Chapter 64:Saved by Her Voice

785 28 0
                                    

Kean's POV

"Dito tayo. Pumasok muna tayo dito."mungkahi ni Jackie. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam na alam ko ang boses niya.

Dinala kami ni Jackie sa isang lumang bahay na medyo malayo sa mga kalaban namin. Pero, totoo ba 'tong nakikita ko? I thought she was gone kasi ang lalakas ng mga kalaban namin noon sa Valgemnon Island, considering na unti-unting gumuguho ang kastilyong pinaglabanan namin. But rather than that, nagpapasalamat ako sa bathalang Zhueos na buhay at ligtas siya.

Pinaupo niya kami sa mga silyang gawa sa kahoy. Pinapalibutan namin ang isang pahabang lamesa na yari rin sa kahoy. Siya naman ay may kinukuha sa isang cabinet na halos binabalutan na ng alikabok.

"Gagawa ako ng potion sa mga sugat at panghihina niyo."wika niya habang may kinukuha sa loob ng cabinet. "Mabuti. May nakita na akong mga sangkap."sabi niya habang marahan na isinarado ang cabinet. Dala niya ang mga sangkap na nakuha niya sa loob ng cabinet. May maliit na lamesa malapit sa amin na siyang naglapagan niya ng mga sangkap.

Napangiti na lang ako nang walang dahilan. Wala lang. Baka masaya lang ako na muli ko siyang makita at makasama. Medyo matagal na rin kasi noong una kaming pumunta sa Valgemnon Island at nakilala siya.

"Baka ikaw rin ang dahilan kung bakit nakatakas sina Timmy at Princess Leavy."turad ni Walthea na gaya ko ay nanghihina na dahil sa labanan sa labas.

Nahihiya namang tumango si Jackie. Tangna, ang ganda niya talaga! "Nakita ko sila sa gubat na nakagapos. Noon ko pa sila nakita pero hindi ko sila mailigtas kasi may nagbabantay at may babaeng malakas. Una pa lang ay alam kong malakas ang babaeng iyon dahil sa tindi ng kanyang presensya. Hanggang sa nakita ko na wala nang nagbabantay at wala na rin ang babaeng iyon, doon ko na kinuha ang pagkakataon na tulungan sila."pagpapaliwanag niya habang kumukuha ng pitong maliliit na bote. Mukhang gagawa siya ng potion pampahilong sa mga sugat at panghihina namin.

"Pero paano mo nalaman na nandoon sila? I know it's not a matter of chance."kumento ni Storm na may nanghihinan ngunit seryosong boses.

"Nasa Valgemnon Island sila."

"Malawak ang isla ng Valgemnon kaya hindi pa rin ito sapat para makita mo sila ng agaran."Arianna also said her remark.

"Hindi ko nga rin alam pero sinundan ko lang ang tinig na aking narinig."-Jackie

---------------------------------------

Jackie's POV

*Flashback--------

Abala ako sa pageensayo ng aking kapangyarihan nang may bigla akong narinig na tinig.

"Jackie..."

Sa una ay akala ko ay guni-guni ko lamang iyon. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-eensayo ngunit, "Jackie..."

May tinig na naman akong narinig mula sa parehong boses na tila nagbabadya sa akin na pumalaon sa pinanggagalingan ng tinig na aking narinig. Hindi ko alam kung bakit. Basta may kung anong kumurot sa akin na sundan ang tinig na iyon. Tinig iyon ng isang babaeng pamilyar ngunit hindi ko matukoy kung sino ito kahit na isipin ko nang mabuti kung kailan at saan ko ito unang narinig.

"Jackie..."

Muli ko na namang narinig ang pamilyar na boses. Sa hindi maipaliwanag na paraan ay nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko ay sinusundan ko ang tinig na aking naririnig. Katakataka. Basta wala akong patiwari kung ang pupuntahan ko ba ay ligtas o kapahamakan.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon