Chapter 7:Reveal

5.6K 280 3
                                    

Leavy's POV

Sa unang pagtahak ko sa Majestia University ay may mga misteryo agad na bumabalot sa aking mundo. About sa pagkatao ko, ampon ba ako, and etc.

Mas masahol pa to kaysa sa surprise party! Hay naku!

May mga bagay din na hindi talaga natin naprepredict. Gaya ngayon, ang nangyari sa akin. Hanggang ngayon nga eh umiiyak pa rin ako dahil hindi naging totoo si mama sa akin.

Nakahiga lang ako habang tinitignan ang kwintas ko at umiiyak.

"Sabihin mo nga sa akin ang mga nangyayari ngayon"sabi ko sa kwintas.

Para akong tanga na naghihitay ng sagot mula sa kwintas. Baliw na ata ako.
*Sniff

"Tok, tok, tok."may nagknock sa pintuan. Alangan naman na huni ng ibon yon? Magisip ka nga, Leavy!

Hindi ako umimik.

"Anak, si nanay Windy mo to."mahinahon na sinabi ni mama.

Hindi pa rin ako umimik.

"Sorry anak, hindi ko sinabi ito agad sayo."

"Ano ba talaga ang totoo, ma."sawakas nagsalita na rin ako.

"Leavy, alam mo naman na mahal na mahal ka ni mama di ba?"it's mama

"Ma, ang sakit eh...sniff..."sagot ko.

"Alam ko anak. Masakit naman para sa akin dahil itinuring na kitang tunay na anak kahit na hindi kita kadugo."si mama.

Pinunasan ko ang luha ko at binukaan ko ang pintuan.

---------------------

Mrs. Windy's POV

Umiiyak pa rin ako habang naka sandal sa pintuan.

"Leavy, alam mo naman na mahal na mahal ka ni mama di ba?"sabi ko.

"Ma, ang sakit eh...sniff..."sagot ni Leavy.

"Alam ko anak. Masakit naman para sa akin dahil itinuring na kitang tunay na anak kahit na hindi kita kadugo."sabi ko.

Bigla akong nabuhayan nung gumalaw yung door knob at bumukas yung pintuan.

Leavy was looking at me, telling me that 'you may go in ma'. Taray! Ang galing kong bumasa ng gestures!

Seriously ateng? Nagawa mo pang magpatawa sa kalagayan ng anak mo ngayon? Nagmana talaga sa iyo si Rainy. Ang daldal!

Umupo ako sa bed niya.
Ang tahimik.

"Alam mo anak, noong namatay si Controlio, kami na lang ni Rainy ang magkasama. Malungkot, dahil alam kong mahirap lumaki kung wala kang ama, parang may kulang lagi araw-araw."pagbabasag ko ng katahimikan.

Hindi pa rin umiimik si Leavy.

"Pero nung dumating ka? Tuluyan ng nabago ang buhay namin.. Bakit? Dahil ikaw ang nagbigay sa amin ng ligaya habang kami'y nagluluksa."dagdag ko.

"Nagtataka ka siguro kung saan ka namin napulot. Actually hindi ka namin napulot, ibinigay ka namin ng hari ng Majestia world. Anak, tatay mo siya. Ang hari ng Majestia world."hindi na napigilan ng mata ko ang pag-iyak.

"Isa ako sa mga matataas ang pwesto sa kaharian at kababata ko ang totoo mong tatay. Aaminin ko, nagkagusto rin ako sakanya pero si Controlio ang nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal."patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko....

*Flashback-------------

"Noong binata pa lamang si haring Khalilio(tatay ni Leavy) hindi pa siya naniniwala sa pag-ibig kahit na love users siya. Buong buhay niya ay nakatuon sa pag-aaral."

"Hanggang isang araw....."

"Habang nagpapahinga si haring Khalilio sa tabi ng sycomore tree ay may babaeng nagsalita."

'Bakit ka nandito?'tanong niya. Actually si Gaia yon.

(A/n:kayang makatawang lupa ng isang diyos o diyosa kahit saan nila gusto.)

'Ahhh.ano? ang ganda.......mo.....'nauutal na sinabi ni haring Khalilio.

'Ano? Di kita maintindihan.'

'Wala, bakit hindi ba pwede magpahinga dito?'supladong sinabi ni haring Khlilio.

"May pagkasuplado kasi si haring Khalilio noon, pati mga babaeng nagkakandarapa sa kanya ay sinusungitan niya rin."

"At paano kami nagkakilala? Anak kasi ako ng duke kaya ayun! Wag nang masayong magtanong! Naguguluhan na ang brain stems ko eh!.."bigla namang natawa konti si Leavy sa sinabi ko. Hay naku! Kaytanda tanda mo na isip bata ka pa rin! Tarush!

"Continueation..."

Asan na ba tayo?
Ah okey! Nung nagsuplado yung totoong tatay ni Leavy.

"Hindi naman kasi maikakaila ang kagandahan ni Gaia dahil element of beauty ang wisdom siya."

*
Classification of elements:

Water- element of recovery.

Fire- element of strength.

Nature- element of wisdom and beauty.

Lightning/Thunder- element of youthness.

Wind- element of speed and flexibility.

Ground- element of protection and health.

Metal- element of truthfulness and loyalty.

Ice- element of courage.
*

"Bigla silang natahimik...pero naisipan ni Khalilio na magsalita. May gusto kasi siya kay Gaia in the first place."

'Armmmm...
Ako nga pala si Khalilio Majesty. Love user.'pagpapakilala ni sabay abot ang kamay niya kay Gaia.

'Gaia.'tipid na pagpapakilala niya kay harung Khalilio at kinamayan na niya ito.

'Ano nga pala ang kapangyarihan mo?'biglang tanong ni Khalilio.

'Nature user ako.'sagot ni Gaia.

'Ahhhhh...'
.
.
.
"Simula noon, palagi na silang nagkikita at nag-uusap."

"Nagsimula na rin silang maghulugan."

"Pero sa likod ng masaya nilang pagsasama ay may nagseselos."

"Siya si Demtia, ang rebelde na gumagamit ng napakalakas na itim na kapangyarihan. Actually dalawa ang kapangyarihan niya. Dark at Poison."

'Walang pwedeng umagaw sayo Khalilio! Ako lang'sigaw ni Demtia.

'Balang araw ay tatanghalin akong reyna at ako ang magiging pinakamalakas na user sa buong Majestia at sa buong mundo! Hahaha!'halos magkamuol siya sa kakatawa.

'Hahahaha! Ehem, ehem!'

Third Person's POV

'Nakakatawa at nakakatakot pala si Demtia'yan ang iniisip ni Leavy....

Sa mga oras na iyon ay unti-unti nang nagsisink in sa isip niya yung nangyari sa mga magulang niya....

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon