Chapter 17:Heartbeat

4.7K 245 3
                                    



(this is a special chapter of Shawn and Arianna/Aria)

#ShaRia

Enjoy!

--------------------------------


Shawn's POV


Nandito na kami sa loob ng silid nina Leavy kung saan kami ay magprepresenta.

Ang galing talaga yung TATLO na yung eh or which should I call the Legend Witches. Gumawa pala sila ng illusion para hindi makita ng mga estudyante ang mga nangyayari sa labanan?!

Pero bad for them kasi kahit na gumawa sila ng illusion ay may mga teachers na may ability na makaramdam ng enerhiya at nakaka-resist ng mga illusions. Di ko lang alam na ang mga teachers ay hindi man lang lumalaban o kaya naman ipinupunta ang TATLO sa white room(isang parte ng Majestia university na puro puti lahat. As in, parang langit lang pero walang bagay ang nakakabit dito. White room lang at may mga upuan.). Pero may mga bulungan na hindi daw lumalaban ang mga teachers dahil sinusunod nila ang propesiya. Ang propesiya na ang mga anak ng mga diyos at diyosa ang magliligtas sa sangkatauhan mula sa mga black magic users.

Nagtataka kayo siguro kung ano ang ipinagkaiba ng dark user at black magic user noh? Ang mga dark users ay ang mga kumokontrol sa kadiliman at sila din ang nagmulan ng ability na invisibility dahil likas sa mga dark users ang madilim. Ang mga black magic users naman ay mga course caster o taga-cast ng sumpa, sumpa na kumokonekta sa malakas na kadiliman at maari rin silang mga di pangkaraniwang bagay na gawa sa kadiliman at may itim na usok. Bagay na hindi kailan man magagawa ng isang dark user. Hindi natutunan ang black magic kasi nadadaan ito sa ritwal, ritwal na ang mga bruha o mangkukulam, si Dalgenon at si Demtia lang ang makakagawa.
.
.
.
.
.
Ngayon ay katatapos lang naming pito na magpresenta sa harapan ng mga magiging klasmeyt namin.

Si Leavy naman ay dumeretso sa kaibigan niya na si Soundy daw at niyakap...

Okey nga dito eh...

Maraming users ang makakasalamuha mo samantala sa Ñeopaleo naman ay kaming walo lang ang naririnig mong nagsasalita sa lugar na iyon, nakakaboring nga eh...

"Okey, let us all thank our heroes for saving our school."sabi ni Mr. Brainrett at sabay-sabay silang nagpasalamat sa aming walo pero kitang-kita ko ang mga titig ng mga kay Leavy. Para silang naagawan ng pustura! What's with them? Sapakin ko kaya sila?!

Hep! Don't overthink! Hindi ko gusto si Leavy, parang kapatid na rin kasi ang turing ko sa kanya simula noong dumating siya sa Ñeopaleo. Feel ko lang kasing maging kuya sa kanya. Alam niyo na! Ako lang kasi ang nag-iisang anak ni god Froze. Gusto ko lang kasing maramdaman ang may prinoprotektahan, dahil gusto kong maging kuya sa kanya kahit na magkaedad kami. Basta! Wag ng masyadong tanong ng tanong!

"Shawn?"biglang nagsalita si Aria.

Bakit ba palaging sulpot ng sulpot tong babae na to?! Kabute ka ba Aria?!

"Ano?"bored kong sinabi.

"Ahhhh....wala....."nahihiya niyang sinabi. Ano ba Aria?! Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?!

"Okey..."

Bakit parang namumula ang babaeng 'to? May sakit ba siya?

Hinawakan ko naman yung leeg niya pero hindi naman siya mainit. What's up with her?

"Ano ba Shawn? Wala akong sakit."sabi ni Aria habang tinatanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya.

"Eh bakit ka namumula?"tanong ko.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon