Chapter 39:The Imposter Slave

2.2K 132 39
                                    

Rainy's POV

Okey, hinga muna ng malalim Rainy, alam kong mahirap ito para sa 'yo pero kakayanin ko pa rin. Sa ngalan ng aking kagandahan!

Para mas maging mukha akong katulong ay pinahidan ko ng konti ang mukha ko ng lupa na nasa paso. Halata naman na madaming lupa dito dahil, hello? Nature Kingdom 'to noh! From the root word Nature! (At kailan pa naging iisang salita ang Nature Kingdom, Rainy? Aber?)

Mahina akong naglakad patungo kay Prince Sneef at nagsalit----oh wait! Hindi pa ako nakapagpraktis ng voice choreo ko! Hay! Bahala na!

"Ser!"sigaw ko na para bang nagtitinda ng hipon sa tapat ni Prince Sneef pero nakatalikod siya. Napalundag pa siya sa pagsigaw ko at humarap sa akin.

"Sino ka naman? Bagong karakter na naman? Hindi ba nagsasawa si Mr.G na magdagdag ng bagong karakter?"iritadong sinabi niya. 'Kung makapagsalita ka naman parang close-close niyo ni Mr.G eh batang gulay ka lang naman! Heh!'-yan sana ang sasabihin ko pero baka mag-over time na naman ako sa pakikipagchikahan sa kanya. Baka ako na naman ang maging sanhi ng pagka-delay ng Grand Welcome Party para kay Leavy kaya dederetsuhin ko na lang 'tong POV ko. Pero char lang! Hindi niyo naman matitiis ang kagandahan ko noh! Kaya tuloy pa rin ang kajologs'an! And one thing, hindi niya talaga naisaulo ang maganda kong pagmumukha, huh? Wala talaga siyang pake. Hmpt!

"Naku! Hinde pu ser! Katulong niyo po aku!"maingay kong binanggit.

"Eh bakit naka asul ka?"tanong niya at napatingin naman ako sa aking damit na kulay asul. Ops! Oo nga pala, nakalimutan kong mag-change costume! Hehehe.

"Ahh-ehh idul ku pu kasi yung Ruyal Blu Dres ni Pia Wurtzbach!"pagdadahilan ko sabay ngiti sa kanya, yung ngiting pang mahirap at pang panget. Mas mabuti na 'to para naman maranasan kong maging panget kahit minsan lang. Hahaha!

"Sino naman yun?"tanong niya sabay subaybay sa kaliwa at kanan niya para makasigurong walang nakakakita sa kanya. Hindi mo lang alam Prince Sneef Chorvaness, nasa harap mo na pala ang tutuklaw sa 'yo! Hahaha!

"Basta pu! Maganda po siya kagaya ku!"pakipot na sinabi ko.

"Tsss... So, water user ka? Katulong ka namin tapos water user ka?"walang gana niyang binanggit. Come on brain! Gumana ka!

"Ahmmm.... Hinde pu! Hiniram ku lang pu tu kay---kay---"come on Rainy! Mag-isip ka ng pangalan. "Kay aleng Windy, yung matandang gurang na kapit-bahay pu namin! Naubusan pu kasi ako ng stock ng green na damit kaya itu na lang ang isinuut ku!"parang palengkera kong sinabi. Nasangkot na naman si mama sa kadaldalan ko! Hahaha!

"Ang weird mo naman atang katulong, para kang kakagahasa lang sa itsura mo."nandidiring sinabi ni Prince Sneef "At isa pa, hindi ako tinatawag na se-se- ano nga ulit yung tinawag mo sa akin? Basta may letrang S yun. Prince ang tawag nila sa akin kasi kagalang-galang akong user."may pagmamalaking sinabi ni Prince, daw. Hehehe.

"Ahhh ganon..."

"Hay! Cut, cut, cut! Hindi ko dapat sinasayang ang oras ko sa isang hampas lupa. Kaya kung ako sa 'yo chupi ka na lang! Alis! Baka madapuhan pa 'tong balat ko ng kung ano sa mukha mo. Alam mo naman na ako ang pinakagwapong nature user dito."sabi nito. Hay! Ang feeling naman 'tong batang 'to! Ang taas ng tingin sa itsura! To the tenth level ang kuya! (Wow! Hiya naman ako sa lahat ng sinabi mo, Rainy!)

Eto na ang tyansa para sa plano ko.

"Eh gustu niyu pu ba munang uminum? Mukhang pagud na pu kayu ser!"wika ko sabay alay ng tasa na may tubig sa kanya.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon