Trinah's POV
Tulala ako kaharap ang mesa, habang pinaikot-ikot ang plumang kulay asul ang tinta. Unang araw pa lang ng trabaho ko sa opisyal na pagsusulat sa bagong project ni Ms. Jazmine, subalit ang espiritu ko'y lumilipad nang malayo, wari'y naghahanap ng kasagutan sa blood donor ni Fin na misteryo pa rin.
Sa blanko kong pag-iisip, biglang umihip ang hangin, dala ang lamig nito, na dumaan pa sa malaking butas ng bintana. Napukaw ang natutulog kong isipan nang maramdaman ko nang pagdampi nito sa aking malambot na balat. Dagdag pa ang pagtayo ng mga buhok sa ibabaw nito.
Inaantok na ako.
Ang mga pilikmata ko'y titiklop na para ipahinga ang napapagod kong katawan. Niyupi ko na lang ang magkabilang braso ko, saka sinandalan ng ulo ko at tuluyang hindi na makakita ng liwanag.
Nakatulog na ako.
Nakita ko sa aking panaginip ang mukha ng aking ama. Siya ang tugma sa imaheng binuo ko sa aking isipan. Tinawag niya akong 'anak' nang magkasalubong kami sa opisina. Niyakap niya akong mahigpit katulad ng batang matagal nang nangungulila sa kaniyang ama.
"Trinah, anak, patawarin mo ako dahil hindi kita nakilala noon man. Sana matanggap mo pa rin ako bilang ama mo," bigkas niya, habang nakadiin ang mga kamay niya sa aking mahahabang buhok sa likod ng aking mga tainga.
Tumulo ang tatlumpong butil ng tubig ko sa daluyan nito at nauutal na sumagot ng, "P—pa, b—bakit m—mo 'ko ininsulto doon sa opisina mo kung alam mo nang anak mo 'ko?"
Tahimik lang siya at hindi kumikibo. Sa labis na kahihiyan ay iniwan akong muli na nag-iisa roon habang umiiyak at sumisigaw ng pangalan niya.
'Paaaaaa... Paaaaaa..." malakas na pagtatawag ko kaniya.
Akala ko hindi na niya iiwan; wala pala talaga siyang paninindigan sa akin.
"T—Trinah... Trinah," may mahinang boses na bumulong sa tainga ko.
Pinukaw ako ni Janette para ipaalam sa akin na nananaginip na ako sa oras ng trabaho.
"Ma'am Janette, pasensya na nakatulog ako."
Tumango lang siya.
Agad akong umupo nang matuwid, iniunat ang mga kamay, at napahikab nang limang segundo.
Inaantok pa 'ko.
Inayos ko ang aking pagkakaupo at ibinaba ang tingin sa mesa. Halos lumuwa na ang aking mga eyeballs pagkakitang blangko pa ang papel na susulatan para sa artikulong ipinapatapos ni Ms. Jazmine.
"Hala!" ang tanging nasabi ko, sabay pisil ng ilong ko.
Agad kong hinawakan ang plumang katabi lang ng blangkong papel at nagsimulang guguhit ng letra para sa panimulang pangungusap. Subalit, napahinto ako nang marinig ko ang ingay nang pagbukas ng pinto.
"Hello, Trinah," pagtatawag ng boses babae mula roon.
Ginalaw ko ang leeg ko at tiningnan kung sino ang mga taong pumasok. It was Ms. Jazmine and her father na nakangiting bumungad sa akin. Nakakapanibago si Mr. Awman sa paningin ko. Hindi na siya mukhang strikto at parang sumabay na siya sa galawan ng kaniyang anak.
"Hi, po sa inyo ma'am Jazmine and sir Awman," pagbati ko sa kanila.
Lumakad sila palapit sa akin habang ang mga kamay ko'y abala sa pagtatago ng mga gamit ko sa panulat.
"Ano'ng ginagawa mo, Ms. Trinah?" pagtatanong sa akin ni Ms. Jazmine.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko na sinabayan pa nang paglakas ng pintig ng mga pulso ko. Tumataginting na iyon sa mga tainga ko, habang ang isip ko'y naghahanap kung ano ang isasagot sa tanong na iyon.
Hanggang nasabi kong, "Ah wala. Nag-iisip pa ako ng isusulat sana na nobela sa bagong project niyo po."
"Tama! Napag-usapan pala namin ni Dad na itutuloy na iyong project with the partnership sa isa sa pinakasikat na Entertainment agency sa States. It's a big project para sa kumpanya at para sa talent mo. Kaya, sa susunod na Linggo ay aalis na tayo ng bansa para a-attend ng meeting do'n," pagsasalaysay niya.
Nakalusot ako.
Naggawan ko ng dahilan na related sa new projects ni Ms. Jazmine. Ayaw ko pa namang pag-isipan nang masama ng daddy niya gayong hindi pa naman niya ako gusto.
"Oh ano, Trinah, G ka ba?" Maaliwalas ang mukha ni Ms. Jazmine sa pagkatanong nito, na presko pa ang polbong nilagay niya sa kaniyang mga pisngi.
Naakit niya ako, kaya, sinang-ayunan ko na.
Tahimik lang si Mr. Awman, bagay na nakakapanibago dahil sa halip na strikto siya tingnan kung makatingin sa akin, ay parang nakisabay siya sa mood ng kaniyang anak.
***
Palabas na ako ng opisina para roon mananghalian sana sa pinakamalapit na restaurant, nang dumaan sa aking harapan ang lalaking pamilyar sa akin. Nag-iba na ang kaniyang awra dahil sa bagong gupit nito at kulay blonde na buhok. Nakasuot siya ng gray na toxido na karaniwan niyang sinusuot sa tuwing papasok siya sa trabaho.
"Andrew," mahinang boses na pagtatawag ko sa kaniya.
Hindi yata niya ako narinig dahil sa lakas ng ugong na paparating na sasakyan ng mga bombero. Napakawrong timing talaga!
Sandali pa, paglingon ko sa kaniya ay may patakbong babae na may maikling buhok ang lumapit kay Andrew. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ng lalaking mahal ko, dahilan nang paglakas ng pagpintig ng mga pulso ko.
Huminto sila isang metro mula sa akin habang ako'y nakatanaw lang sa kanila. Hindi yata nila ako napansin na nagmamasid lang sa kanila kahit parang hinihiwa na ng kutsilyo ang puso ko.
"Dumaan muna tayo kay Mr. Awman. Bibigyan ko siya ng invitation card sa kasal natin. Malay mo, reregaluhan tayo ng malaking pera. Hahaha, joke," pabirong wika ni Antonette na hindi naman ito nagustuhan ng lalaki.
"No!" pag-aangal ni Andrew.
"Bakit naman? Kaibigan ko ang anak niya, so kaibigan ko na rin ang dad niya. Anong mali do'n?" Mala-bata ang pagkakasabi nito ni Antonette, bagay na pinagseselosan ko dahil estilo ko ito bilang paglalambing ko kay Andrew noong okay pa kami.
"It's for family issues, Antonette. Hindi matutuwa si Dad kung makikita niya ang daddy ni Jazmine." Bakas na sa mukha ni Andrew ang tindi ng hindi niya pagsang-ayon sa request ng fiancee niya.
Tumahimik si Antonette na halatang nadidismaya kay Andrew.
Matagal nang magkaibigan si Antonette at Jazmine simula noong college pa lang sila. Pareho kasi silang mayaman at may kapareho sa ugali rin. Mabait naman talaga si Antonette noong kabataan pa, nang dahil lang sa pagmamahal niya kay Andrew, kaya siya naging kontrabida sa buhay ko.
Bigla akong nakaramdam nang kati sa lalamunan ko. Hindi ko mapigilang umubo nang malakas, na rinig pa ng dalawang couple na nag-uusap. Natigilan ako pagkatapos at nagpasyang tumalikod sa kanila para hindi nila ako makita na nagmamasid sa kanila.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...