Chapter 62:Their Secret Help

1K 45 7
                                    

Third Person's POV

"Ama,"

Linya iyon ni Princess Leavy habang sila ay patuloy pa rin sa pagyayakapan.

"Ano iyon anak?"tanong ng mahal na hari pagkatapos ay kumalas na sa kanilang pagkakayakap.

"Gusto po sana naming tumulong ni Timmy at ni Jac---,"napatigil siya dahil naalala niya na hindi pa alam ng mahal na hari kung sino ang isa pang babae na kasama nila ngayon. "Oo nga pala, ama. Siya nga pala si Jackie Grime Vapore, nakilala po namin siya sa Valgemnon Island."pagpapakilala ni Princess Leavy sa babaeng kanyang tinukoy. Ngunit tila may gusto pang sabihin si Princess Leavy kaya siya'y napakagat-labi.

"Batid kong may gusto ka pang sabihin anak."

Binasag ng hari yelo sa pamamagitan ng iniwika niyang iyon.

"Ahm, si Jackie po ay isang ground user at water user at siya ay isang hali---"

"Halimaw, alam ko."

"Paano niyo po nalaman?"

"Alam mo anak kasi bilang isang hari, tungkulin kong alamin ang mga kasaysayan ng aking mga nasasakupan. Hindi ko kilala si Jackie pero alam kong may halimaw na prumo-protekta sa Valgemnon Island na ang kapangyarihan ay dalawang elemento."

"Pero mabuti po siyang kaibigan ama. Kaya kahit halimaw siya ay huwag natin siyang husgahan sa kanyang kaanyuan."

"Naiintindihan ko anak."

Nagngitiian ang dalawang mag-ama.

"Salamat ama,"

"Para saan?"

"Sa pang-iinintindi sa akin,"

"Ayoko lang na masira agad ang relasyon natin agad anak at ayoko rin na pagtaniman mo ako ng galit."

"Salamat ama, mahal ko po kayo."

"Mahal din kita anak,"

Muli ay mahigpit silang nagyakapan pero maliit lamang ang durasyon nito ngayon.

"Mahal na hari,"pagpukaw ni Jackie sa atensyon ng hari.

"Ano iyon, Jackie?"tugon ng hari

"Nagagalak ako na makilala ko kayo sa wakas."

"Pareho lang tayo ng nararamdaman Jackie."

Naghawakan sila ng kamay matapos ang kombersasyon na iyon.

"Mahal na hari,"paghuli ni Timmy sa tingin ng hari, naglakad siya papunta sa hari at niyakap siya.

***

Pagkatapos magkwento at maglitanya ni Princess Leavy sa lahat ng kanyang natamasa mula sa pagkakagapos niya sa isang gubat na kagagawan ni Demtia ay nagbihis na agad sina Princess Leavy, Timmy at Jackie.

"Ama, tutulong po kami."wika ni Princess Leavy.

"Wala ako magagawa kung ganoon. Mag-doble ingat lang kayo hah?"

"Sisiguraduhin po namin iyon,"

Bago pa man makalayag sina Princess Leavy sa Palasyo ay may pahabol na tanong ang hari.

"Anak,"

"Ano po iyon, ama?"

"Nagtataka lamang ako kung paano kayo nakatakas sa pagkakagapos gayong hindi kayo makagamit ng inyong mga kapangyarihan."

Hindi sumagot ng pasalaysay si Princess Leavy bagkus sinulyapan niya lang si Jackie.

"Maliwanag na sa akin anak. Salamat," "Mag-iingat kayo,"

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon