Chapter 22:Principal

3.2K 200 12
                                    




Third Person's POV

Bakit ba lagi na lang ako ang nagsasalaysay?! Nakakabagok na ng hypothalamus! Haist!

Okey. Nung nakita ni Flame ang itim na usok ay agad niyang tinawag si Timmy para pa-slowmohin ang ipo-ipo na agad namang ginawa ng binata. Di ko lang alam pero yung mga heads ay wala man lang ginagawa? Ano to? Movie marathon lang?!

"Olimpus Fuegos!"

Noong sinabi iyon ni Flame ay biglang yumanig ang lupang kinaroroonan ng ipo-ipo at laking gulat ng lahat noong may lumabas na magma mula sa lupa. Pero wala rin nagawa ang taktikang iyon dahil hinigop lang ng ipo-ipo ang magma. Nangamba na ang lahat ng mga Unos pati na rin ang mga firsr year teachers dahil palakas ng palakas ang pwersa ng ipo-ipo na kahit na anong gawin ng mga tao ay hindi mapipigilan.

'Walang makakapigil sa amin!'yan sana ang sasabihin ng ipo-ipo pero kahit na fantacy tong istorya na to ay hindi pa rin nababagay na magsalita ang ipo-ipo. Hehehe...

Nanghihina na ang lahat dahil sa enerhiyang ipinapalabas nila upang mapatigil ang ipo-ipo. Pero isang user na naka hood ng white ang pumagitna at pinigilan ang ipo-ipo.

"Calamidad Normosa!"pag-cacast ng spell ng babaeng naka white na hood at automatically ay nawala ng lang ang malakas ipo-ipo sa isang iglap lang.

----------------------------------

Leavy's POV

Pumalakpak ang dalawang heads noong nawala na ang ipo-ipo. Ano ba satingin nila dito? Museum? Na kapag nakakita ng magandang bagay ay papalakpak na lang?

"Welcome back principal Khianna."sabi ng head ng HERO department habang pumapalakpak.

Khianna? Bakit ngayon ko lang siya nakita?

Ang ganda niya pa! Pero para siyang namatayan dahil puro puti lahat ng suot niya. Puti ang dress. Puti ang hills. Puti ang hood at puti rin ang lips. Grabe! Pati lips hindi nakaligtas!

Di ko alam pero yung Khianna na iyon ay bigla na lang naglakad papunta sa direksyon ko at niyakap niya ako.

"It's nice seing you here, pamangkin."sabi niya.

"Sino po kayo?"tanong ko dahil hindi ko naman talaga alam o natatandaan kung sino siya.

"Kapatid ako ni Haring Khalilio. Isa akong calamity user."pagpapakilala ng tiyahin ko daw.

"Paano niya po kayo naging kapatid eh sacred user po kayo?"

"Di ba nga iisa lang ang sacred user sa mundo? Ganyan lang talaga Leavy, kapag sacred user ka eh kahit na anong klaseng pamilya ka nanggagaling. Tao man o User."pagpapaliwanag ng tiyahin ko daw.

"Just call be tita Khianna."

"Bakit ngayon lang kayo nagpakita sa akin?"tanong ko na naman. Hanep ang Question and Answer portion ko ha!

"Nagpatawag ng one month na security sa Majestia world si Khalilio, syempre as a principal eh tungkulin ko ring pangalagahan ang kapakanan ng ating nasasakupan upang maging safe kayo pero bigo pa rin ako dahil nabalitaan kong nakapasok dito ang mga legend witches."sagot ni tita Khianna. Grabe makapag privilege speech ang tita ko!

"Ahh.. Ganon po ba tita?"sabi ko tapos tumango lang siya as an answer.

"Napanood ko yung laban mo Leavy and I'm proud to say that you are good. Nagmana ka talaga kay goddess Gaia, ang galing sa diskarte!"papuri ni tita sa akin.

"Thank you po."

Pumunta naman si tita Khianna sa stage at kinuha yung mic ng MC...

"Hello everyone! I am your principal, Khianna. Sorry I didn't present myself earlier at sorry rin kung ngayon lang ako nagpakita."pagpapakilala ni tita.

"Alam kong nanghihina na kayo, so eat this candy to revitalize your strength. I have plenty of candies just for you."sabi ni tita sabay bunot sa bulsa niya ang candy tapos ipinakita niya sa amin.

***

Ngayon ay nakakain na kami lahat ng candy and I must admit. Gumaling talaga kami!

"Okey! I think our strength is back on track! So let's now continue the match!"

Dahil sa biglang pagkawala ni Soundy sa battle ay.......

"According to unanimous decision. The winner for the second match is..... Aria the ultimate user!"sigaw ng MC tapos sabay-sabay kaming nagpalakpakan. Di ko nga rin alam kung saang banda nakagawa si friend Soundy ng itim na usok eh. It's very weird.

"Third pair! Please proceed to the middle of the field."sabi ng MC tapos pumunta na sina Flame at Timmy sa gitna ng field. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit nakapalabas si friend Soundy ng black magic. Bakit nga ba? Ipinagpaliban ko muna ang pag-iisip ng ibang bagay at itinuon ito sa susunod na maglalaban.

This is gonna be a great match.

Just great.

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon