Chapter 24:Nurse (Part 1)

3.6K 196 15
                                    

Leavy's POV

Matagal ko nang hinahanap yung taong magbibigay sa akin ng halik. Nakapanood na rin ako ng kissing sa twilight, halos magplanking ako sa tapat ng telebisyon non eh. Pero di ko lang alam na sa dinami-daming halik na pwedeng gawin sa akin nh isang lalake ay lips to lips pa! Ano ba talaga ang trip mo Timmy? Nagpapa-ASA ka ba?

Sa mga oras na naghahalikan kami ni Timmy ay parang tumigil ang mundo. Tumigil ang mundo upang mas mapabagal ang oras naming maghalikan. Mundo pa ang gumagawa ng paraan ha!

Hindi na napigilan ng puso ko sa pagpintig. Bakit ko nararamdaman ang ganito sa iyo Timmy? Not to mention, pero hindi naman ganito ang nararamdaman ko kapag si Flame ang kasama ko eh! Nahihilo ako, nurse!

Nagpatubo naman ako ng herbal medicines upang mapagaling si Timmy. Hindi ko siya hahalikan dahil wala naman siyang natamong sugat, sugat lang kasi ang pwedeng pagalingin sa pamamagitan ng paghalik ng isang nature user na kagaya ko.

---------------------------------

Walthea/Thea's POV

Noong naaninag na namin ang mga dalawang magkalaban ay nagulat na lang ako nung nakita ko si Flame na nakahandusay na lang sa gilid ng field. Agad akong kumaripas ng takbo upang tulungan ang walang humpay na pagdaloy ng dugo sa katawan ni Flame.

"Don't worry Flame. Papagalingin kita."wika ko.

"Ah---asan s-i Le-av-y"yan lamang ang mga katagang bumiyak sa aking puso. Teka? Bakit ba ako nasasaktan?!

Alam niyo ba yung feeling na tinutilungan mo siya pero iba ang pa rin ang ibinibigkas ng kanyang labi? Yan ang nararamdaman ko ngayon.

"Mamaya mo na siyang isipin at papagalingin muna kita"pagpapahiwatig ko tapos umiwas ako ng tingin dahil mukhang dadagsa ang luha ko.

Kung alam mo lang sana, Flame

---------------------------------

Leavy's POV

Sa mga oras na nakatulog si Timmy ay may dumating na napakagandang babae pero mukhang may edad na. Para siyang fairy sa suot niya dahil naka-pink siya, talo na ata si pink panter eh!

"Anong nangyari sa kanya?!"gulat na wika ng magandang babae.

"Sino po kayo?"tanong ko habang papalapit siya sa kinaroroonan namin ni Timmy.

"I am her mother, Feiethress."

"So ikaw pala si Leavy ha?"tanong niya. Bakit kilala niya ako?

Nag-sign naman ako ng 'kilala niyo po ako?'

"Oo naman! Araw-araw ka kayan---------"hindi na naituloy ni Mrs Feiethress ang pagbabanggit niya dahil biglang sumigaw si Timmy.

"Ma!"

"Ahhh...."wika ng nanay niya na para bang may iba siyang gustong sabihin.

"Hay! Ikaw talagang bata ka! Tara na nga at ihahatid na kita sa bahay!"tugon ni Mrs Feiethress sabay buhat sa kanyang nanghihinang anak.

"Thank you, tanda."malokong pagpapasalamat ni Timmy tapos ngumisi siya.

Huh? Ano daw? T.A.N.D.A? Hindi ata natutunan ng lalakeng 'to ang "good manners ang right conduct" eh!

At bwala! Nawala na lang sila with just a snap by her mother. Ano kayang klaseng user yung nanay niya?

"Leavy!"pasigaw na bungad sa akin ni Soundy habang papalapit sa direksyon ko. Ngayon ko lang ata siya nakita mula noong bigla na lang siyang nawala na parang bula sa gitna ng laban nila ni Aria. Ang weird kasi yung ibignigkas niyang spell eh, ang lakas pa.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon