Chapter 46:Seeking For The Death User

1.5K 77 3
                                    

Rainy's POV

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagbyu-beauty rest nung biglang may umalog sa akin.

"Rainy..."boses ng isang lalake ang tumawag sa aking pangalan.

Inalog pa niya ako pero ayaw ko munang gumising kasi hindi pa fully changed ang beauty hormones ko.

"Mamaya na! Natutulog pa ako eh!"yan ang dahilan ko para matigil na 'tong taong umaalog sa akin.

"Rainy gumising ka na. May misyon pa tayo."galing na naman ang mga salitang yan sa lalakeng tumawag sa aking pangalan kanina.

"Ano ba?!"naiirita kong tinanong habang pilit kong ibalik ang aking himbing na himbing na tulog kanina.

Matapos ang ilang segundo ay tumigil na rin siya sa kanyang ginagawa.

Pero habang hinahanap ko palang ang tulog ko ay may biglang dumampi sa aking pisngi. It was a smack kiss from my cheek.

OH MY GOODNESS!

Inimulat ko agad ang aking mga mata at nagmasid sa paligid at nakita ko na ang kaisa-isang lalake na tumawag sa aking pangalan kanina. Oh my God! Hinalikan niya ko!

Nakita ko naman ang mukha niyang naka-ngiti na nagpapagwapo pa lalo sa kanyang mukha. Uminit bigla ang pisngi ko sa akta niyang ito. Haist! Kung hindi ka lang sana gwapo ay kanina pa sana kita dinemanda!

"Ahhhh... Yan lang pala ang gigising sa 'yo eh."wika niya sabay ngisi ng loko.

"Hoy kagalang-galang na prinsepe ng kaharian ng tubig, BAKIT MO GINAWA SA AKIN YON?!"nakakakilabot kong tinanong na nagpangiti pa lalo sa kanya. Oh, ikaw na! Ikaw na talaga ang gwapo!

Sa totoo lang kasi, I want to ask for more! (I-lugar ang kalandian, Rainy!)

'Bakit? Nasa lugar naman kami, huh?'-tanong ko sa isip ko kay Mr.G.

(Ay, ang landi!)

"Eh, hindi mo gustong gumising eh. Sabi mo 30 minutes ka lang magpapahinga pero lumagpas ka pa."pagpapaliwanag ni Prince Seano.

Ay, oo nga pala. Pagkatapos naming kumain ng almusal ay sinabi ko sa kanila na magpapahinga muna ako ng 30 minutes lang kasi, sino pa bang maganda ang mapapagod sa lumagpas na sampung oras na biyahe? Aber?

"Ahay... Sorry?"paumanhin ko tapos ngumiti lang si Prince Seano sa akin. Hay! Natutunaw na ako! Tulong! Hahaha!

"Ah, okey lang yun. Sige mag-ready ka na at sisimulan na daw natin ang paghahanap sa Death user. Nawawalan na kasi tayo ng oras at baka maunahan pa tayo ng kalaban."nahiya naman ako sa isang milyong salitang binanggit ni Seano sa akin. Akalain niyong sa isang napakagandang dilag pa niya ibinubuhos ang laway niya? (Eh, kung ibuhos ko kaya sa 'yo ang isang truck ng mga flashlight para maliwanagan ka?)

Pagkatapos kong mag-kabit ng hindi gaanong makapal na echaporetes sa mukha ko ay lumabas na ako sa kwartong tinutulugan ko.

***

Pagkalabas namin sa hotel ay hindi namin alam ang pupuntahan namin kaya kumuha kami ng tour guide.

Ayun nga, pumunta kami muna sa sa lugar na tinatawag nilang heritage. Doon kami unang naghanap. Kami ang nasa-mata ng bawat tao na madaanan namin sa heritage kasi naman yung mga damit namin ay kulang na lamang na ihambing mo sa rainbow colors. Ako kasi ay naka-blue, si Prince Seano naman ay naka-blue rin kagaya ko at ni Walthea, si Timmy ay naka-itim na jacket at may puti siyang T-shirt sa loob, si Vina naman ay naka-violet kagaya nung si Storm at si Thundroy, yung lalakeng nagngangalang Rey naman ay naka-white kagaya ni Arianna, si Prince Sneef naman ay naka-green, yung Kean naman ang pangalan ay naka-brown, yung si Steelion naman ay naka-grey at yung si Shawn naman ay naka-sky blue at si Flame naman ay naka-red. Oh? San ka pa? Kulang na lang ay magpasabog ng confetti para bongga!

Nakakita kami doon ng iba't ibang materyales na gawa sa puno kaya naman na-miss ko na naman si Leavy. May mga lumang bahay din kaming nakita at sa aming meryenda ay nag-empanada kami. Ilocos Empanada kung tawagin nila, malutong ito at may hugis cresent moon ito na may mga gulay at karneng nakalagay sa loob nito tapos sinabayan na rin namin ito ng suka.

-----Habang ipinagpapatuloy at abala ang lahat sa pagtatanong kung may nakita ba silang taong may tatoo'ng dragon sa likod ay may nakita ako na lalakeng---I mean baklang kasing edad lang nina Timmy. Naka-upo siya sa isang sulok at walang kasama. Paano ko naman nalaman na bakla siya? Wala, may Gay Radar kasi ako! Charot! Basta! Nalalaman ko na lang na bakla ang isang tao! Nalalaman mo naman sa pagdadala nila sa sarili nila eh.

Medyo malaki ang suot niyang damit at pang mahirap ang dating niya. Hindi ko alam pero, siya ang unang pumukaw sa atensyon ko.

"Ah! Bai! (Tagalog: Ah! Bakla!)"panunukso ng mga lalakeng bata harapan niya. Tumayo naman siya at binigyan sila ng mataray na itsura. Nagulat na lamang ako sa sumunod niyang ginawa.

"Apay haan yo nga makitkita ya? Ino garud ti kayat yo nga itawag kanya yo? Lalaki! Lalaki! Lalaki?! (Tagalog: Bakit hindi niyo ba nakikita? Eh anong gusto niyong itawag ko sa inyo? Lalake! Lalake! Lalake?!)"mala-Vice Ganda niyang sinabi. Nag-Ilocano siya kaya taga dito siya.

Sa irita ng mga bata ay babatuhin na sana nila siya ngunit tinapik niya ito at nabigla na lamang ang bulunbulunan ko nung naging full na itim ang kabilugan ng kanyang mata. Nakita ko pang nanghihina yung mga batang nanukso sa kanya kanina. Paalis na sana siya ngunit nag-flip ng kanyang buhok ngunit wala namang malakingbuhok. Dahil sa laki ng kanyang dahil ay sa ginawa niyang iyon ay may nakita akong parang may naka-guhit na kulay itim sa kanyang likod pero hindi ko matukoy kung ano ito.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinabol ko na ang bata para makasigurong siya ang hinahanap namin. Kahit lubayan ako ng kagandahang taglay ko! Basta may magagawa ako para sa misyon namin! Pero syempre char lang yun!

"Bata!"sigaw ko noong medyo malapit na ako sa kanya.

Humarap siya sa akin at nakita ko na ang mata niyang normal na, hindi gaya noong kanina na sobrang itim ito.

Isang tanong na lamang ang aking nabanggit sa kanya matapos kong tahakin ang ilang mga foot steps para makita ko na siya ng malapitan.

"Patingin nga yang likod mo?"

Dahan-dahan niyang iginagayad pababa ang kanyang damit para makita ko ang likod niya.

Hanggang sa.....

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon