Chapter 45:Vigan City!

1.6K 89 6
                                    


Rainy's POV

Naghahanda na kami para sa paglarga namin papunta sa Ilocos Sur. Buti na lamang at mayaman sina Timmy at ang pamilya na niya ang nagbayad sa hotel na magiging pansamantalang tirahan namin habang hinahanap ang Death user. Rich kid!

Ako, secretly na alam mag-Ilocano. Joke lang! May malapit kasi akong kaibigan sa Ilocos Sur at nakatira siya sa Vigan City noong nag-aaral pa lamang ako dito sa mortal world kaya tinuruan na rin niya ako ng ilan sa mga Ilocano words. Swerte na lang ako kapag makita ko pa siya doon.

Dahil hindi pwedeng makita ng mga tao na magteteleport kami ay ginamit na lang namin ang sasakyan nila Timmy. Malaki ito, kasyang-kasya sa amin. Rich kid! (Paulit-ulit? Maraming load?)

Alas syete ng gabing iyon kami lumayag patungo sa destinasyon namin. Mga sampung oras kami kasi makakarating doon sa Ilocos Sur at trenta minutos kaming makakarating sa Vigan City kaya expect na tulugan din ang ikababagsak namin. Syempre! Gabi na eh! Kaylangan din ng beauty rest para maging active ang mga cells namin sa paghahanap sa Death user noh!

***

Habang bumabyahe kami ay halos nakatulog na ang lahat-----wait! Ako na lang ang gising? Lahat sila nagbyu-beauty rest na pero ako magiging lushang dahil hindi man lang ako makakatulog? Bastusan?!

Bigla naman na may ulong sumandag sa aking balikat at napag-alaman kong si Prince Seano pala iyon. Huh! Hashtag, kamatis face is real!

Pinagmasdan ko lang ang mukha ni Prince Seano na napakagwapo na parang anghel hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Awkward! Hilikan na this!

"At least maganda pa rin."narinig kong nagsalita si Storm habang natutulog. Ops, nasabi ko ba 'yon kanina? Bakit narinig niya?

***

10 hours and 30 minutes later...

"Nandito na po tayo!"naalimpungatan naman ako sa sinabing iyon ni mamang driver.

Tinignan ko naman ang orasan ko at saktong 5: 30 ng umaga kami nakarating. May himala! Walang traffic sa EDSA!

Kinarga na muna namin ang aming mga gamit sa hotel na pansamantalang titirahan namin habang nasa misyon kami. Hanep! Kasama na ako sa misyon! Ganda ko talaga! (Anong connect?)

"Naragsak nga bigat tayo apo! (Tagalog: Maligayang umaga sa ating lahat!)"bungad sa amin ng isa sa mga tao sa pinuntahan naming hotel.

Dahil sa medyo alam ko ang mag-Ilocano ay kina-usap ko ang bumati sa amin. Ako rin kasi ang pinakamatanda sa kanila kaya ako na ang nagsalita. Hmpt! At least stand out pa rin ang beauty ko kahit na mas matanda ako kaysa sa kanila!

"Naimbag nga bigat met. Ayan na ditoy ti kwarto mi? (Tagalog: Magandang umaga rin. Nasaan po dito ang kwarto namin?)"kompyansa kong iniwika pero natigilan siya. Huh?

"Sorry po. Greeting lang po namin 'yon pero hindi ko po talaga alam mag-Ilocano. Baguhan lang po kasi ako dito at taga Maynila po ako. Hehehe. Sorry po. Welcome na lang po."pagpapaumanhin nito sa akin. Ay shemenesh! Akala ko pa naman marunong siya! Feel na feel ko na eh!

"Hehehe..."tawa ng ilan kong mga kasama. Hay... Kahit papaano ay nakaka-miss rin pala si Leavy. Nakaka-miss yung boses at tawa niya. Kaya naman gagawin ko ang lahat para mahanap ang naka-costume ng pang-Batman at Catwoman na mga nilalang na dumukot kay Leavy! Pasabugin ko kaya sila ng makukulay na confetti para naman magkakulay ang buhay nila!

Ako ang pinakamatanda kaya dapat maging responsable akong mamamayan. Char!

Pumasok na kami at Tinagalog ko na lang yung bumati kanina sa amin at tinanong na namin kung saan kami kwa-kwarto. Hotel Luna ang pangalan ng hotel na ito at aaminin kong maganda ito. Nag-umagahan muna kami sa buffet nila at nagsimula na sa misyon namin.

Kung hindi niyo pa alam ang Vigan City, eto ie-explain ko.

Ang Vigan City ay parte ng Ilocos Sur at ito ay sinasabing 'Heritage City of the North'. Tinagurian din itong isa sa mga '7 Wonder Cities in the World'. Ang Vigan City ay sikat dahil sa mga lumang bahay tinitiraan noon ng mga taga-Vigan sinasakop ng mga kastila ang Pilipinas. Begueño ang tawag sa mga taong nakatira dito.

Welcome to Vigan City everyone!

----------------------------------

Sorry po! Sobrang bitin po siya. Sorry po talaga. Bawi po ako sa susunod, promise!

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon