Chapter 60:The Beginning Of The Greatest War

915 38 3
                                    


Third Person's POV

Pilit sinisira ng mga ancient masters at mistresses ang yungyungan ng Majestia Palace.

*Booogshhh!!!*

"Ano na ang gagawin natin, mahal na hari?"tanong ni Ginang Windy.

"Hindi ko alam."

"Batid naming si Feietress ang habol nila," "Kaya hindi sila tumitigil," "Sapagkat ito ay iniatas sa kanila ni Demtia,"sunod-sunod nilang ibinurad.

Sa likod nila nanggaling ang mga pamilyar na boses.

"Ang three aged prophet,"bulong ni Haring Khalilio

"Kami nga,"they said in unison.

"Paano kayo nakapunta dito? Sapagkat napakalayo ng inyong pinanggalingan?"

"Huwag mo nang itanong pa 'yan," "Dahil nandito kami para ipahayag ang isang masamang balita," "Isang napakamasamang balita para sa buong kaharian ng Majestia World,"

"Ano po ito? Nais ko po itong malaman."

"Lulusob si Demtia kasama buong hukbo ng mga black magic users at mga rebelde partikular sa mga nakakulong sa Nomore forest na pinalaya ni Demtia," "Nakita namin sa kinabukasan na may papanaw na isang malapit na user sa iyo, matapos ang paglusob," "Nakita namin na ang sumpa ni Demtia ay matutupad na, malapit na."

Napatahimik ang hari.

"Walang mamamatay,"

"Hindi mo maipagkakaila ang aming nakita dahil wala kaming bigong panghuhula noon pa man," "Maghanda ka na sa iyong pagsubok," "Lulusob na sila,"

Iyon na ang huling linya ng mga tatlong matatandang propeta at unti-unti silang naglaho sa abo.

"IHANDA ANG MGA KAWAL AT ANG MGA PINAKAMAGAGALING NA USERS DITO SA MAJESTIA WORLD!"

"Ultimate Users, I need you right away. Magpagaling kayo,"

***

Tumigil ang mga pagsabog sa labas ng Palasyo at tumahimik ang buong kapaligiran. Dumating ang balita mula sa tagamasid na wala na daw ang mga ancient masters at mistresses kahit sa gilid-gilid ng Palasyo.

"Hindi maganda ang kutob ko. May mga itim na enerhiya akong nararamdaman."burad ni Arianna dahil sa spirit inner power niya.

"Duchess Windy,"-King Khalilio

"Ano po iyon, mahal na hari?"

"Magpapunta ka ng maraming kawal sa unahan ng Palasyo lalong-lalo na sa paunang-pintuan."

"Masusunod,"

"Ahm, mahal na hari?"

"Bakit, duchess Windy?"

"Kung iyong mamarapatin, gusto ko sanang lumaban din."

"Huwag na. Dito ka na lang, bantayan mo ang mga Ultimate Users lalo sa anak mo."

"Naiintindihan ko po,"

Hindi pa rin kumpleto ang paghilong ng mga nagastong enerhiya ng mga Ultimate Users kaya batid ng hari na hindi pa sila makakalaban ng husto at baka may mapuruhan pa sa kanila.

Pero nagagam-agam bigla ang hari.

"Sana hindi ka nila gawing paing, anak."

***

'Di naglaon ay unti-unting kumagat ang makakapal at maiitim na ulap sa buong paligid. Tahimik pero masama pa rin ang pakiramdam ng iba at ang hari. Naghanda naman ang mga kawal na naatasan sa posibleng mangyari o suliranin.

Hanggang napakadilim na ang paligid ni hindi na nila makita ang anino ng isa't isa.

Subalit nagningning ang Palasyo noong nagpalabas ng mga light balls ang mga light users sa Palasyo.

Sa pinakataas na porsyon ng Palasyo ay doon nagmamatyag ang tagamasid, ibabalita ang lahat ng kanyang naaaninag.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabulagta ang tagamasid sa nakita sa kanyang binakular.

"Masamang balita,"bulong nito pagkatapos ay kumaripas na siyang pumanhik pababa ng Palasyon upang maipahayag ang nakita.

***

"Mahal na hari! Mahal na hari!"tawag ng tagamasid na nagpalinga sa hari sa kanyang kinaroroonan.

Tumango lang ang hari, hinihintay ang kasagutan mula sa tagamasid. Bahagyang napahawak ang tagamasid sa kanyang mga tuhod dahil sa pagod sa katatakbo. Huminga siya nga malalim at ibinalita ang kanyang namasid.

"Mahal na hari, aking nakita ang napakaraming batalyon ng mga black magic users at iba pa mula sa hindi kalayuan. Ako'y nababahala na dahil,"huminga ulit ang tagamasid.

"Dahil?"dugtong ng hari

"Dahil kasama nila si Demtia,"

Sa simpleng sagot na iyon ng tagamasid ay nagsimula nang mangamba ang hari dahil natupad ang isa sa mga sinabi ng mga tatlong matatandang propeta.

"Maghanda na para sa isang laban mga kawal at mga pinakamagagaling na users dito sa Majestia World."

***

"Sugod aking mga alagad! Hindi natin bibigyan ng kapayapaan ang Majestia World! Sugod!"

Sigaw iyon ni Demtia.

"Sugod!"

"Walang kapayapaan para sa Majestia World!"

"Sugod!"

Tugon iyon ng kanyang mga tapat na kaanib.

"Hindi magtatagal, titingkad ang kasamaan at ako na ang magiging Reyna ng buong Majestia World! Hahaha!"

-----------------------------------

Can you feel it? Charingg! Okey, VOTES and COMMENTS and FOLLOWS are allowed, so don't daubt. Hahaha!

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon