Chapter 50:Wrong

1.4K 73 12
                                    

Rainy's POV

Nakatunganga pa rin kaming lahat dito sa iisang kwarto. Iniisip yung kanina. Si Gaylord naman ay todo pulupot sa braso ni Ray na parang natatakot hanggang ngayon. Hay naku! Para-paraan!

Kaya ba noong naglaban sila ni Arianna noong nasa Majestia University kami ay may lumabas na itim na usok na sumasabay mula sa waves ng kanyang sound power? Paano ko ito nakaman? Eh di napanood ko! Laban kasi ng mga first year yon o Unos kaya hindi kami mapapayagan pero dahil maganda ako ay nag-cut ako ng class.

Kitang-kita ng mga mata ko na may lumabas talaga na usok sa kapangyarihan ni Soundy noong magkalaban sila ni Arianna. Hindi naman magiging ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Soundy kung wala yung itim ns usok na 'yon o black magic kung sabihin. Ang epekto kasi ng extent sounds ay makakalikha ng yanig, malakas na impact ng boses na nakakasira ng tainga at pwede ka rin nitong liparin nang dahil sa pwersa nito. Ang magiging epekto sana nung gumawa si Arianna ng ipo-ipo at pinatama kay Soundy tapos ginamit naman ni Soundy ang extent sounds niya ay mapapabagal lang nito ang impact ng bilis ng ipo-ipo. Kasi ang sound ay hindi mapapawala at mapapabalik ang pwersa ng wind. Mapapabagal lang nito ang bilid at pwersa ngunit hindi nito kayang walain o pabalikin sa taong may gawa nito. Pero dahil sa itim na usok na dumaloy sa bawat sound waves na ginagawa ni Soundy ay nagawa nitong pabalikin ang ipo-ipong nilikha ni Arianna.

Black magics can make a single power more stronger but it can also be dangerous if you can't manipulate the extent of it.

Something sounds zizzing with that friend of Princess Leavy. Hindi ko maeksplika pero naguguluhan ako ngayon kasi paano naman siya makakapunta dito? Nakiki-join ba siya sa misyon namin? O permanent na character na talaga siya at hindi guest character lang? Mr.G! Tulungan mo naman kami! Para 'to sa kapakanan ng mundo!

If si Soundy talaga yung 'S' na kalaban, sino ang kasama niya? Yung 'G'? Si Mr.G kaya 'yun? Oy Mr.G! Ikaw ba yung 'G' na kalaban namin, hah? Ano? Magsalita ka! Ikaw noh? Hehehe... Char lang!

"Guys, I think kilala ko na kung sino yung S."I said with an unconfident tone.

"Si Soundy..."an almost gnarled tone came out from Flame's mouth. It was as if he was only calming down himself. Mukhang nagduda na sila sa katauhan ni Soundy noong may nakita silang itim na something sa kapangyarihan niya nung nagkalaban sila ni Arianna.

"Kailangan na muna natin siyang makausap."sabi naman ni Arianna. Bakit kailangan pa natin kausapin si Soundy eh understood naman na siya ang nagpaparamdam na kalaban? Ngunit hindi pa kami sigurado na kalaban siya dahil wala pa siyang ginagawang masama sa amin. Pati si Gaylord ay hindi alam yung nakita niya kanina. Ang sabi niya may dalawang babae daw na nandito sa kwarto kanina na parang naglalaban ang dating nila. Yung isa daw ay nawala na lang nung biglang nakita si Gaylord at yung isa ay ngumiti lang sa kanya.

Yung babae daw na ngumiti sa kanya ay yung babaeng sumigaw ng malakas. Kaya si Soundy 'yun. Pero kung kalaban siya ay dapat pinatay niya na si Gaylord or something rampant. At sino yung kalaban niya daw? Sabi ni Gaylord na naka-full na itim ito at may itim na usok na bumabalot sa katawan nito bago mawala. Hindi kaya siya 'yung babaeng nakita ko kanina?

"Pero paano?"Walthea questioned out.

"Look guys. Gaylord already explained what happened, so Soundy might not be our enemy or yeah she could be. But I'll take first the idea of Arianna."I commented. Alam kong may kakayahan si Arianna na maramdaman ang enerhiya dahil isa-isang sinabi sa akin noon ni Princess Leavy ang kani-kanilang mga spirit inner power. Sila lang kasi ang may ganoong kapangyarihan.

"Kailangan natin siyang makuha dahil alam na nga natin na siya 'yung kalaban magmamaangmaangan pa tayo?!"a shout from Flame.

Natahimik kaming lahat. Alam naming nag-aalala si Flame para kay Leavy sa hayok na hayok na siyang makita siya. He's really that desperate.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon