Chapter 11:The Time User

5K 274 12
                                    

Leavy's POV

3:58.....

3:59......

4:0------

"Leavy!"boses ng babae.

"Oras na ng pagbangon!"sigaw naman ng isa pang babae.

Hindi ko sila pinansin.

"Leavy!"

"Ano ba--------"hindi ko na natapos ang pagsasalita nung may naramdaman akong malamig na tubig.

Bumangon ako agad.

Pati ba naman dito?!

"Good morning Leavy!"sabi ni Flame.

"Good morning din."it's me.

"Nasa baba na sina Steelion at yung iba pa."sabi naman ni Aria.

"Oh...magbihis ka na Leavy. Sorry kung tinapunan kita ng malamig na tubig ha? Ang hirap mo kasing gisingin."it's Thea.

"Alam ko yun. Yun nga ang ginagamit ni ate kapag mahirap akong gisingin eh."sabi ko tapos parang naiiyak ako.

Nakakamiss sina ate eh...

Mamimiss ko talaga ang mga nakakaloka niya jokes at isama mo pa yung nakakaloka niyang boses!

Hindi ko naman sinasabi na hindi maganda ang boses ni ate pero yung intonation lang kasi niya sa pagsasalita.

Nakakatawa!

Para nga akong baliw eh.

Parang naiiyak na natatawa ako kapag naiisip ko sila.

Naiiyak dahil namimiss ko sila at natatawa dahil sa nakakaloka kong ate....

"Ohhh...Leavy....Bakit parang naiiyak ka ata?"tanong ni Aria.

Actually tatlo lang sila na nandito.

Si Aria, Thea at si Flame.

"Naalala ko lang kasi si ate at si mama.*sniff"it's me.

Pinahid naman ni Aria.

"Wag kang mag-aalala. Magiging Okey din ang lahat." Sabi naman ni Thea.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan kong umagos ang luha ko mula sa mata ko.....

.

.

.

.

Pagkatapos kong umiyak ay bumaba na sina Aria at Thea.

So si Flame lang ang natira.

Nagbihis muna ako sa banyo and dahil puro green ang damit ko sa closet ay as green na lang ang sinuot ko.

Kahit ayaw ko man o gusto eh green pa rin ang isusuot ko.

I like green naman ehh....

Favorite color ko kaya yan!

"So hows your life in Majestia university?"biglaang tanong ni Flame pagkatapos kong lumabas sa banyo.

"Okey lang naman."sagot ko.

"Is that so?"it's Flame.

"Akala ko kasi magiging okey ang lahat dahil makakasama ko ang mga kapwa ko users ay matatakasan ko na ang mga bullies na umaapi sa akin pero hindi pala."sabi ko tapos naalala ko na naman ang mga masamang nangyari sa akin sa Majestia University.

Yung pagpapahiya sa akin ng TATLO sa gitna ng field. Yung pagbuhos sa akin ni Shawy ng maduming tubig sa harapan ng mataming tao.

Nakakalungkot lang isipin na ang kawpa nilang user ay ginagawan nila ng masama.

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon