Leavy's POV
*
Wow! Ang daming gulay dito!
Kakain sana ako ng isa pero may pumatak na tubig sa mukha ko. 'Di ko alam pero sa dami ng tubig na pumapatak dito ay wala pang isang minuto ay mukhang magtsutsunami na!
Katapusan ko na ba?! Hindi. Hindi pa! Wala pa akong first kiss! Hindi pa ako naka-update sa wattpad story ko!
Sa isang iglap ay nakita ko si ate na may dala na tubig. Bakit? Namatay din ba siya?! Nasa langit na ba ako?!
"Ate sinusundo na ba tayo ni papa?"I seriously asked.
"O-ohhh..."nakakatakot niyang sinabi. Grabe ka naman ate! Tinalo mo pa yung nakakatakot na boses ni Chuckie!
"Tara na?"seryoso kong tanong.
"Hoy tulog mantika! Gumising ka nga dyan! Gino-joke lang kita eh nagpapaoto ka naman! Lunes na Lunes eh!" mataray niyang sinabi. Ang hyper naman tong si Ate! Mamaya bigla siya atakihin ng high blood! Mahirap na!
"Ate tulog muna ako ng one minute. Kakainin ko pa yung madaming gulay at prutas ko...Please ...Promise titirhan kita"pagmamaktol ko sabay puppy eyes.
"Tirhan mo ang sarili mo! Bumangon ka na at baka malate ka pa sa bago mong school!"ang ingay talaga ni ate, mas masahol pa sa alarm clock namin! Aish!
"Oo na po, babangon na po madam."pasimple kong sinabi tapos nagpout ako.
"Aba dapat lang!"sabi niya tapos tinarayan niya ako. Aba at wala man lang apekto sa kanya tong charms ko?! Lupet!
Siya nga pala si Rainy Cloudine Elecian, ang ate kong maingay pero love na love ko. Forth year high student na siya. Ang kapangyarihan niya ay kumontrol ng tubig at kaya niyang gawing yelo ang tubig. In short, water user siya.
At ako, si Leavy(Levi) Graise(Grace) Elecian, ang bunsong anak nina Controlio at Windy Elecian. First year high school palang ako. Isa akong nature user.
.
.
.
Nagsuot lang ako ng berdeng t-shirt at nag-ripped jeans, para simple lang.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako ng bahay at kumain ng paborito kong kangkong!
Binilisan kong kumain dahil hindi dapat ako malate sa bago kong school. Majestia University, here I come!
"Beeppp!"ayan na ang school bus namin. Di ko nga pala nakikita ang itsura ng eskwelahan namin. Wala man lang kahit na anong imaheng ibinigay sa akin si mama. Puro pagpapaganda lang kasi ang inaatupag ng maganda kong nanay eh!
"Oh, Leavy magpakabait ka hah? Ikaw din Cloudine. Magfafoundation pa ako! "payo ni mama. Hay...
"Opo ma..."sabay pa kami ni ate tapos hinalikan na ni mama ang noo namin ni ate.
Pagpasok namin sa school bus, umupo kami ni ate sa sulok.
Kasabay ng pag-upo namin ni ate ay ang paggalaw ng bus...
"^_^"
":)"
":("
"-___-"
Bakit ganito?
'Bat ang tagal magmaneho ni kuya?
Tatayo sana ako para magtanong pero pagtayo ko, biglang lumipad yung bus dahilan para hawakan ko ang braso ng isang user sa bus! Sky high lang ang peg?! Aaminin kong nakakapanood ako ng mga horror movies, pero tong biglaang paglipad ng bus ay hindi ko na-predict!
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasyThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...