Chapter 30:Mysterious Girl

2.7K 163 10
                                    

Rainy's POV

Nakakaloka! Nasaan ba 'tong lugar na ito?! Mas prefer ko pang masangkot sa 'tanim bala scam' kesa naman sa mapadpad sa creepy na lugar na 'toh!

Pinilit kong tandaan kung paano ako nakapunta sa creepy na lugar na 'to.

Wala naman akong ginagawang masama eh! Bakit ako pati ako akusado? Nagpupunas lang naman ako ng mga gamit malapit sa kinaroroonan nina Leavy at doon nabigla na lamang ako noong unti-unting lumitaw yung katawan ko at napadpad dito sa lugar na 'to.

Feeling ko gusto ko na lang mag-protesta sa mga ginagawa sa akin ni Mr.G eh! Lagi na lang akong damay!

Iproprotesta at isisigaw ko hawak-hawak ang karatulang: "Makibaka! Magprotesta!" para sa kalayaan ng sambayanang Pilipino!

Nasaan na ba sina Leavy? O nasaan na ba ako? Lalaki na naman ata 'tong ingrown ko!

"Leavy?! Yuhuu!"sigaw ko.

"Asawa ni?"narinig kong may nagtanong.

"Yahuu!----wait! Ay hinayupak! Sino ka?! Naapakan mo yung ingrown ko eh!"nabulabog na lamang ang cerebrum at cerebelum ko nang may nakita ako babae na nakatayo sa likod ko. Pero yung ingrown na sinabi ko ay joke lang yun noh! Malapit lang kasi siya sa kinatatayuan ko kaya ko nasabi ang joke na yun.

"So, mag-isa ka lang."sabi niya.

"Ay hindi! Dalawa kami oh! May ghost friend ako hindi mo ba alam?!"maloka kong pagbanggit. Hanep ang joke mo Rainy! Hindi mabenta sa mga audience mo!

Walang karea-reaksyon yung itsura niya ngunit binigyan niya ako ng ngisi. Malamang ka-edad ito nina Leavy. May salamin siya pero sexy at maganda siya. Parang pamilyar yung ngisi niya pero di ko alam kung saan banda ko siya nakita. Mukhang hindi maganda yung kutob ko sa babaeng 'to.

"Hinahanap mo si Leavy?"seryoso ngunit may tono na humihikayat na lamunin ako ng buhay. OMG! Ano na ang isasagot ko sa babaeng ito! Oh please! Tapos na po ang holloween kaya wala nang takutan please lang! At huwag na huwag kang lilitaw Sadaku kundi baka magtambling ako sa harapan ng seryosong dalagitang ito!

"Anong alam mo tungkol kay Leavy? Bakit mo siya kilala?"sunod-sunod kong naitanong pero ngumisi lang ito. Hindi ko na talaga keri bels ang nangyayari dito! Nagpro-produce na naman ata ng cortisol ang katawan ko! Echos!

Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni mama? I'm sure pinahahanap na ako sa mga pulis o nagsumbong na siya sa radyo. O kaya naman nagpapahayag na siya sa TV Patrol o sa 24 Oras! Go mama! Hanapin niyo ko! Hide and seek tayo!

--------------------------------------

Mrs. Windy's POV

Hay, ang sarap talaga maging kasali sa AlDub Nation.

Kinuha ko agad yung cellphone ko habang pinapatay yung paa ko sa sofa.

Naalala ko nga pala!

.

.

.

.

.

.

.

.

Ilan na kaya yung tweets ng AlDub?

Makapag-twitter nga!

(A/n: Akala niyo naalala niya si Rainy noh! Huli kayo! Hahaha!)

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon