Chapter 63: Galit ni Antonette

0 0 0
                                    

Trinah's POV

"Doctor Alfred," sambit ng isang babaeng kapapasok lang sa room.

Lumingon ang doctor na kasama ko at naputol ang aming kuwentuhan. Nagsipagtinginan kaming lahat sa isa't-isa at natahimik bigla.

Bumalik ako sa clinic ni Doc. Alfred dahil sa last treatment na ibibigay niya sa mga sugat ko. Tatanggalin din niya ang mga bandages nito. Matapos niyang naisagawa ang trabaho niya, ay nagkaroon kami ng maikling kuwentuhan. Hindi ko naman alam na may client pala siyang aasikasuhin next to me.

Nakatitig lang sina Antonette at Andrew sa binti kong sugatan habang ibinaba ko na iyon para umiwas na sa kanila. Nagmistulang pilay ako kung maglakad papuntang pinto, bunga ng naramdaman ko pang kirot sa mga binti ko. Nasa process of healing pa kasi ang mga sugat kong natamo mula sa pagkadisgrasya ko sa sasakyan ng doktor.

Sinundan nila ako ng tingin mula sa paglalakad ko sa loob hanggang palabas ng pinto sa emergency room. Binilisan ko ang paghakbang sa takot na baka pigilan pa nila ako at magsisimula na naman ang gulo.

"Ate," sambit sa akin ni Jazmine, na humakbang na papalapit sa akin upang alalayan ako sa paglakad.

Natulala lang ako nang makita siya. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

Hinawakan niyang mahigpit ang mga braso ko, sabay inalalayan sa paghakbang. Tahimik pa rin ako habang patuloy sa paglalakad hanggang marating ang labasan ng clinic.

"Ate, anong nangyari sa 'yo? Bakit paika-ika kang naglalakad? At ang mga sugat mo—"

"Nabangga ako ni Doctor Alfred, ang may-ari ng clinic na ito, nang araw ng kasal nina Andrew at Antonette."

"Ano? Paano?" Huminto ako sa paghakbang at hinarap siya.

"Gusto kong umalis at balak ng 'di magpakita sa inyo ni Mr. Awman, no'ng malaman kong ginamit niyo lang ako para sa paghihiganti niyo sa pamilyang Perrie. Sa bilis nang pagtakbo ko'y 'di ko na nakita ang kotse ni Doc. Kaya, ito ang naging resulta."

"Ate—"

"Jaz." Hinaplos ko ang buhok niya at patuloy pang nagsabi, "Jaz, huwag kang makisali sa bangayan ni dad at ng mga Perrie. Hindi natin kinakaaway ang hindi natin kilala."

"Ate."

"Trinah!" sigaw ni Andrew, na kalalabas ng pinto.

Sinubukan kong tumakbo para iwasan siya, ngunit nawalan ako ng balanse sa katawan. Dahil mabilis na kumilos si Andrew, nasalo niya kaagad ang katawan ko sa kaniyang balikat.

Nagtitigan ang aming mga mata, habang tinitiis ko ang hapdi ng aking binti. Gusto kong maiyak. Gusto kong halikan ang mga labi niyang mapupula. Miss ko nang yakapan at lambingan namin. Gusto kong sabihin sa kaniyang, "Akin ka na lang," pero Hindi puwede. May asawa na siya.

Naramdaman ko ang higpit nang paghawak niya sa beywang ko, na tila nabibigatan na sa akin. Kaya, tumayo na ako.

Paglingon ko, 'di maipinta ang mukha ng isang babaeng matalim ang tingin sa akin. Namunula na ang kaniyang pisngi at nakaangat na ang dalawang kilay nito. Nakatiklop na rin ang kaniyang mga daliri, wari'y nais akong suntukin nang nanginginig niyang kamao.

Sandali pa, sinunggaban niya ako ng suntok sa harapan ni Andrew at pilit hinihila ang mga hibla ng aking manipis na buhok.

"You bitch! Mang-aagaw ka talaga!" paninigaw niya sa akin.

Hindi ko naggawang atakihin siya pabalik bunga nang pang-aapak niya sa aking dalawang paa.

"Aaaaa," pag-aangal ko, sa sakit na aking tinamo.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon