Chapter 63:Overcome

945 49 5
                                    

Someone's POV

Ano itong nakikita ko?

"Elzene!"

"Ano po iyon, aking reyna?"

"Samahan mo ako sa Valgemnon Island,"

"Masusunod,"

***

*Valgemnon Island*

"Kamalas-malasan!!!"

-----------------------------------

Third Person's POV

"You think the both of you could beat us? Tsk. Little kids,"turad ni Master Fier.

"Why not?"saad ni Timmy kasabay ng kanyang pagngisi.

"Tignan lang natin, kutong lupa."

Papalag na sana si Timmy ngunit pinigilan siya ni Princess Leavy.

"Madali tayong matatalo kung ganyan. Maghunos-dili ka muna."

Huminga ng malalim si Timmy at sinusubukang kumalma.

Kinuha ni Princess Leavy ang kanyang Trifosana wand mula sa kayang buhok at naghanda na. Pati na rin si Timmy.

"We need to plan first our defense,"bulong ni Princess Leavy sa kanyang katabi.

Palihim na inilapit ni Princess Leavy ang kanyang kaliwang palad sa kanyang bibig at hinipan ito. May mga buto na sa kamay niya. Ibinaba na niya ang kayang kamay at nawala.

Nasa harapan na siya ng isa sa mga masters ngunit mabilis lang ito at siya ay nawala na naman at nasa harapan na naman ng isang master ngunit mabilis na naman siyang nawala. Hanggang sa napuntahan na niya ang lahat ng mga masters. Ang mga masters at mistresses naman ay takang-taka.

Namataan na lang ng mga kalaban nila si Princess Leavy na nasa tabi na siya ni Timmy.

"Ano 'yung ginawa mo?"takang itinanong ni Timmy. Ngumiti lang si Princess Leavy, "Just watch and learn. That's going to be our defense," "Mga buto? Nagpapatawa ka ba?"medyo natatawa pang binanggit ni Timmy bago siya binatukan ni Princess Leavy ng wala sa oras.

"Arrouch!"protesta ni Timmy habang hinahaplos ang ulo. "Ar-rouch?" "Oo, the combination of 'aray' and 'ouch' Arrouch!" "Tsk, dami mo ring alam no?" "Syempre, pogi ako," "Anong konek, mokong?" "'Yung pogi? Hanapin mo lang sa mukha ko," "Ay! Ang hangi---"

"Tapos na ba ang tsismisan niyo diyan? Mga walang kwentang bata, tapusin na natin 'to!"pagputol ni Master Fier sa usapan ng dalawa.

"Oo na po... TANDA!"sagot ni Timmy.

"Anong sinabi mo?!"

Galit na galit na sumugod si Master Fier kay Timmy at sinunggaban ng mga fire spins si Timmy. Dagli namang umiwas si Timmy at pumunta sa ibang lugar kung saan malayo siya sa mga kalaban.

Inilabas ni Timmy ang kanyang baston at tinutukan si Master Fier. Sa dulo ng kanyang baston ay may lumabas na 8 elemental forces (wind, fire, water, nature, ground, ice, steel, lightning) na marahas na pumunta sa kinaroroonan ni Master Fier. Hindi nakailag si Master Fier dahil sa bilis ng pangyayari kaya siya nasugatan sa iba't ibang parte ng kanyang katawan at napaluhod.

"Wala ka pala tanda eh!"tukso ni Timmy ngunit ilang segundo lang ay tumayo na si Master Fier. May namuong apoy sa paligid ni Master Fier, pinalibutan nito ang buong katawan niya at sa isang iglap ay nawala na ang mga sugat niya. Ngunit sa kaloob-looban niya ay nanghihina na siya dahil sa lakas ng opensang ipinatama sa kanya.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon