Dalawang araw matapos maibalik sa akin si Fin ay sinadyang sinunog ng mga taong 'di ko kilala ang lumang bahay ko na iniwan pa sa akin ng mga hindi ko tunay na mga magulang. Lubhang nakaramdam ako ng pighati at pagkalungkot sa nangyari. I am blind for all the things I have seen. Paano ba kasi, sobrang nawili ako sa pag-aalaga sa anak ko dahil sa kasiyahang kapiling ko na siya ulit.
Masuwerte pa rin kami ng anak ko dahil nakaligtas kami. Agad kasing sumaklolo ang mga kapitbahay ko nang makitang lumalagablab ang mga apoy sa iilang parte ng bahay. Sa tulong ng kapatid ni Dahlia, ay nagawa niya akong ipalabas kasama ng anak ko sa pagdaan lamang sa makitid na exit sa may kusina na gawa pa ng namayapa kong ama para gawing emergency exit.
Napasigaw na lang ako nang may galit habang umiiyak sa nakitang ubos lahat ang mga bagay na mayroon ako. Ang tanging nasalba ko lang ay ang tablet ko na itinabi ko kay Fin sa basket na kinalalagyan niya. Ang ibang gamit ko'y kasamang nilamon ng malalaking apoy.
Matapos naapula ng mga bombero ang sunog, dumating ang mga reporters sa iba't-ibang TV channel upang mapanayam ako. Ngunit, imbes na sagutin ang mga katanungan nila'y tinakasan ko sila at nagtago ako sa espasyong hindi nila matatagpuan. I'm not ready yet to talk nor to tell a story to them. Masakit pa kasi sa akin ang mga sunod-sunod na nangyari sa buhay ko.
Dahil sa hindi nila ako nakausap, ang mga residenteng nakasaksi ang siyang nagsalaysay sa mga reporters sa teribleng sunog. Nakikinig na lang ako sa may espasyo habang humihikbi, iniisip kung saan na naman maaaring tumira gayong wala na akong matutuluyang iba.
Nabalitaan ng pamilya ni Dahlia ang sinapit ko, ngunit nalaman kong lilipat na rin sila ng lugar na titirhan dahil ayaw nang madamay pa sa susunod pang mangyari sa akin.
Ang pagtulong lang ng kapatid ni Dahlia sa akin ang siyang huling pagkikita ko sa kanilang pamilya. Nasabi rin ng matalik kong kaibigan na medyo malayo ang lilipatan nila, kaya malabong matutulungan pa niya ako sa problema ko. Pinagbabawalan din daw siya ng kaniyang mga magulang na lapitan muli ako.
Ang balitang iyon ay lumaganap na sa buong bansa. Siguradong marami na ang nakapanood nito. Habang nagagalak ang mga taong sumunog sa bahay ko, nagdurusa naman ako dahil ni isa'y walang tumutulong sa akin. Ang malimit lang marinig ko sa mga bibig nila kapag humihingi ako ng pabor ay, "Mahirap lang kami Trinah, wala kaming maibibigay talaga sa 'yo na tulong. Pasensya na."
Nasaan na ba ang puso ng mga tao? Pinababayaan na ba talaga ako ng itaas na magdusa sa gitna ng daan?
Kahit masakit sa pakiramdam, pinilit ko pa ring maglakad sa gitna ng daan upang isa-isang humingi ng tulong. May iilang nagbigay lang ng maiinom na tubig at kaunting tinapay pagkarating ko sa unahan ng tulay. Buti pa ang karatig bayan ay may awa pa rin kahit papaano.
"Sir, mam, kaunting tulong lang po sa nasunugan," pagmamakaawang sabi ko dala-dala ang lalagyan ng pera.
May nagbigay man pero hindi pa rin sapat para pangrenta ng boarding house. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kaya, habang nagbibilang ako ng mga coins ay may biglang huminto na kotse sa may likuran ko.
Tiningnan ko ang ginang na dahan-dahang lumalabas sa kotseng iyon. Pamilyar siya sa akin. Ang tindig niya, ang pormahan, at ang bilog niyang mga mata na nabalutan ng malalim na paghihinagpis. Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang pagtibok ng puso at mga pulso ko nang lumapit na siya sa akin.
Nang sa simula, kalma lang siya sa pagsabing, "Trinah, ikaw ba 'yan?"
Ngunit, nagbago ang tono ng pananalita niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit hindi ka sumasagot?" paninigaw niya sa akin.
Napahigpit nang yakap ko kay Fin na natutulog lang sa mga bisig ko dahil sa medyo lakas ng boses na binitawan ng ginang. Bakit niya ba ako sinisigawan gayong hindi ko siya kilala? Nababaliw na yata siya.
"Oo, ako si Trinah. Ano po bang problema niyo sa akin?" pasimulang tugon ko sa kaniya.
Tinitigan niya ang aking mga mata at dahan-dahang pinatayo ako hawak ang kaliwang kamay ko. Blangko lang ako sa mga kilos niya, wari'y nagmamasid kung ano ang susunod niyang gagawin. Gusto ko siyang bulyawan dahil sa kakaibang bati niya sa akin, subalit nakita kong nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.
"Bakit po?" tanong ko sa kaniya.
"M-maaari ko bang makita ulit ang panyong binigay sa 'yo ni Amie, na pagmamay-ari mo raw?"
Inalala ko pang mga tagpo sa nakaraang araw. And yes, Amie returned me a handkerchief na pagmamay-ari ko as memorabilia ko sa mga true parents ko. Ang pinagtataka ko lang, bakit hinahanap iyon sa akin ng ginang na kaharap ko?
Tinanong ko siya sa kaniyang pangalan at sinabi naman niya ang buong detalye. I forgot her na talaga as Amie's mother. How come na nakalimutan ko siya?
"What happened to you, Trinah? Bakit mo 'ko nakalimutan gayong ilang araw pa lang tayong hindi nagkita?"
"Pasensya na po, Madam Adamo. Marami lang sigurong masamang nangyari sa akin, kaya medyo na a-amnesia na ako."
Pilit kong ipakita sa kaniya na maayos lang ang pakiramdam ko gayong hindi naman. Nagsimulang sumakit na naman ang ulo ko na parang nabibiyak ito. I remained calm and took a deep breath sabay ngiti sa kausap para gumagaan kaunti ang pakiramdam ko. Subalit, kahit gaano kong pinagsisikapang maging okay, unti-unting lumalabo nang lumalabo ang paningin ko. And there, I lost my consciousness sa harap ni Mrs. Adamo.
***"Totoo bang kilala mo ang tunay kong mga magulang?"
Nabitiwan ni Mrs. Adamo ang iniinom niyang wine pagkarinig ng katanungan ko. Nagulantang ang mga kasambahay at ang iba pang tao sa bahay sa ingay ng pagkabasag ng baso. Ang lahat ay nagsipagtinginan sa amin na para bang nabibigla sa kung anong nangyari.
"Iwan n'yo muna kaming dalawa ni Trinah, pakiusap," mahinahon niyang pag-uutos sa mga taong naroroon.
Nagsipagbalikan sa kani-kaniyang gawain at puwesto ang mga kasambahay pati na rin si Amie, na naroroon din sa bahay pagkabalitang iniuwi ako ng ina niya matapos mawalan ng malay. Nang kami na lang dalawa ang naiwan sa dining room ni Mrs. Adamo, hindi ko sinayang ang pagkakataon na usisain siya sa pag-asang masusumpungan ko ang mga sagot sa matagal ko ng katanungan.
"Madam, sinabi sa akin ni Amie, kanina lang ang tungkol sa mga magulang ko. Gusto ko lang tanungin ka ulit upang kumpirmahin ang mga bagay na ito."
"Trinah, iyang tungkol sa mga magulang mo, ay hindi ko pa nasisigurong tama ako. Ang panyong hawak mo lang ang nagpapatunay sa mga hinala ko. Kaya, maari ko bang makita ulit ang bagay na iyon?"
Iniunat niya ang kaniyang kanang kamay upang hingin na makita ang panyong may burda ng isang pangalan. Tinitigan ko ang mga mapupulang palad niya na walang kahit isang bakas ng sugat at napagtantong hindi ako nararapat para sa kaniya.
"T-Trinah," pagpupukaw niya sa natutulog kong isipan.
"Aaaah, pasensya na po, pero wala na po sa akin ang panyong hinahanap niyo."
"Bakit?"
"Ang panyong iyon na iilan sa mga alaala ko sa aking tunay na mga magulang ay kasamang nasunog kahapon doon sa bahay namin."
"Ah gano'n ba? Bukod sa panyo, may naisalba ka pa bang gamit mo na kasamang iniwan sa 'yo no'ng sanggol ka pa?"
"Bukod sa panyo ay wala na po akong naisalba dahil nataranta na po ako sa sunog at muntikan na nga akong mahilo sa usok no'n."
Biglang umiyak si Fin dahilan para asikasuhin ko muna siya sa kuwarto at pansamantalang pinutol ko ang usapan. Gutom na pala ang anak ko, kaya pinadede ko muna siya. Akala ko'y hindi ako susundan ni Mrs. Adamo. Pero, nagkamali ako. She followed me and confessed everything.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...