Chapter 48:Evil Grin

1.5K 92 1
                                    


Rainy's POV

Pagdating namin sa hotel na naka-check in'an namin ay nagtanghalian na kami. Etong si Gaylord naman ay todo kain!

"Ang sarap nito!"exclaimed by Gaylord tapos ipinagpatuloy na naman niya ang pagkain.

Sa maikling panahon na nahanap namin ang death user ay ang pagbuo ng panibagong kaba para sa akin. Maaaring hinahanap na rin ng mga kumaha kay Leavy ang death user kaya dapat siguraduhin namin ang seguridad ng death user. Isang malaking kawalan kung mawawala pa ang death user kasi makokontrol na ni Demtia ang kamatayan. Ayokong tawagin ng 'Tita' ang Demtia'ng iyon. Isang malaking HINDI. Kahit na kadugo ko man siya ay marami pa rin siyang nagawang masasama na kailangan niyang panagutan.

Hindi rin mawala sa aking isip kung ano na ang ginawa ng mga naka-itim na kagagaling lang sa burol na kumuha kay Leavy. Huwag sana gagawa ng hindi maganda si Demtia. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa kung ano mang nasamang pakay niya kay Leavy.

I gritted my teeth for those possible plans Demtia would implement against us and the whole Majestia World. I will not give her any supremacy, even ones. Her greediness in taking ones power will lead her down. Grabe! Big words!

"Okey ka lang, Rainy? Seryoso ka ata?"an almost muttered remark by Prince Seano who is just sitting at my left side. I smiled genuinely to make things up just okey.

Oo. Seryoso ako ngayon. Iwawalang bahala ko muna ang pagkalukaret ko dahil seryosong bagay ang ginagawa namin. Everything must be serious and suspicious because one person may enter our lives but silently going to dig our plans for them to implement against us. For them to reach our pin point. For them to evoke our plans to Demtia.

'I remembered the curse Demtia habituated to Leavy.'

That thought gave me more strenght to anxiously find Leavy because of that unrevokeable curse. Oh wait, it can be revoke but a true love's kiss pala. Eh sino ang true love ni Leavy kung nagkataon? Masyado pa siyang bata para matagpuan yun.

Aish! Hindi na ako makapag-concentrate sa kinakain ko kakaisip dito. My mind is floating while everybody's enjoying their food.

Maaaring loka-loka ako sometime---I mean everytime ay hindi pa rin naman nawawala ang paka-ate at responsibilidad ko kay Leavy bilang ate. Kasi sa mga taon na nakasama ko siya ay buong puso ko na siyang natanggap na kapatid.

Naging mabait siya sa kahit na sino, na kahit na hindi mapagkakatiwalaan ang tao ay kinakaibigan niya nang dahil sa hindi niya gustong may mag-iisip sa kanya ng masama. Naging maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng tao. Maaaring naririndi na ako sa napaka-high pitch na boses niya pero that makes her more special to me as a sister.

When we were still little kids I use to protect her from the bullies around the playground. They use to tease Leavy as a dummy nerd but I'm her mighty woman who always save her from those bullies. Bata pa kami noon ay alam na namin na may kapangyarihan kami kaya itinatago namin ito sa mga tao para sa aming kapakanan. Until namatay si papa dahil sa maling akala ng mga tao na kapangyarihan ng dyablo ang nakita nilang kapangyarihan ni papa. Muntik ko na noong kasuklaman ang mga tao dahil doon. Until such time na na-realized ko na na nabubuntungan lamang ang mga kaalaman ng mga tao ng maling akala. 'Madaming namamatay sa maling akala' sabi nga nila.

Ang layo ng pinagdaanan namin ni mama kasama si Leavy ay ang laki ng pagmamahal ko sa kanila kaya gagawin ko ang lahat makita at makauwi muli si Leavy.

Kumuha ako ng isang sushi at kinain ito tapos nagpunas ng napkin na katabi lang ng aking plato.

Hindi ako makakain ng mabuti. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapaghintay.

"Hi Ray! Mwuah, mwuah!"paglalandi ng baklitang si Gaylord kay Ray sabay pulupot sa kanyang braso. Hindi naman makapalag si Ray dahil alam niya na Death user si Ray. Maaari niyang kontrolin ang kamatayan ng isang tao o user. Sa totoo lang ay mas nakakatakot pa ang kapangyarihan ni Gaylord kaysa kay Timmy kasi mamamatay ka na lang na hindi mo namamalayan. Silent killer, ika nga.

***

Naglalakad na kami ngayon patungo sa kwarto namin pero sinabi ko na sila na magsi-CR muna ako kasi naiihi na kasi ako eh. Kahit na may CR sa kwarto namin ay hindi ko na talaga matimpi ito.

Paglabas ko ng CR ay tumeretso na ako sa kwarto namin. Dahil nasa baba ang CR tataas ako ng hagdan.

Habang naglalakad ako ay nahagip agad ng mata ang isang babaeng may hawak-hawak na box na kulay pula. Nakakapanghinayang lang kasi ang babaeng 'yon dahil ako ang tangi niyang tinitingnan mula noong nakalabas ako ng CR.

Bago ako apakan ang unang hagdan ay napatigil ako nang dahil sa na-sense ko na nakatitig pala siya sa akin mula kanina pa. Tumingin din ako sa kanya. Nandoon siya sa may pagbabayaran ng pagchecheck'inan. Mukhang ibibigay ang box na hawak-hawak niya.

I was severely scared when she gave me a smile that turned into a grin. Her grin was as if she wants to cut down my neck. It's demonic. It's mocking yet something to be scared of.

I stiffed and my fingers started shivering because of fear. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalala ang epekto sa akin ng babaeng naka-grin sa akin. She was the only person I am looking at and I can't even shift from looking at her. She was like entering my body while proceeding her act. She was like suffocating me with her expression and making me naive in breathing.

Doon ko lang nakita na naka-itim pala siya. Naka-full na itim ang damit. Sa itim nito ay parang siya na ang umaako sa buong kadiliman sa black hole. Her grin was so possessive and intimidating that made me flinched for a long time. Shit. Hindi talaga ako makagalaw.

'User din ba siya?'

Hindi ko talaga maeksplika kung ano ba talaga ang ginagawa niya sa akin. O ganito lang ang epekto niya sa akin. I can't restrain myself because of my unexplainable fear.

Mula sa likod ko ay may tumawag sa akin."Rainy!"sabi nito sabay kalbit sa likod ko. Doon na lamang nawala ang pagninigas ko. Hush! Ang sikip nun ah.

Hinarap niya ako para makita siya at doon na ako nakagalaw ng husto.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Ang tagal mo kaya hinanap kita dito."he explained while running his hand through his hair.

I am out of my mind when I saw his face. Seano is really handsome but I gave him a blank expression. Sa mga oras na iyon ay ang gusto ko lang gawin ay alamin kung sino ang babaeng iyon.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng babae kanina ngunit wala na siya doon. Ang bilis naman.

Imposible na mawala siya ng ganon kabilis kasi lumingon ako agad sa kanya matapos akong iharap ni Seano. It's really weird. She's weird. Her grin. Her suit. Her face. Her ego. Everything is weird with that girl and something bugs me a lot from her. Not because of her presence but...

Something tells me na isa siya sa mga kumuha kay Princess Leavy.


----------------------------------

Don't foeget to vote and comment!XD

Follow in WATTPAD: MasterMrG

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon