Chapter 61:Helping Hand

771 35 1
                                    

Third Person's POV

"SUGOD!"

Mula sa Majestia Palace ay rinig ang malakas na sigaw na iyon ni Demtia kung kaya't gumawa na rin ng aksyon si haring Khalilio. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang hari.

"Mga kawal at iba pa, SUGOD!"sigaw ng hari at kasabay nun ay ang pagmartsa ng mga kawal at mga magagaling na users ng Majestia World.

Naging madugo ang labanan sa pagitan ng dalawang panig. Ngunit maliwanag sa mata ng iba na nananalo ang ibang panig, ang panig ni Demtia. Suri rin ito ng tagamasid ng Palasyo. Unang natumba ang mga kawal na nasa unahan ng Majestia Palace kanina (sila rin kasi ang nauna sa pagmamartsa kanina) pero sa panig ni Demtia ay hindi pa nangangalahati ang namamatay. Sunod sa linya ng mga kawal ay ang mga pinakamagagaling na users sa Majestia World. Kumpleto ang lahat-lahat ng users, Elemental Users, Royal Users at Basic Users- sila ay nabihasa na sa paggamit ng kanilang mga kapangyarihan. Sa pagkakataong ito ay natumba ang mga rebeldeng nanggaling sa iba't ibang lugar partikular sa Nomore Forest.

Binantayan ng husto ng mga light users ang mga black magic users sapagkat sila ay may malaking posibilidad na makatalo sa kanila.

"Tsk. Mga peste!"sigaw iyon ni Niara tapos nilagyan ng mga dark leeches sa paanan ng ilan sa mga users na kaanib ni haring Khalilio. Nagulat ang ilan kasi ang mga dark leeches na iyon ay humihigop ng dugo hanggang sa wala nang matira sa katawan nila.

Pero tuloy pa rin ang labanan.

"Mga kutong-lupa! Tanggapin niyo 'to!"sigaw ni Luke na medyo kababaan ang timbre ng boses. Siya ay nag-ibang anyo at naging isang malaking halimaw, isang pamilyar na halimaw para sa mga Ultimate Users na wala pa ngayon sa labanan.

Siya ang tinatawag na Lurk sa Valgemnon Island. Siya ang nagtangkang kumuha sa mystic stone mula sa kamay ng mga Ultimate Users sa kanilang misyon sa Valgemnon Island. Siya din ang naging sanhi kung bakit nagsakripisyo si Jackie Grime Vapore na itira na lang siya sa isla at tumakas na ang mga Ultimate Users at ang iba pa. (A/n: Tanda niyo pa? If no, go back to Chapter 34 or 35 and read that again.)

Kalaban siya noon pa man pero hindi lang nila batid kasi isang halimaw ang nakilala nila sa islang iyon at isang mapagpanggap na alipin si Luke sa kanyang amo na si Timmy.

Mangangalahati na ang mga black magic users pero kalahati na ng kalahati ang mga users ni haring Khalilio. Kaunti na lang ang kampon ni haring Khalilio at lumalakas ng lumalakas ang pwersa ng mga black magic users.

"Hahahaha!"

Umaalingawngaw ang halakhak na iyon ni Demtia sa kalawakan.

"Hindi maglalaon, ako na rin ang mamumuno sa buong Majestia World! Ako ang magiging pinakamarubdob sa lahat!"

Bulalas niya muli tapos sinulsulan pa ito ng isang makatindig-balahibong hagikhik. Tumba ang karamihan ng mga users at matayog pa rin ang tayo ng mga black magic users lalo na kina Luke at Niara na pumaslang sa karamihan ng mga users na kakampi ni haring Khalilio.

Kaunti na lang at matatahak na ng mga kalaban ang paunang-pintuan ng Majestia Palace.

Nangangamba na ang hari sa kanyang posisyon habang kita ang labanan, tiklop at wala siyang masabi.

"King Khalilio,"tawag nila kaya't marahan na humarap siya sa mga tumawag sa kanya.

Lahat sila ay nakangiti sa hari na wari'y may hinihintay na kasagutan.

"Tutulong na po kami,"

"Sigurado kayo?"

"Opo, mahal na hari."

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon