Chapter 38: Kaduwagan ni Trinah

1 0 0
                                    

"Pasensya na po kayo, ma'am. Hindi po kasi pinapayagan ang sinuman na makausap si boss kapag walang appointment sked. Lalong-lalo na kung sa low class galing."

"Ano? low class? Aba'y matindi 'to makapanglait ng kapuwa. Eh kung upakan na lang kita." Pinigilan ko si Dahlia na gawin ang gusto niya dahil ayaw kong magkagulo roon.

It was my first time to meet my biological father pa naman kung papalarin. Kaya, imbis na makipag-away sa assistant niya ay kinakalmahan ko ang pakikipag-usap sa kaniya.

"Pasensya na po sa kaibigan ko, ma'am. Mahilig kasi talaga 'tong magjoke. Ahm, sige na po, ma'am, payagan niyo na po akong makausap boss niyo. I assure you na madali lang ako. Importante kasi ang sasabihin ko sa kaniya," mariing pakiusap ko.

Sa pangalawang pagmamakaawa ko, pansin ko'y nakukunsensya na ang babaeng humarap sa akin. Alam kasi niyang hindi gaano kastrict ng boss niya pagdating sa bisita. Sumusunod lang daw siya sa rules ng kumpanya. Kaya, nagpaalam muna siyang iwan kami para humingi ng permiso sa boss niya.

Sumilip kami ni Dahlia sa loob. Nanatiling bukas kasi ang pinto ng office ng CEO na pinasukan ng assistant. Narinig namin ang tugon ng kaniyang boss na, "Let her come in." Kaya, nabuhayan ang loob kong sa wakas ay nagkaroon ako ng pag-asa na makita at makausap ang lalaking parte ng buhay ko.

Lumapit na ang assistant sa amin at nagsabing, "You can come in, Ms. Trinah. Ikaw lang ang puwedeng pumasok sa loob as per Ceo's instruction."

Tumango ako at binigay ang bag kay Dahlia na may laman ng mga kailangang bagay ni Fin. Nasa pagbabantay muna siya ng kaibigan ko dahil ako lang ang pinayagang pumasok sa office ng CEO.

Pagpasok ko, isinara kaagad ng assistant ang pinto for privacy reasons. Nabigla ako tuloy pagkarinig ng kalampag ng pagsara ng pinto. Mahinhin ang naging paghakbang ko papalapit sa mesang nakapangalan sa totoong tatay ko. Binabasa ko pa ang nakaimprintang full name niyang, 'Terencio G. Awman'.

He looked straight to me and said, "Come, and tell me what is your appointment for me, young lady?"

Lumalakas ang dabog ng puso sabay ang pintig ng mga pulso ko, habang humahakbang papalapit sa mesa niya. 'Di niya pinutol ang pagtitig sa akin sa mukhang nakangiti na sumasalubong sa akin.

"Miss?" Iniunat niya ang dalawang kamay niya bilang pahiwatig na welcome ako sa opisina niya at hindi dapat akong mahiya.

"Anything that bothers on you, Miss?" pagtatanong pa niya sa gustong pukawin ang isipan kong nakatulala at hikayating magsalita ako.

I shook my head back and forth gently to awaken my mind nang biglang naalala kong main purpose ko sa pagpasok ng opisina niya. Huminga nang malalim at pinisil-pisil ko ang kanang gilid ng paa para kalmahin ang sarili mula sa kabang naramdaman sa loob ko.

Pagkatapos ay lumabas sa bibig ko ang mga katagang, "P-pasensya na po kayo. Parang namali 'ata ako nang pasok sa opisina ninyo."

I was blank when facing to him, na para bang nakakalimutan ko ang lahat ng sasabihin ko. I am just so coward to tell him my purpose dahil siguro na kung saan balak kong ikumpronta siya kaagad about my birth history.

Umatras ako at tumalikod sabay takbo palabas ng pinto. Dali-daling inakay si Dahlia palabas ng kumpanya dala ang kaba sa aking dibdib. Nagtataka ang kaibigan ko kung bakit ganoon na lang ako kabilis magdesisyong umalis ng building gayong parang malungkot ang mukha ko pagharap sa kaniya.

Habang hinihingal, 'di mapigilan ni Dahlia na tanungin ako sa nangyari.

"Trinah, ano bang nangyari sa loob ng opisina ni Mr. Awman? Nakausap mo ba siya about your identity o wala?"

"Kunin mo muna ang tubig sa bag ko at nang makainom muna bago ko sasabihin sa 'yo ang katangahang ginawa ko," pag-uutos ko kay Dahlia.

Pinahawak ko sa kaniya ang bag na naglalaman ng mga kaunting gamit ni Fin noong pumasok ako sa opisina ni Mr. Awman. Kaya, medyo nahihirapan siyang dalhin iyon na mayroong hawak na bata habang tumatakbong mabilis palabas ng gusali.

Matapos kong uminom ng tubig, umupo muna kami sa bench malapit sa isang coffee shop katabi lang ng kumpanya ng sinasabing biological father ko. Isinalaysay ko ang lahat ng nangyayari sa kasama ko kung kaya't napagsabihan ako niyang tanga at duwag. Ang sa akin lang kasi, natatakot akong dumiretso kay Mr. Awman, nang walang basehan o ebidensya bilang anak niya.

Wala akong hawak na anumang papeles o kaya katibayan na nagkaanak siya kay Mrs. Adamo. Kaya, sa isipan kong iyon, minabuting umatras muna bago ko ipakikilala ang sarili sa kaniya.

Makalipas ang sampung minuto, niyaya ko na si Dahlia na umuwi, ngunit panay iyak pa si Fin. Nahihirapan pa kaming patahanin siya kung kaya't hindi pa kami makaalis sa lugar na iyon. Lumapit ang isang babae na nakabihis asul na uniporme mula pang-itaas niyang damit hanggang pang-ibaba. Mukhang mabait naman siya nang nagboluntaryong tutulong sa pagpapatahan ng anak ko.

"Mukhang may kabag ang bata. After niyong padedein ang bata, huwag niyong kalimutang ipaburf para hindi sumakit ang tiyan niya," ani niya habang nakasandal si Fin sa mga balikat niya nang nakatalikod.

Tumango lang kami sa sinabi niya. Alam ko naman talaga ang bagay na iyon, gayon lang hindi ko nasabihan si Dahlia ang tungkol doon. Kaya, hindi pa niya naaaply sa bata. Naiintindihan naman kami ng midwife sa paliwanag ko at matapos napaburf si Fin ay tumigil na siya sa kakaiyak dahilan para ibalik ng babae ang anak ko sa akin.

"Ingatan mo iyang anak mo, iha. Huwag mong basta-bastang iiwan sa kung sinu-sino lang baka matulad ka sa babaeng napaanak ko noon na nagtiwala sa maling tao kaya tinangay ang anak niya nang hindi niya namamalayan."

"Opo. Salamat," sagot ko naman.

Ngumiti siya at saka nagpaalam na sa amin. Bago pa siya nakatalikod, na-curious ako kung sino ang babaeng kinukuwento niya. Kaya, biglang natanong ko, "Teka mam midwife, puwede po bang malaman ang pangalan ng ina noong nawalan ng anak baka kasi kilala ko at matulungan na rin sa paghahanap."

"Naku! mayamang angkan iyon sila. Naggawa na nilang hanapin ang sanggol subalit hindi nila natagpuan. Abby yata pangalan no'ng ina. Matagal na kasing panahon iyon kaya medyo 'di ko na naaalala mga full name ng mga babaeng napaanak ko."


Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon