Chapter 65:All Together

747 38 5
                                    

Leavy's POV

Ramdam ko na nanghihina na sila dahil sa leech seed ko. Pero dahil isang bihasa na nature user and isa naming kalaban na si Mistress Sporess at 'yung pangalan. Pinapawalang bisa niya ang mga leech seed sa mga ibang mga ancient masters at mistresses ko nang walang kahirap-hirap! Advantage ito para sa kanila kasi bihasa sila sa bagay na ganito at mas marami silang kaalaman ukol sa pakikipaglaban at taktika.

"This is bad Timmy. Really bad."I said while shooking.

"Kung ganon, kaylangan natin silang tapusin bago pa tuluyang bumalik ang kanilang lakas."

I nodded as an agree to what Timmy said. Infairness! Nag-iisip rin naman 'tong utak-sigsig na 'to!

Walang pasabi kaming sumugod ni Timmy at unang pinuntirya ang mga masters na hindi pa nagagamot ni Mistress Sporess.

"Hindi ko na sana hinayaang makagamit siya ng leech seed pero mabilis siya kanina, kamanghamangha."rinig ko ang sinabi ni Mistress Sporess pero hindi ko na lamang iyon pinansin bagkus umatake na lang ako.

Nakakabasa siya ng utak kagaya ko. Alam ko 'yon noong una pa lang na makita ko siya. Likas kasi sa mga nature user partikular sa mga matataas ang katayuan, maraming pinag-aralan at mataas ang karunungan ang makabasa ng isip pero mailap ito bilang isang spirit inner power. Buti na lang at ito ang spirit inner power ko para kahit i-block niya ang kanyang utak para hindi ko mabasa ay nababasa ko pa rin. That's the difference between a simple skill and a spirit inner power. Even if they use a curse, through a spirit inner power it would be revealed. As far as I know, ang mga ultimate users lang ang mayroong spirit inner power so that's an advantage for us. Lucky for me na kapag i-block ko ang utak ko ay hindi na nila ito nababasa kasi sa nalalaman ko ay ako lang ang may spirit inner power sa pagbabasa ng isip. Pero hindi ko ito nae-enhance at nagagamit masyado pagkat ang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang pagpapalikas ng aking kapangyarihan na kalikasan. Ngunit may araw din na mae-enhance at mapagtutuunan ko rin ng pansin ang pagbabasa ng isip.

Una kong inatake ay si Master Fuji. Inihanda ko na ang Trifosana wand ko tapos akmang titira na sana ako pero, "No!!!"tutol ni Mistress Sporess tapos agad na sinampal ang lupa. Lumaki naman ang mga mata ko nang makita na may tumutubo na dalawanag malaking puno sa harapan ko. Maya-maya'y gumalaw ito at ang mga ugat nito ay lumitaw aa lupa. Para na itong punong halimaw. "Rawwwwwww!!!"huni ng nagbabantang halimaw.

Muli ay inihanda ko ang aking Trifosana wand at tinutkan ang halimaw. Umilaw ang aking sandata at sunod-sunod na nagpalabas ng mga wood spikes. Tila wala itong epekto sa halimaw. Hindi ko napaghandaan ang biglaang pagtakbo nito tungo sa aking direksyon pero buti na lang at nakailag ako sa biglaan niyang pag-atake.

"Need help?"wika ni Timmy. Tanga ba 'to? O sadyang wala lang utak?! Mukha bang hindi ako nangangailangan ng tulong?!

"Isn't it obviiiouss?!!!!"I shouted while continuing to dodge this monsters pounches.

"Rawwww!!!!"this monster roared again and in a blink of an eye its punches became quicker than before! Nakita ko naman si Timmy na chill-chill lang sa isang dulo. Traydor kang Timmy banana ka!!! Sinasadya ata eh! Ginalingan din eh!

"Wala ba akong tulong na maaasahan diyan?!!!!!"pasigaw na paghingi ko ng tulong. Ngumisi naman si Timmy at pagkatapos ay akala mo natauhan. "Ayy, oo nga pala ahehehehe..."

Walang hiyang Timmy! Nananadya ata ang kolokoy?! Bwisit! Nagawa pang gumawa ng mga ganyang pagloloko sa seryosong isang bagay?! Susuntukin talaga siya eh!

'Pero infairness. Gwapo pa rin kahit sa ganoong anggulo!'hindi ko alam kung saang lupalop ko narinig sa utak ko iyon. No! Hindi siya gwapowwww! Asa! Hmpt! Mamaya na nga ang landian! Lalaban pa ko oh! Bwisit na nga ako kay Timmy dadagdag pa 'tong haliparot na utak ko!

Pinilit kong ituon ang aking konsentrasyo sa katunggali ko ngayon at hindi inisip ang mga bagay at baka isang maling galaw ko lang ay mapinsala na ako. Ilag lang ako nang ilag. Maya-maya ay dumating na si Timmy, for how many years!

Dahil bwisit na bwisit ako sa kanya ay humanap ako ng pagkakataon na layuan siya dito nang lumalaban. Hanggang sa nahanap ko na rin ang oras na iyon at iniwan siyang nakikipaglaban sa mga halimaw. Buti nga! Chacka! Akala niya siya lang?!

"Gaya-gaya! Walang ka-originality!"pasigaw na tukso niya pero ako ay napabelat na lang. Ha-ha! You should've seen your face habang haggard na haggard na nakikipaglaban! Hahaha!

Pero sa totoo lang ay linayuan ko siya dahil may naisip na akong plano. Nagpatubo ako ng mga malalaki at malalakas na dahon. Ang mga dahon na ito'y kayang magbuhat ng kahit na dalawang inahing elepante. Mula sa malapit ay may nakita akong mga malalaking tipak ng mga bato. Inutusan ko naman ang mga palalapad na dahon na buhatin ang mga ito. So, bale ang kinalalabasan ay parang isang catapult na.

Wala pang isang minuto'y, "Kangkong, tulungan mo na ko dito oh! Sorry na!"

"Eto na! UNGGOY!"

Kahit na bwisit na bwisit talaga ako ay ipinagpatuloy ko na lang ang plano ko. May araw ka rin sa 'kin Timmy the Barney lover!

Sa pamamagitan ng aking utak ay inutusan ko ang mga dahon na itapon ang mga bato sa direksyon ng mga halimaw.

"Umalis ka diyan Timmy!"paalala ko sa kanya bago pa man tuluyang tumama sa direksyon ng halimaw ang mga malalaking bato. Mabilis siyang nakalayo sa direksyon na iyon. Natamaan ang punong halimaw at nagkaputol-putol ang mga sanga nito.

Patuloy ko lang na inuutusan na magbato ang mga dahon at si Timmy naman ay gumawa ng sheer cold ice at ginamit ito sa mga ugat ng mga halimaw na nagsisilbi nilang mga paa. Ngayon ay hindi na sila makaalpas at makaatake'y tinapos na namin sila. Unti-unting naging normal na mga puno na nakahandusay na sa lupa ang mga halimaw na iyon.

"Tapos na ba kayo mga bata? Kasi handa na naman kami..."tunog iyon ng boses ni Mistrees Sporess. Our time-spent in attacking those two monsters was their chance to eliminate my leech seed and to regenerate their energy. How couldn't I know that?

Nakatayo na silang lahat at handang-handa na silang makipaglaban na tila ba wala lang ang nangyari kanina sa kanila. Guys, we need you all right now. Sana napagaling na kayo ni Jackie 'cause we merely need all of your help.

I just closed my eyes waiting for them.

"Anyare sa 'yo, gulay? Hindi pa oras ng pagtulog! Hoy!"panira talaga 'tong Timmy the Barney lover na 'to oh!

"Tahimik."tipid kong repunde.

"May saltik na ata 'tong babaeng ito!"rinig kong reklamo niya.

"Hep! Hep! Sali kami diyan!"

Mula sa aming likuran ay nakita ko ang mga kasama kong ultimate users. Si Shawn ang nagsabi non.

"You're just right in time."-me

Mabuti naman at nandito na sila.

"Now..."sabi ko habang sunod-sunod na nagdatingan ang aking mga kasama.

"We are all together..."

---------------------------------

20 votes and 20 comments magsisimula na ako sa next chapter.

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon