Chapter 5:Trifosana wand

6.6K 318 19
                                    


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Leavy's transformation po yung nasa side>>>

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Yung flashback po ay naka italic.

Enjoy this chapter.
Medyo bitin. Hehehe

------------------

Leavy's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na binubully ako ng mga katulad kong users. Akala ko kasi matatakasan ko na ang masasamang nangyari noong nakaraan.

Halos lahat ng dinadaanan ko sa school ay binubully ako. Sometimes they use their powers just to embarass my presence.

Flashback------

*Habang naglalakad ako sa corridor.

"Ay! Ayan ba yung babae na lumalandi kay Timmy?"

"Oo, at hindi kaya bagay sa mga katulad niya ang didikit-dikit na parang lintang nakakapit ng mahigpit!"

Bulungan ng mga babae. Hindi ko na lang sila pinanasin dahil ayaw ko ng gulo. Kahit na masakit na pinariringgan ka nila ng mga salitang hindi naman totoo.

Pumasok na ako sa room namin at agad na naglecture ang guro.

Ang pinag-aaralan namin ngayon ay tungkol sa mga gods and goddesses. Namangha ako sa mga ito, lalong lalo na kay Gaia(siya ay ang diyosa ng kalikasan) dahil nature user din ako.

Pagkatapos ng klase namin ay lalabas na dapat ako pero hinarangan na naman ako ng mga tatlong babae na kumalaban sa akin sa first day of class.

Magsasalita pa sana si Skcarllet(babaeng sky blue ang damit na ang kapangyarihan ay yelo) pero agad akong nagpatubo ng malaking bulaklak at pumasok ako dito para idala ako sa elongated shed. Absent kasi ngayon si Soundy dahil inatake sa puso ang nanay niya. Sana maging okey lang siya, as well as her mother. Paano ko nalaman? Sound user si Soundy kaya narinig ko siya, di ko alam pero ako lang ata ang nalarinig sa sound niya. Parang technique ng isang sound user na parang voice call ang dating.

Umupo muna ako sa gilid ng shed at nag-isip isip.

Pero habang nagiisip ako e may sumulpot na user sa harapan ko at sinabing...

"Leavy!"

"Ay! Adonis!"sigaw ko

"Ikaw, Leavy ha. Nung isang araw lang tayong nagkakilala ay nalimutan mo na ang pangalan ko."sabi ni Groun tapos nagpout siya. Ang cute!

Parang gusto kong kurutin yung cheeks niya.

"Hindi kita nalimutan, Groun . Ano ka ba? Nagulat lang ako"pagpapaliwanag ko.

"Ohh. So bakit ka mag-isa?"tanong niya

"Absent kasi si Soundy."sagot ko.

"Ahhh..."

Bigla kaming natahimik. Halos mabingi ako sa katahimikan ng paligid at ni Groun. Napagdisisyonan ko na magsalita na lang.

"Groun?" "Leavy?"sabi naming dalawa.

Ang awkward lang.

"Sige ikaw na ang mauna."sabi ko.

"Hindi ikaw na."pagreresist niya

"Ikaw na."sabi ulit

"Ikaw na ang mauna."he resist again

"Ikaw na lang"sabi ko ulit-ulit.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon