Chapter 44:G and S

1.8K 99 17
                                    


Third Person's POV

Nagulat ang lahat nung may kung anong tumama kay Princess Leavy at bigla siyang nawalan ng malay at kasabay non ay ang pagsulpot ng isang lalake at babae na naka-itim at naka-maskara. Doon na rin nila nakita ang kalangitan na madilim na pala nang dahil sa makakapal at maiitim na ulap. Masyado kasing silang nakatuon kay Princess Leavy kaya hindi na nila napapansin ang nangyayari sa paligid.

Nagsitakbuhan ang mga users at mga bisita dahil sa biglaang pagpapaulan ng mga itim na bola ang lalake at babaeng naka-maskara. Bawat madapuhan ng itim na bola ay nawawalan ng malay. Nightmare, yan ang isang kapangyarihan na kapag ginamit sa isang user ay nawawalan ito ng malay at natutulog ng ilang mga araw at nade-depress 'pag gising na sila. Tumulong ang ilan nating mga bida sa pagpapatigil sa mga itim na bola.

Mahigpit ang hawak ni Haring Khalilio sa kanyang anak ngunit nawalay sila nung biglang lumikha ng itim na bola ang lalake at babaeng naka-maskara. Dahil dito ay naghiwalay ang pagkakahawak ni Haring Khalilio sa kanyang anak.

Sa isang iglap ay bumilis na para bang koryente ang lalake at babae na naka-maskara pero sa bawat galaw nila ay mayroong itim na usok na nabubuo. Mabilis ang pangyayari kaya naman hindi namalayan ng lahat na nasa kamay na pala ng lalake at babaeng naka-maskara si Princess Leavy.

"Anak!!!"sigaw ni Haring Khalilio. Nasa pinakaitaas ng palasyo ang dalawang naka-maskara buhat-buhat ng lalakeng naka-maskara si Princess Leavy. Medyo may kaliitan ang lalakeng naka-maskara kaya muntik na niyang mahulog si Princess Leavy, buti na lang.

"Paki-usap. Huwag niyo na siyang kukunin, ako na lang!!!"dagdag na sinigaw ni Haring Khalilio ngunit parang walang naririnig ang lalake at babaeng naka-maskara.

Galit na galit si Timmy dahil sa ginawa ng lalake at babaeng nak-maskara kay Princess Leavy kaya naman nagpaulan siya ng blue fire balls sa dalawa ngunit nawala na sila at tanging itim lang na usok ang naging huling replika nila.

Wala na sila.

"Leavy!!!"sigaw ni Timmy."Princess Leavy!!!"sabay sinigaw ng lahat kasabay ang pagsigaw ni Timmy.

Ngunit may nakita silang papel mula sa itaas ng palasyo na malapit sa kinaroroonan kanina ng dalawang naka-maskara. Lumipad naman si Arianna para kunin ito at may nakita silang sulat mula rito.

'G and S'

Yan ang nasa papel na nagpataka lalo sa lahat. Si Haring Khalilio naman ay hindi na naitago ang kanyang emosyon kaya umiyak siya.

"G and S?"-Arianna

"Ano naman ang ibig sabihin ng mga iyan?"-Walthea

"H*yop sila! Pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito!"puno ng amis na sinigaw ni Timmy.

"Anak ko... Hindi ko hahayaang mawalay ka muli sa akin..."sabi ni Haring Khalilio habang umiiyak. Pinapatahan naman siya ng mga Hari at Reyna ng walong kaharian.

"Pagbabayaran ito ng dalawang dumukot kay Princess Leavy!"hayok na binanggit ni Flame sabay pikit ng kanyang mga kamao.

Si duchess Windy naman ay umiiyak na rin pati na rin ang kanyang anak.

"Kung sino man ang makakita sa anak ko ay sana ibigay alam niyo sa akin. Yan ang aking utos."seryosong binanggit ni Haring Khalilio sa buong madla.

"Masusunod po kamahalan!"

"Gagawin po namin ang lahat para mahanap si Princess Leavy!"

"Hahanapin po namin ang Prinsesa!"

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon