Third Person's POV"Fight!"pagkasabi iyon ng MC ay nagpalabas na ng fire balls si Flame at inatake si Timmy pero paulit-ulit niya lang itong inilagan. Nailagan lahat ni Timmy ang lahat ng atake ni Flame dahil sa bawat pagpunta ng fire balls sa direksyon niya at pinapatagal niya ang oras upang mailagan ito. Inilabas naman ni Flame ang kanyang Geophes na Magnus sword at iwinasiwas ito kay Timmy. Sa bawat pagdapo ng sword ng kung ano man ang matatamaan nito ay nagiging abo kaya magiingat ng husto si Timmy kung ayaw niyang maging abo. Nagcast naman ng spell si Timmy for his turn...
"Tik Tok Lock"
Pagkasabi iyon ni Timmy ay naestatwa na lang si Flame sa kinatatayuan niya. Ito na ang tyansa ng binata upang umatake.
"Time Fatus"
Nung sinabi ni Timmy iyon ay nagkaroon ng bilog na linya na pumapaligid kay Flame at unti-unti itong nagiging masikip kaya nasasakal na si Flame. Pero nung mawalan na ng hininga si Flame ay bigla na lamang itong naging usok.
'Hindi pala siya ang totoong Flame, clone lang pala. Bwisit!'yan ang nasa isipan ng binata sa mga oras na iyon. Nagulat na lang si Timmy noong biglang lumindol sa kinatatayuan niya at nagkaroon ng bitak-bitak na mga bato at may lumabas na magma.
"Volcanus Magnus!"
Nung sinabi iyon ni Flame ay may apoy na lumabas naman mula sa lupa at hindi naman nakaiwas si Timmy sa atekeng ginawa ni Flame dahil sa bilis ng nangyayari.
"Aray!"sigaw ni Timmy dahil sa sobrang sakit ng apoy. Sa sobrang sakit ay napaluhod siya.
"I think I won this match."mahanging sinabi ni Flame.
Galit na galit si Timmy dahil alam niyang mas malakas ang isang ultimate user kaysa sa ordinaryong user lamang. Itinutok naman ni Flame ang magnus sword niya kay Timmy.
'Katapusan ko na ata'yan na lang ang naiisip ni Timmy.
.
.
.
.
Sa mga oras na iyon ay tumigil pansamantala ang mundo. Si Timmy lang ang gumagalaw.'Anak'may narinig si Timmy na boses sa kalawakan.
"Sino ka?"nanghihinang tanong ni Timmy habang inililibot niya ang kanyang mata sa field. Puro estatwa ang nakikita ng binata, walang gumagalaw pwera sa kanya.
---------------------------------
Timmy's POV
Hindi ko na talaga ma-define ang nangyayari sa araw na to. Hindi ko rin alam kung bakit tumigil ang oras eh hindi ko naman pinatigil ang oras. Weird
"Ako si Zhueos(Zoes), the Lord of Majestia world."pagpapakilala nito. Hindi ko pa makita ang mukha niya dahil boses lang ang naririnig ko.
"Ikaw po ba ang nagpatigil sa oras?"tanong ni Timmy habang pinipilit na tumayo pero bigo naman siya.
Walang sumagot.
Third Person---------
(Pero mula sa itaas ay may lumiwanag. Anak lang ng Panginoon ang nakakaaninag. Mula sa misteryong hindi natutuklasan kahit nino. Panginoon ng Majestia ay nagparamdam sa wakas sa kanyang ANAK.)
Timmy-------------
Unti-unting bumaba ang isang lalake na parang Jesus Christ ang dating dahil puro puti ang suot at nakakasilaw ang kanyang presence.
"Mula ngayon ay ikaw na ang pinakamalakas na nilalang dito sa Majestia world anak."sabi ng lalake na tatay ko daw. Akala ko ba patay na ang tatay ko? Sa mga oras na iyon ay parang may pumapasok sa katawan ko. Naramdaman ko ang kakaibang lakas at unti-unti nang nawawala ang mga sugat na natamo ko.
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasyThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...