Chapter 34:Till We Meet Again

2.6K 139 10
                                    

Flame's POV

Maraming bagay ang nagpapasaya sa iyo pero balanse lang iyon sa kadami ng kalungkutang dumadaan sa buhay mo. May mga bagay na prinoprotektahan at ikinakait mo sa iba para lamang hindi nila ito makuha mula sa iyo. Nagmumukha ka mang masamang tao sa iba pero ang sabi ko naman sa sarili ko 'I'm doing this for love'

Gaya ng sitwasyon ko ngayon, mahirap. Mahirap ang maging tagapatay ng kasiyahan lalo na kapag si Leavy ang pinapasaya nila. At lalo na din kung ibang lalake ang gumagawa nun. Ramdam ko ang bigla kong pagbabago pero eto lang ang sasabihin ko 'Hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko kay Leavy.'

.

.

.

.

Buti naman at nahanap na namin ang mistikong bato.

Kukunin na sana ni Thea ang bato mula sa estatwang babae ngunit...

"Well, well, well. Nakita niyo na rin ang mystic stone."may babaeng biglang nagsalita out of no where. Bakit ganon? Parang iniiba niya ang boses niya? Para ba hindi namin makilala kung sino siya? Eh hindi naman talaga namin siya kilala eh!

"Sino ka?"may otoridad na tinanong ni Principal Khianna. Hindi ko talaga maaning yung itsura ng babae kahit na madaming kandila dito eh hindi ko pa rin makita yung mukha niya sa spot nila.

"Ow. Nagsalita ang bastardang babae na muntik nang nakapatay sa tatay ko."huh?

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"paglilinaw ni Principal Khianna. Parang naiilang pa si Principal Khianna sa mga pinagsasabi ng misteryosong babae. Pero matapos ang ilang segundo ay narinig kong may naibulong na salita si Principal Khianna.

"Si Norjio(Norhyo)...."bulong ni Principal Khianna ngunit narinig ito ng babaeng kanina ay mahangin na nagsasalita kay Principal Khianna.

"Tumpak! Buti nakilala mo siya!"sabi niya sabay tawa pero maliit lang ang durasyon non.

"Ikaw yung anak niya? Pero wala siyang kahit na ibinabanggit na may anak pala siya."nagsalita si Princiapal Khianna na parang inuungkit niya ang nakaraan.

"Dahil gusto niya na mabuhay kami ng payapa ng walang paghihirap! Alam mo ba na nirerespeto ka ng tatay ko? Kaya nung pagbintangan niyo siya na pumatay ng asawa't anak mo ay muntik mo siyang pinatay! Na-depressed siya non! Hanggang sa hindi na siya kumakain at namatay!"naiiyak na binanggit ng misteryosong dalaga. Naiiyak na rin si Principal Khianna dahil baka naalala niya yung nakaraan niya.

Namatay pala ang asawa at anak ni Principal Khianna? Kaya pala ilang araw ko siyang hindi nakikita mula noong nag-aral ako sa Majestia University. Or may be ilang buwan na siyang wala sa Majestia University para sa mga naunang pumasok sa eskwelahan kaysa sa akin. Ngayon ko lang nalaman. Kaya pala all of the time ay nakikita ko siyang palaging nag-iisip at seryoso.

"Wala na akong oras para makipag-story telling'an sa mga walang kwenta. Ibigay niyo sa amin yang mystic stone kung ayaw niyong mamatay 'tong babaeng 'to!"nag-iba yung ekspresyon ng boses ng misteryosong babae nung sinabi niya yon. May mabibigat na padyak kaming narinig na papunta sa kinaroroonan namin. Isang malaking halimaw na kulay itim yung balat, nanlilisik yung mata at malakas ang pwersa ng bawat paggalaw niya. Bwisit! Mas magiging mahirap kalabanin ang halimaw na ito kapag hindi kami nakapagpalit ng anyo. Binubuhat niya ang ate ni Leavy pero pinipilit ng ate niya na makawala pero mukhang wala siyang magawa.

"Bitawan mo kong halimaw ka! Masakit sa respiratory system yang ginagawa mo! Bi---- Ow, hi Leavy!"bumungad sa amin ang nakakalokang ate-atehan ni Leavy.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon