Rainy's POV
Maraming pagkakataong nabubulabog ka na lang sa mga nangyayari sa iyong paligid. Wala man yugtong kagimbal-gimbal, ito pa rin ang sanhi ng pagtataka at nagdudulot ng malalim na pagpapalalim, pagpapalalim na kailangang malutas ng bawat myembro ng aming pamilya.
Hay! Ano ba 'tong sinasabi ko?! Nagpri-privilege na naman ako! Si Flame kasi eh! Grabe ang pasabog!
Yung mga kaibigan ni Leavy ay nandoon lang na naka-upo sa mahabang sofa namin. Infairness! Kasya silang lahat!
Pinainom namin muna si Flame ng sleeping potion para hindi masyadong ma-harsh ang usapan. Ininom naman niya agad ito, akala niya siguro ordinaryong tubig lang yon dahil sa kakulay niya ito. Nighty-nighty Flame!
Nagulat lang kasi kami sa biglaang pagdating ng aming Principal Khianna. Akalain mo? Pumunta mismo sa bahay namin? Taray ng lola! Este Principal!
"Itigil mo nga ang pag-iisip mo ng ganyan, ate! Nakakairita na eh!"pahapyaw akong napatigil sa pag-iisip noong sumigaw si Leavy sa akin. Oo nga pala, nakakabasa siya ng isip ng iba dahil ganyan ang likas na abilidad ng mga nature users. Okey, tumigil ka muna sa pag-iisip ng walang kakwenta-kwenta, Rainy! Concious lang si Leavy sa beauty mo! Para hindi humaggard ang mukha mo!
"Ate!"ops, sabi na eh. Titigil na po! Ang bossy naman 'tong kapatid ko na 'to!
"Sorry po!"wika ko na mala-Mikay ang dating pero ibinaling lang ng kapatid ko ang tingin niya sa tiyahin niya, daw, matapos kong sabihin yon. Ayos ha! Hindi man lang ma-appreciate ang effort ng pagpapaumanhin ko? Nagproproduce na naman ata ng cortisol ang katawan ko! Nakakaloka!
"Ano po ang ginagawa niyo dito, tita?"tanong ni Leavy sa kanyang tiyahin slash principal. Ngayon ko nga rin nalaman na siya pala ang tiyahin slash principal ni Leavy eh. Si Flame naman, nag-cast si Leavy ng plant spore upang makatulog ang gwapong nilalang.
"May masama at magandang balita ako para sa inyo."sagot ni Principal Khianna. Kaloka! Andami na namang characters sa story na 'to! Ang hirap mag-memorize ng pangalan eh! Kasalanan mo 'to Mr.G! Kyahh!
(Eh kung ikaw ang tanggalin ko sa story na 'to ha!)
Mr.G? Ikaw ba 'yan?
(Ay hindi! Si Sarah G 'to!)
Ay wow! Sarah Geronimo? As in?! Idol ko 'yun eh! Hi idol! Pa-autograph naman diyan!
(Hoy! Joke lang 'yun noh! Naniwala ka naman! Back to I was saying lately, I declared that I will officially exclude your name to the story.)
No! No! No! No way! Hindi niyo magagawa sa akin 'to! Ang laki ng naiambag ko sa istoryang ito! 'Please lang po Mr.G... Parang-awa niyo na.....'-sinabi ko 'yan kay Mr.G ng mala-MMK ang dating para mas effective ang impact.
(Hehehe. Loka-loka ka talaga! Syempre hindi ko kakaltasin ang pangalan mo dito noh! Mabait ako eh!)
Hay salamat. Sino nga pala ang makakatuluyan ni Leavy sa istoryang ito, Mr.G? FC-FC din pag may time!
(Secret! Edi walang katri-thrill na kapag sinabi ko!)
Ha? Sino nga?!
(Bye.)
"Mr.G! Sino ang makakatuluyan ni Leavy?!"nagsalita na lamang ako sa realidad dahil sa hindi masabi-sabing sagot ni Mr.G. Hindi pa kasi niya sabihin eh! Excited na me eh!
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasiThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...