng matandang babae na magpadala sa ospital sa takot na makabayad ng malaking halaga kaya kumuha lang sila ng private doctor na kakilala lang ni Nathan para ma-check time to time ang pasyente. Hanggang lumipas ang panahon, napagod nag girlfriend ni Nathan sa kaniyang ina dahik na rin natuklasan na ng boyfriend niyang niloloko lang niya ito.

Umalis ang babae at 'di na nagpakita. Hanggang sa naiwan ang responsibilidad lahat kay Nathan. At doon namin siya naintindihan kung bakit nakagawa siya ng 'di kanais-nais na gawain maisalba lang ang bills at gamot ng ina ng girlfriend niya.

"Hindi mo naman kailangang gumawa nang masama para makatulong sa iyong kapuwa. Sa halip, magsipag ka o kaya manghiram ka ng pera sa mga magulang mo. Alam kong maiintindihan ka nila," ani ni Amie na awang-awa sa lalaki.

"Matagal na akong hindi humihingi ng tulong sa mga parents ko. Naglayas ako sa bahay at tinalikuran ang responsibilidad kong maging isang runner ng mga kayamanan nila. Kaya, wala akong mukhang ihaharap sa kanila. Ito na lang ang naisip ko na paraan," tugon ni Nathan.

Malungkot man ang kaniyang mukha, nakakaawa man ang situwasyon niya, hindi ko pa rin nalimot ang mga kasalanang ginawa niya sa akin. Sasabihin ko sanang nabuo ang paghahalay niya sa akin noon subalit nag-aalangan ako sa wrong timing na pagkakataon. Ayokong dagdagan pa ang problema niya kung kaya't itinago ko na lang ang sekreto kong iyon.

Matapos naming mag-usap, hinayaan ko munang maalagaan ni Nathan ang pasyente niya at naisip kong umuwi na kami ni Amie para makapagpahinga. Papara na sana kami ng taxi nang biglang dumating ang mga pulis na kanina pa'y hinahanap ako. Namukhaan kasi ako sa isa sa kanila noong nakadaan ako sa pagroronda niya kaya nakilala niya ako at sinundan. Kasunod ng sasakyan ng mga pulis ang sports car na huminto roon.

Lumabas ang isang lalaking pamilyar sa aking paningin at sumigaw ng, "Amie."

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon