Chapter 6:Birthday

6.8K 314 14
                                    

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Sorry po sa wrong spelling at grammar. Enjoy!

Picture po ni Leavy yung nasa side>>>
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
(Ate ko po yan)

Leavy's POV

Sa mga oras na nahimatay ako ay nanaginip ako...

*

Wow! Ang daming puno at halaman!

Nakakita ako ng chrysanthemum flower at namitas...

Wow ang bango!

Pero habang nililibot ko ang lugar ko, may narinig akobg isang boses mula sa isang kweba.

'Leavy, magpakalakas ka dahil isa kang makapangyarihang nilalang.'sabi nito

"Sino po kayo? At paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"tanong ko

'Ako ang diyosa ng kalikasan at ikaw ang----'naputol ang sinasabi ng diyosa daw ng kalikasan dahil may pumatak na naman na tubig sa noo ko kaya inimulat ko agad ang mata ko. As expected, si ate na naman ang gumawa non..
*
"Hoy! Bakit nakahiga ka sa baba ng bed mo ha?! Anong trip mo? Bowling ball habang natutulog?!"sigaw ni ate Rainy

"Huh?"

Tinignan ko ang tinutulugan ko at nagulat na lang ako na totoo pala ang sinasabi ni ate?

Tumayo agad ako para namam hindi ako mapahiya. Seriously? Hindi pa ba obvious na napahiya ka na, Leavy?!

"Wala lang ate. Baka nga nagpagulog-gulong ako habang natutulog."sabi ko at bigla na lang siyang tumawa. Huh?

"Talaga? Hinulaan ko lang yun pero totoo pala. Si madam Auring na pala ako ngayon?! Hahaha!"nakakalokang sinabi ni ate. May saltik na ata ang ate kong maganda na to?!

"Oh, siya sige. Magbihis ka na at baka malate ka na. Happy birthday nga pala"then she hugged me."bawal pinaghihintay ang grasya baka mukha mo'y maging inupak. Hahaha!"tawa ulit ni ate.

Pagkalabas ni ate ay agad akong kumaripas patungong banyo at nagbihis. Inilagay ko ang Trifosana wand daw, sa bag ko. Yung book ay inilagay ko muna sa cabinet, halos na memorize ko na kasi ang lahat. Ganyan talaga ang mga nerd. Hehehe.

Bago ako umalis sa kwarto ko ay tinignan ko muna yung kwintas ko. Yung kwintas na iniiwasan ni mama kapag tinatanong ko kung ano yon. Weird nga eh, nagiging defensive siya kapag tinatanong ko kung ano to.

It's color gold with a shiny thing in the middle and it's color green. I like it.

Napapangiti na lang ako kapag nakikita ko ito. Di ko alam pero parang ang lalim ng ugnayan namin ng kwintas na to.

Bumaba na ako at kumain pagkatapos non ay nagpaalam na kami ni ate kay mama. And as usual kiniss na naman ni mama yung noo namin ni ate.

"Happy beauty day anak!"pangbati sa akin ni mama bago kami tuluyang umalis sa bahay.

Hindi na kami sumakay sa bus dahil baka makasabay ko na naman yung Timmy na yon. Nagteleport na lang kami ni ate papuntang school.
.
.
.
.
Ngayon ay nasa loob na ako ng silid namin.

Wala pa rin si Soundy dahil gusto pa niyang bantayan yung nanay niya. Kung bakit ko naman nalaman? Nagpadala na naman siya ng voice message. Galing niya talaga!

Habang nagbabasa ako ng libro ay may narinig ako na bulungan sa likod....

"Ang ganda ng party kagabi noh?"bulong ng babae

"Oo nga eh, pati ako ang ganda rin. Sana masilayan ng kagandahan ko si Timmy."sabi ng ibang babae. Seriously? Anong nagustohan nila sa bastos na yon?!

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon