Chapter 68:"Let Me Possess You"

822 20 2
                                    

Leavy's POV

"Guys..."I said with a low volume voice. All at once, I got all their attention.

I looked down and said, "I heard her voice..."

"Who?"almost all of them asked that question.

"Demtia..."

That name filled the room with silence. Everytime I say that name I get terrified. Hindi ko alam. Ako ang klase ng nilalang na nagtatakip ng mata kapag nakakakita ng horror movies pero sinasadya kong lagyan ng butas ang kamay ko para mapanood iyon. Pero ang takot na nararamdaman ko ngayon ay naiiba.

"I h-heard tita Demtia..."

Tahimik lang sila. Walang imik na para bang wala silang narinig. Lumabas muna si papa upang kumaha ng makakain. Hindi kagaya ng ibang hari ang ama ko dahil mas gusto niyang siya ang naghihirap kaysa sa mga taong nasasakupan niya. I admire my dad for that.

"Sumama ka na lang kasi sa akin..."

Sa kanan ko ay nagsalita si Thea. Labis naman akong nagtaka sa kanyang tinuran at lalo akong natakot sa pagngisi niya sa akin. Hindi ko pa siya nakikitang ngumingisi ng ganito pero sa totoo lang ay tumatayo na ang mga balahibo ko.

"Hayaan mong sakupin kita..."

Mula naman sa aking kaliwa ay nagsalita si Aria with her evil grin. Gaya ni Thea ay ngayon ko lang rin napagmasdan ang ngising gumuguhit sa mukha ni Aria.

"Let me possess you..."

Katabi ni Aria ay si Shawn na nagsabi ng mga salitang iyon. Alam kong si Shawn ang may sabi non pero boses ng babae ang aking narinig sa kanya. Boses ng babaeng pamilyar at nakakatakot.

"Ano ba ang pinagsasabi ninyo?!"I freaked out with that question of me. Alam kong bastos ang pagsigaw ko pero hindi ko talaga mapigilan ang takot ko. Kakaibang takot na kanina ko lang naramdaman at ngayon ay inaatake na naman ako nito.

"Let me possess you..."

Sabay silang pito na nagsabi non. Si Flame, Thea, Storm, Aria, Kean, Steelion at si Shawn lang ang nandito, wala na si Timmy at ang iba pa. Hindi ko alam kung papaano sila nawala.

"No! No! Nooo!"

Nagulat ako sa sumunod nilang ginawa dahil sinubukan nilang lahat na sakalin ako.

"A-a-no ba a-ang gi-n-aga-wa n-niyo..."halos hindi na ako makapagsalita dahil sa higpit ng mga kamay na sumasakal sa aking leeg. Hindi ko nanaisin na saktan sila lalo na't tinuturing ko na silang tunay na kaibigan at parang mga kapatid ko na rin sila pero hindi ko inakala noong una pa lamang na makilala ko sila na magagawa nila ito sa akin. Nakakaiyak isipin na isang araw ay sasakalin ka na lamang ng mga tunay mong kaibigan na parang ang sama-sama mong tao at pinagsisisihan nilang naging kaibigan ka. Para akong yelo sa gitna ng desyerto, unti-unting natutunaw nang walang nakakaalam at wala silang pakialam kung matunaw o mawala ka man.

"Let me posses you!"
"Let me posses you!"
"Let me posses you!"
"Let me posses you!"
"Let me posses you!"

Sunod-sunod nila itong binanggit na para bang desidido na sila akong sakupin o kaya naman ay patayin dahil hindi sila tumitigil sa pagsakal sa akin. Wala kong magawa kahit na magpumiglas pa ako dahil kumpara sa kanilang lakas ay wala akong binatbat.

Bago ako tuluyang mawalan ng hininga ay nagawa ko pang banggitin ang isang salitang tumutukoy sa naging karanasan ko sa buhay kasama silang pito. Salita na kahit hindi maging masaya ang huli naming pagkikita ay naranasan ko ang init ng kanilang pagmamahal at pag-unawa sa akin palagi. Ito na ang huli.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon