Leavy's POV
Nagpaalam muna ako kay Timmy at kay Luke, kinurot ko nga ang pisngi niya bago ako umalis eh. At yung masungit naman na si Vina ay patuloy pa rin sa pangiirap sa akin. What's with her? Ano na naman ba ang nagawa kong mali?
"Sige Timmy, alis na ako. Pakisabi na lang sa mama mo na salamat na din sa pagpasok ko sa bahay ninyo."wika ko. Hindi ko naman kasi nakita yung mama niya sa una pa lang na pumasok sa 'mansion' nila.
"Mom doesn't know everything about this."medyo mahina-hinang sagot ni Timmy. Eto talagang lalakeng 'to! Nagdedesisyon agad nang hindi man lang sinasabi sa mama niya!
"Tsssss...."
Napagalaman ko rin na kaya pala pinuputol ni Timmy ang ilan sa mga gustong sabihin ng mama niya noong unang magkita kami ay, palagi pala niya akong binabanggit sa mga kwento niya sa eskwela. Ang nakakasaya lang isipin na ang suplado at hindi marunong makihalubilo sa mga alipin niya eh ngayon ay puro dada na sa mga nangyayari ukol sa akin, ukol sa asaran namin. Atleast naging mas friendly siya dahil sa mga ikwinwkwento niya ukol sa akin. Kaya pala napansin ko na hindi na masyado nagsusungit si Timmy pag kasama ko siya eh, at stable lang siya. Lokong Timmy'ng iyong! Ano na naman kaya ang ikwinwkwento niya tungkol sa akin? It better be good or else ilalantad ko yung pinakasekreto niya! May paBarney-Barney pa kasi siyang nalalaman eh!
Agad akong nagpatubo ng halaman sa labas ng mansion nila at pumasok doon. Ito ay ang paraan ng pagpunta ng isang nature user sa isang lugar, teleportation kumbaga.
***
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si ate at si Thea na pilit pinapatay ang apoy na namumuo sa katawan ni Flame. Hindi dapat malaman ng mga kapit-bahay namin na may kapangyarihan kami kundi patay kami.
"Flame!"sigaw ko habang papunta sa direksyon niya. OA naman ata niyang mag-aalala sa akin. Tumingin naman siya sa kung na saan ako at doon na tuluyang humupa ang nagbabagang apoy na namunuo sa katawan niya, thanks to ate and Thea, water user kasi sila eh kaya weakness nito ay apoy. Nakita ko pa yung cellphone ni mama na sunog, totally and definitely si Flame ang gumawa nito.
"Leavy?"wika ni Flame tapos tumakbo siya papunta sa direksyon ko at niyakap.
"Nag-alala ako sayo."mahina-hinahong ungot ni Flame. Naiintindihan ko naman siya eh pero hindi naman ata husto na magalit siya ng ganong ka sobra dahil sa akin.
"Saan ka ba nanggaling, Leavy? Kaloka ka! Todo hanap naman 'tong manliligaw mo."biglang naitanong ni ate. Ano kaya ang pwedeng maipalusot, hindi kasi pwedeng sabihin ko ang totoo kasi baka may mabuong rebelasyon sa pagitan ni Flame at Timmy. Baka ako na naman ang maging dahilan ng kaguluhan 'pag nagkataon.
"Ah... Niyaya kasi ako ni tita Khianna na magpalipas muna sa school dahil...... Marami pa kaming pag-uusapan. Alam mo niyo na.... Ngayon lang kaming magkita."pagpapalusot ko sabay 'cross arms' nang palihim.
Magsasalita pa sana si ate Rainy pero may biglang sumulpot na makapal na usok mula sa bintana namin at nagfo-form ng isang babae. Alam niyo naman kung sino ang nag-iisang nakakapag-manipulate ng ganito di ba? Calamity?
"Leavy..."bungad niya at tuluyan ko nang naaninag ang mukha niya.
.
.
.
.
.
Si Tita Khianna....
Mr.G
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasyThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...