Rainy's POV
Dahan-dahan niyang ipinapakita sa akin yung likod niya.
Hanggang sa.....
"Oy! Inu ka? Swerte? Apay nga ipakitak kitdi daytoy nakinis ko nga likod kanyamon? Siguro rapist ka niya? Wennu holdaper? Ino? (Tagalog: Oy! Ano ka? Swerte? Bakit ko ipapakita 'tong makinis kong likod sa iyo? Siguro rapist ka noh? O holduper? Ano?)"deretsong pagi-Ilocano nitong baklang tinawag ko kanina. Pagkasabi niya yon ay humarap siya sa akin nang hindi niya pa ipinapakita sa akin yung likod niya.
"Grabe ka naman! Sa ganda kong 'to paghihinalaan mo ng ganon? Hindi kaya! Ang ganda kasi yang tatak sa likod mo, nakita ko kanina."pagdadahilan ko sa kanya.
"Pakita nga para mas makita ko na ang kabuuan?"pag-alok ko sa kanya sabay kita sa likod niya pero agad siyang naglakad patalikod dahilan upang mapaiwas ako ng tingin sa kanyang likod.
"Saan? Sa likod ko?"tanong niya pero dahil nakita ko na parang Vice Ganda siyang magsalita kanina ay ginantihan ko siya ng isang nakakalokanh sagot.
"Ay hinde. Sa buhok mo, sa buhok mo. Ang galing kasi nilang magtago eh hanggang ngayon hindi ko pa nakikita. Patingin nga!"sabi ko ala Vice Ganda na nagpangiti sa kanya pero nawala rin ito agad.
"Ayoko nga! Baka may gagawin ka sa akin na hindi maganda."wika niya. Mukhang alam na rin niya na Tagalog ang wika ko kaya nag-Tagalog na rin siya. Pero kaya kong mag-Ilocano hah!
Watch and learn...
"Aysus apo! Ipakitam lang talikod mo kit! Nakarigrigat ka lakitdi nga kapatpatangen! Makapasakit ka ti ulo! (Tagalog: Diyos ko po! Ipapakita mo lang yang likod mo eh! Ang hirap-hirap mo namang ka-usap! Nakakasakit ka ng ulo!)"deretso kong ibinanggit dahil sa irita na may diin na pang-Ilocano. Napanganga naman siya sa sinabi ko.
"Ammom ti ag-Ilocano, manang? (Tagalog: Alam mo ang mag-Ilocano, ate?)"tanong niya nang may pagkamangha.
"Ahmm. Bassit lang. (Tagalog: Ahmm. Konti lang.)"banggit ko sabay pakita sa dalawang daliri ko at kunwari ay sinukat ko ang aking kagalingan sa pagi-Ilocano sa napakaliit na inch.
"Sigin ah! Ipakitam latta ta likod mon. Ada lang ngamin iti birbiruken mi nga tao ket baka sika ejay. (Tagalog: Sige na! Ipakita mo na yang likod mo. May hinahanap lang kaming tao at baka ikaw yun.)"banggit ko na may diin na pang-Ilocano na naman.
"Sige na nga! Basta i-libre niyo ko, hah?"pagsangayon niya at tumango naman ako sa kanyang tanong.
"Yes! Solve na ko sa pagkain!"sabi niya na may tono ng pagkawagi sa kanyang pangungusap.
"Patingin nga yang likod mo?"tinanong ko at walang alinlangan niyang ipinakita sa akin ang likod ko at doon ko na nakita ang marka ng isang itim na dragon na gaya rin ng nanay ni Timmy pero kulay puti nga lang.
Jackpot! Siya na nga! Dahil sa taglay kong kagandahan ay nakita ko na sa wakas ang Death user! Wuhouh! (Magprotesta tayo!)
"Ahmm... Pwede ka bang sumama sa akin sa Hotel Luna?"alok ko. Hotel Luna yung hotel na pansamantalang tinitirahan namin, remember.
"Bakit? Doon mo ko ililibre? Mahal doon eh!"sabi niya
"Ahhh, oo! Doon ka namin ililibre."pagdadahilan ko dahil doon ko siya ipapakilala sa mga kasama ko. Medyo public kasi ang lugar na 'to kaya hindi bagay sa dami namin ang magpakilalahan.
"Yes! Mamahalin ang pagkain doon at ngayon lang ako makakakain doon. Pero namin? Ibig sabihin, may kasama ka pang iba, ate?"magalang niyang binanggit. Hay... Sa isang trilyong beses ay na-miss ko na naman si Leavy dahil siya lang ang tumatawag sa akin ng ate. Tumango naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasíaThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...