Chapter 21:Wind vs Sound-The Sign

3.3K 189 4
                                    


Third Person's POV

Sa mga oras na nahimatay si Thea ay idinala siya agad nina Steelion at Shawn sa clinic.

Pero lingid don ay balikan naman natin ang susunod na maglalaban.

"Second pair. Please step at the middle of the field!"sabi ng MC.

At ayun nga sina Aria at Soundy...

"Ikaw pala ang anak ni god Ariano?"tanong ni Soundy at tumango naman tong si Aria.

'Mahirap maki-FC noh!'yan ang naglalaro sa isipan ni Aria sa mga oras na nagtatanong si Aria.

"Get ready! Fight!"pagkasabi iyon ng MC ay kumaripas na agad ng takbo si Soundy para atakehin si Aria using physical attacks ngunit sing bilis ng hanging habagat na iniwasan ni Aria ang lahat ng atake ni Soundy. Nung naramdaman ni Aria na nanghihina na si Soundy ay lumipad na ito sa ere at nagpatama ng mga air blades pero pumalakpak si Soundy ng isang beses at nagkaroon ng napakalakas na sound waves at tumagos lang ang ginawang air blades ni Aria. Nagulat si Aria sa nangyari dahil unang-una ay hindi niya pa alam ang kakayahan ni Soundy.

'Sound user pala siya. Now I know'sabi ni Aria sa kanyang sarili. Iwinasiwas ni Aria ang isa niyang kamay at may nabuong ipo-ipo na may kasama pang mga wind blade. Napakalakas ng ipo-ipo na yun dahil lahat ng nahahatak nito ay siguradong namamatay dahil matutulis at nakakamatay ang wind blades na inilagay ni Aria. Noong papunta na sa direksyon ni Soundy ang ipo-ipo ay muntik na itong lamunin pero tumakbo ng mabilis ang dalaga pero hindi ito sapat upang iwasan ang ipo-ipo kaya nagalusan siya. Nagalit si Soundy dahil sa pagkakasugat niya kaya sumigaw siya ng napakalakas, halos masira na ang iyong ear drums mo kapag nandoon ka sa field, buti na lang at nandito lang akong nagnanarate at kung nagkataon na nandoon ako eh sana kanina pa ako nagplaplanking sa gitna ng field dahil sa sobrang lakas ng sound waves na ginawa ni Soundy. Wag masyadong malakas, Soundy!

Hindi pa nakontento si Soundy sa ginawa niya at pumalakpak siya ng marami at malakas pero ang nakakagulat lang dito ay may itim na usok na dumadaloy sa bawat wave na makikita ng manonood mula sa sound na ginawa ni Soundy. Dahil wind user si Aria ay nakontrol niya ang sound na ginawa ni Soundy kaya hindi masyadong malakas yung atekeng iyon ni Soundy. Wala na din nagawa si Aria kundi magbagong anyo....

"I am Arianna. The daughter of Arianno, the god of wind. The symbol of the highest tornado"

Tuluyan nang nagbagong anyo si Aria. Yung damit niya ay umilaw at unti-unting naging dress na kulay puti na may parang glitters-glitters na kulay puti, ofcourse at yung style naman nang dress niya ay wind designs. Yung rubber shoes niya ay naging 3-inches na hills na may wind designs. Meron siyang wind crown pero tanging wind users lang ang nakakakita nito kaya kapag ibang user ang nakakakita nito ay buhok lang ni Aria na nakawagayway ang nakikita. Bakit ba ang daming kong description tungkol sa pag-tatransform ni Aria?!

"Tsssss..."yan lang ang nasabi ni Soundy.

Hindi ito pinansin ni Aria bagkus nag-cast na lang ang dalaga ng spell...

"Aireies Hericanus"

Pagkasabi non ni Aria ay may tatlong tornado na lumabas mula sa likuran ni Aria, ang pagkakaiba lang nito sa unang ipo-ipo naginawa ni Aria ay umiilaw ang mga tatlong tornado. Papunta na dapat sa direksyon ni Soundy ang ipo-ipo pero may ibinigkas namang spell si Soundy bago siya tuluyang naglaho.

"Mirrus Atake"

Pagkasabi non ni Soundy ay bumalik ang tornado sa kinaroroon ni Aria pero may pagbabago na sa tornado na ginawa ni Aria. Nababalutan na ng itim na usok ang tatlong ipo-ipo. Sinubukang patigilin ni Aria ang ipo-ipo pero wala siyang magawa dahil lahat ng wind blades na ipinupuntirya niya sa ipo-ipo ay tumatagos lang.

May makakapigil pa ba sa itim na tornado?

Mr.G


Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon