Chapter 58:The Ancients Scrap (Part 3)

976 42 6
                                    

Third Person's POV

"I am Steelion, the son of Steelon the god of steel. The enormous iron fist!"

Pagkasabi non ni Steelion ay may mga metal na bumalot sa kanyang katawan na nagsilbing taga-iba ng kanyang anyo. Dumausdos naman ang malakas na paglabas ng enerhiya dulot ng transpormasyon. And lastly, naging grey ang kanyang mga mata.

Medyo malayo-layo si Mistress Shey- ang Ancient Mistress ng Steel Kingdom kaya nagdulot ang pagyayaring ng paglugay lang ng buhok ng matandang bihasa.

Tulad ni Kean ay alam ni Steelion ang kalakasan ng mga Ancient Masters and Mistresses kaya walang pagaalinlangan siyang nag-ibang anyo.

"Oww. So, ito pala ang anak ni god Steelon. Makita nga kung karapatdapat ka nga."-Mistress Shey

Lumakad papalapit kay Steelion si Mistress Shey pero sa bawat matapakan niyang lupa ay nagiging matigas na bakal ito. Napakunot naman si Steelion dahil dito hanggang sa napagtanto niyang ang ginagawa pala si Mistress Shey ay isang semi-circle steel barrier.

Hanggang sa unti-unting sinasakop ng bakal ang kalangitan. Sa parte lang nina Steelion at Mistress Shey ang nasasakop ng semi-circle steel barrier kaya hindi sakop ang iba, sila lang.

Bago pa man tuluyang mabuo ang semi-circle steel barrier ay tumalon na ng malakas si Steelion upang makalabas doon pero gumamit ng elastic steel arm si Mistress Shey kaya nakuha niya 'yung kanang paa ni Steelion sabay hila sa kanya pabalik.

"Don't you dare escape from me!"sigaw ni Mistress Shey kasabay ng tuluyan na pagkabuo ng semi-circle steel barrier.

Ngayon ay nasa loob na silang dalawa. Nakangisi lang si Mistress Shey habang gulong-gulo si Steelion.

"Paalam..."'yan ang huling binanggit ni Mistress Shey tapos lumabas siya sa barrier na kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagtagos niya mula rito. Sa mga oras na iyon ay rumehistro na sa utak ni Steelion ang gagawin ni Mistress Shey sa kanya.

'Balak niyang gumawa ng malakas na ingay dito sa loob... Sh*t!'

Sinubukan ni Steelion na tumagos din gaya nung ginawa ni Mistress Shey pero bigo siya sapagkat ang mga nakakalabas lang mula rito ay ang lumikha nito.

"Drillo Smasha!"

Pagkasabi non ni Steelion ay may unti-unting bumuo sa kanyang kanang kamao, naging driller ito. Karakarakang idinampi ni Steelion ang kanyang mega driller sa barrier ngunit habang ginagawa niya ito ay mayroon siyang naramdaman na lindol sa kinaroroonan niya at kasabay nito ay ang paglikha ng napakalakas na tunog. Naghuhudyat lamang ito na may bumabalibag sa barrier na ito sa labas upang magkaroon ng ganitong opensa.

"Ahhhhhh! Arayyyy!!!"sigaw ni Steelion damang-dama ang pagyanig at paglikha ng malakas na tunog.

Wala nang magawa pa si Steelion kaya lumaspag na ang kanyang katawan sa lupa. Sa mga oras na rin na iyon ay unti-unti nang nawawala ang barrier na nilikha ni Mistress Shey.

"Aray!"'yan ang sigaw ni Shawn sa kanyang banda, natamaan kasi siya ng ice shark ni Master Fuji.

"Quiting easily?"linya ni Master Fuji, bumubuo ng ice knife tapos naglalakad papunta kay Shawn na ngayon ay nakaluhod na dahil sa natamong sugat.

"H-hin-di ako susu-ko..."paputol-putol na wika ni Shawn habang pinipilit na makatayo. "Dahil ako si Shawn! Ang anak ng diyos ng yelo!"dagdag pa niya at tuluyan nang tumayo at ibinigkas ang salitang magpapabago sa kanya.

"I am Shawn, the son of Froze the god of ice. The cold breeze from the poles!"

Umilaw na ang katawan ni Shawn at mga tipak ng yelo ang bumalot sa kanyang katawan na naging ice armor tapos naging skyblue na ang mata ni Shawn.

"Haaahhh!"napasigaw si Master Fuji- ang ancient master ng Ice Kingdom dahil sa pagkasabik na patumbahin si Shawn. So, Master Fuji hurled the ice knife he was holding at Shawn but as the knife was heading to Shawn, it became more enormous. Gumawa si Shawn ng ice wall sa pamamagitan ng pagpadyak niya ng kaliwa niyang paa sa lupa.

Hindi namalayan ni Shawn na dahil sa concertrated siya sa pagsangga nung higanteng yelo na kutsilyo, nasa likod na niya pala si Master Fuji. Sa likod ni Shawn ay nakita niyang idinampi ni Master Fuji ang kanyang dalawang palad at agad na may nabuong dalawang ice walls na nasa pagitan ni Shawn tapos malakas na nagdampi ang dalawang ice walls mismo sa kinaroroonan ni Shawn. Sa huli ay nawala na rin ng ulirat si Shawn.

Sa parte po naman ni Flame...

Suntok, sipa at uppercut ang kanilang ipinapatama sa kanilang paglalaban ngunit kasing bilis lang ng pagmamahal mo ang pag-ilag nila. Hashtag: Hugotpamore! Endorse ko lang po ang isa ko pa pong book na titled na "Hashtag: Hugotpamore!". Doon ko po inilalagay ang lahat ng hugot na nalalaman ko dito sa mundong ito. Wait lang, bakit ang layo ko na? Hindi ba nagsasalaysay ako?

Okey, sa kanilang pagwalay ay inihulma ni Flame ang kanyang kamay sa bola at may nabuong fire sphere sabay patama ito kay Master Fier- ang Ancient Master ng Fire Kingdom.

Pagdating nung fire sphere kay Master Fier ay itinaas niya ang kamay niya na para bang kinokontrol 'yung umaalab na fire sphere. And yeah, dahil dun ay bumalik 'yung fire sphere na para dapat kay Master Fier ngunit ngayon ay bumabalik kay Flame.

"Bwisit!"-Flame

Flame quickly formed a circle at his front and then a fire wall was created instantly. It's a good thing that Flame didn't prevailed his move and if he does, he would find his own attack harder to defense.

Flame just took a second to think about how could he confront this strong man, a master to be elaborated.

"Done thinking?"agad na humarap sa likod si Flame dahil nasa likod na niya pala si Master Fier.

Sabay pa silang nagpalabas ng fire offenses at naghiwalay ng direksyon dahil sa malakas na pagsabog.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Flame at idinampi ang kanyang palad sa lupa at sa kinatatayuan ni Master Fier ay may lumabas na fresh magma. Agad namang nakapalit ng pwesto si Master Fier pero nadaplisan ng magma ang kanyang kaliwang braso kaya nanaplos ito.

"Fuego Tornado!"

Napagamit na lang ng spell si Master Fier kaya may nabuong ipo-ipo na gawa sa apoy mula sa kanyang harapan. Master Fier controlled his offense and penetrated it to Flame but before it can finally hit Flame---

"I am Flame, the son of Fiero the god of fire. The symbol of the blazing sacred dragon!"

Then Flame transformed and that scenario incredibly stoped and vanished the manipulation and the offense of Master Fier. Flame's eyes turned into bloody red.

"Ako naman..."linya ni Flame tapos nagpalabas ng apoy mula sa kanyang mga palad. Ang pagkakaiba lang nito sa ordinaryong apoy ay may magma na sumasakop sa kabuuan nito. Buong pwersa na ipinatama ni Flame ang kanyang apoy kay Master Fier ngunit inilagan ito ni Master Fier na parang laro lamang.

Flame's next move was to stretch his arm and ones clap to make fire waves hitting Master Fier. Master Fier held his hands forming a bird sign that turned into a fiery bird shield- he used this as his defense which is so successful.

"Done with your weak attacks?"Master Fier sarcastically alleged with a smirk. "Well, if then, I'll be next!"

Pagkabanggit non ni Master Fier ay bumuo ng napakalaking fire force sphere hanggang sa nabuo na niya ito tapos ipinuntirya kay Flame na ngayon ay hindi alam ang gagawin. Pero bago pa man tuluyang matamaan si Flame ay may biglang humawak sa kanya at otomatikong nag-teleport sa isang pamilyar na lugar, sa Majestia Palace.

Hindi alam ni Flame ay nasa loob na pala silang lahat ng palasyo.

"Pa-paano tayo nakapunta dito?"'yan ang unang bumulaslas sa bunganga ni Flame tapos takang pinagmasdan ang mga kasama niya na pagod na pagod marahil sa kanina'y nakikipaglaban sa mga bihasa.

Walang kahit na anong sagot na narinig si Flame kaya nagkusa na lamang siyang tumayo at pinilit na maglakad ngunit---

"Buti ligtas kayong lahat..."

Mula sa likuran ni Flame ay bumungad sa kanya ang lalakeng pang maharlika ang suot at may makapal na balbon sa kanyang babae na madyo nagiging puti na rin.

"King Khalilio..."

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon