Chapter 59:Met Again

943 41 3
                                    

Third Person's POV

15 silang walang kaalam-alam sa nangyayari. Kung bakit muling nabuhay ang mga ancient masters and mistresses, kung bakit inatake sila at kung papaano sila agad nakapasok sa loob ng Majestia Palace.

"Ano pong nangyayari sa labas King Khalilio? Ba-bakit biglang nabuhay ang mga ancient masters at mistresses?"

"Marahil binuhay sila ni Demtia. 'Yun ang pagkakaalam ko."

"Ang ibig niyo pong sabihin ay patay na si Gaylord?"

"Oo"

"Ano na kaya ang nangyari kina Timmy at Princess Leavy?"

"Hindi ko alam."

-----------------------------

Leavy's POV

"Handa na ba ang buong sandatahan ng kadiliman sa pagsalakay?!"sigaw ni tita Demtia sa mga black magic users, kasama na doon ang mga evil witches.

"Oo!"

"Ibagsak ang hari!"

"O mahal na reyna ng kadiliman!"

Narinig ko iba't ibang pandemonyong halakhakan nila habang kami naman ni Timmy ay nakagapos pa rin dito.

"Tara na! Lusob!"muling sumigaw si tita tapos lahat sila ay sinundan siya sa kanyang paglakad papalabas dito sa gubat na ito. Isla ata dito eh at ang nakapagtataka ay ang daming halimaw dito na hindi ko maesplika ang itsura. Out of this world kumbaga ang itsura nito.

May naalala tuloy ako na isla. 'Yung pinuntahan namin noon sa misyon namin? Ano nga ba ang pangalan nung isla na iyon? Valnemon? Valgemtun? Valgerur? Valgechorva? Valgehindikomaalala? Valgemnon island pala!

"Tita! Paano po kami?!"sigaw ko tapos dagling tumalikod si tita at ngumisi. Lumakad siya papunta sa akin kahit na medyo nasa kalayuan na siya.

"That will be a surprise, baby,"

Nanigas ako sa binanggit na iyon ni tita at halos tumayo ang lahat ng aking mga balahibo sa takot. Alam kong may balak na gawin si tita sa aming dalawa ni Timmy pero hindi ko alam kung ano iyon.

'Kailangan kong malaman bago pa mahuli ang lahat. Kailangan ko ring sabihan ang aking ama sa paglusob ni tita Demtia. Kailangan ko siyang unahan.', naisip ko at pilit na kumalas mula sa aking pagkakagapos.

"Huminahon ka lang, Leavy."linya ni Timmy pero hindi ko siya pinakinggan. Bwisit! Hindi ako makapagtransform kung nasa ganito akong posisyon.

"Leavy, huminahon ka lang..."napakaalumanay na binanggit ni Timmy sa akin.

"Huminahon?! Ngayon pa na lulusob na si tita sa palasyo?! Ngayon pa na malakas ang panig niya?! Ngayon pa ako hihinahon, Timmy?!"nasigawan ko siya at yumuko lang siya sa kanyang puwesto. Natauhan naman ako sa aking ginawa kaya yumuko na rin ako.

"Patawad,"tipid kong papaumanhin. "Pero kailangan nating makaisip ng paraan upang makatakas dito."dagdag ko habang pilit akong nagpapatubo ng halaman pero wala pa rin eh.

"Gagawa ako ng paraan, pangako."

Ang mga salitang iyon ang nagpalambot ng puso ko. 'Yung pangakong iyon ay napaka-cosy at napakasarap sa tenga. Parang ang pangako niyang iyon ay matutupad. Sana nga.

Habang nasa katahimikan kami ay ay babaeng nakacoat ng itim ang dumaan mula sa hindi kalayuan.

"Tulong! Kung sino ka man! Tulungan mo po kami!"sigaw ko at tumingin din sa tinitinginan ko si Timmy.

"Tulong!"sigaw rin ni Timmy.

Napangiti at napaiyak ako noong humarap ang babaeng sinigawan ko ng tulong.

Unti-unting gumihit ng isang matamis na ngiti angbabae habang tinatanggal niya ang kanyang coat.

Totoo ngang nasa Valgemnon island kami.

It's nice to meet you again Jackie Grime Vapore.

-----------------------------------

Sorry po sa very late na UD at very short na UD ng MU. Patawad po sa lahat kung naliitan kayo dito pero itra-try ko pong habaan sa next. Anyways po, bumalik po ulit si Jackie Grime Vapore na character ni @AnimeKPop! Isn't that good? Basta abangan na lang ang susunod. And watch out, nalalapit na po ang wakas nitong istoryang ito pero hindi ko alam kung ilang chapties pa. Basta wait-wait-wait lang po kayo diyan mga readers! Hindi na po ulit ako magpapa-asa, PRAMIS! Pak Ganern!

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon