Chapter 20:Nature vs Water-The Guardian

3.7K 218 5
                                    

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Picture po ni Cronus ay nasa side.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Fight!"pagkasabi iyon ng MC ay agad na nagbalabas ng water spikes si Thea at ipinuntirya ito sa direksyon ni Leavy. Nagulat ang dalaga sa biglaang pag-atake ni Thea kaya hindi niya agad nagawang iwasan ang taktika.

So, ang kalalabasan ay nagalusan si Leavy pero konti lang naman pero nagpatubo siya ng halaman na magpapagaling sa sugat niya. Herbal medicine kumbaga. Hindi namalayan ng dalaga na sa pagpapatubo niya ng halaman ay gumagawa si Thea ng weapons na gawa sa tubig. Pero dahil hindi na hahayaan ni Leavy na bumaba pa ang depensa niya ay nagtransform na ito....

"I am Leavy Graise. The daughter of Gaia, the goddess of nature. The symbol of the Natural Forest!"

At ayun nga nagtransform si Leavy in original form. Naka hills na siya ngayon na may dress na puno ng mga iba't ibang bulaklak at may floral crown pa siya. Yung trifosana wand niya naman ay lumabas mula sa bag niya na parang kabute at pumunta sa direksyon ng dalaga na agad namang hinawakan ni Leavy.

Isa-isa niyang itinaas ang kamay niya. Left then Right. May nagsprinkle sa bandang kaliwa at kanan ng dalaga at nagulat na lang ang mga manonood noong may nabuong pakpak na gawa sa mga bulaklak sa likod ni Leavy. Mula kasi noong bumalik sila sa mundo ng mga tao ay hinanap niya ang mahiwagang libro mula sa cabinet na regalo daw ni goddess Gaia at pinag-aralan ng husto. Nerd yan eh!

Nandito nga pala yung head ng PYSCHIC department at HERO department. Alam na kasi ng mga users na anak ng isang diyosa si Leavy kaya hindi sila masyadong nagulat sa pagbabagong anyo ng ating bida.

Wala na ring nagawa si Thea kundi magtransform, ikinagulat ng lahat ang biglaang pagbabagong anyo ni Thea dahil hindi naman sila gaano ka-inform kay Thea. Hindi pa lahat sila ay nakakaalam na anak rin si Thea ng isang diyosa. Remember, kapupunta lang nila Thea in Majestia university last time!

"I am Walthea. The daughter of Agua, the goddess of water. The symbol of the great flood."

Tuluyan ng nagbago ang anyo ni Thea. Naka hills na siya na may coral reefs pa na design. May oceanic crown pa siya na gawa sa mga iba't ibang uri ng shell. Yung damit niya naman ay may glitters-glitters pa na kulay asul syempre. Yung kaliwa at kanang bahagi ng damit naman ni Thea ay may namuong palikpik na napakamakulay.

"Looks like we have a battle between two ultimate users!"sigaw ng MC. Nakakagulat din ang isang to noh! Bigla-bigla na lang nagsasalita sa gitna ng aking pagnanarate?

Mula sa kaliwa ni Thea ay may nag-form na pana. Gaya ni Leavy na may trifosana wand ay may seanica arch rin si Thea, ang tawag dito ay 'Geophes'(Geofes) o isang sandatang ipinamana ng isang diyos o diyosa sa kanyang anak.

Isa-isang nagpatama si Thea ng arrow mula sa pana niya pero iniiwasan naman ito ni Leavy. Ang nakakagulat lang ay sa bawat pagdagsa ng arrow sa kung ano man ang dadapuin nito ay bigla-bigla na lang itong nagsasabog ng mga malalakas na pwersa ng tubig.

Wala ng nagawa si Leavy kundi tawagin ang kanyang guardian. Ang guardian niya kung natatandaan niyo ay yung malaking deer, in-explain na din ni mama Gaia kay Leavy tungkol dito noong nasa Ñeopaleo na lamang sila.

"Grapheonomeny Grasemonphythecomapety Naturalisa!"mahabang pag-cacast ng spell ni Leavy.

'Ang sakit sa hyphotalamus!'yan ang nasa isip ni Leavy sa mga oras na iyon.

Mula sa taas ay may malaking deer na may mga mahahabang buhok ang dumating. Napakahinhin nitong maglakad na para bang pang grand entrace ang dadaanan, pero hello? Nandito tayo sa isang labanan! Hoy balbon! Umayos ka nga!

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo binibining Leavy?"tanong nito. May kanya-kanyang Guardian ang mga anak ng mga gods at goddesses, at si Cronus naman ang Guardian ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"tanong ni Leavy, kasi last time na nagkita sila ay nawala na lang ito without saying any information about it.

"Ako si Cronus binibining Leavy."sagot nito.

"Tapos na ba ang chikahan diyan?!"sigaw ni Thea.

'Wait lang te! Excited?!'yan sana ang sasabihin ni Leavy pero nahihiya lamang siya.

"Cronus ikaw na muna ang magsisilbing depensa ko sa pag-atake ko kay Thea. Okey?"

"Masusunod binibining Leavy."

Lumipad si Leavy gamit ang pakpak niya at nagpatubo ng mga puno at ipinuntirya niya ito kay Thea pero gumawa lang si Thea ng water barrier upang maprotektahan ang kanyang sarili.

"Litus Flora"

Pagkasabi ni Leavy non ay may lumabas na floral blades na umiilaw mula sa pakpak niya at ipinunta ito sa direksyon ni Thea pero muli ay gumawa si Thea ng barrier na gawa sa tubig ngunit hindi ito sapat para madepensahan ang floral blades na ginawa ni Leavy.

Nagalusan si Thea pero ginamot niya naman ito pero habang ginagamot niya ang sugat niya ay umatake na agad si Leavy.

Itinarget ni Leavy si Thea gamit ang kanyang trifosana wand at may nabuong vines na pumapaligid kay Thea at hinampas-hampas ng vines si Thea. Umusok naman ang field dahil sa lakas ng paghampas kaya karamihan sa kanila ay walang nakakita sa nangyari kay Thea, pati si Leavy hindi rin niya nakita.

Nagpatubo naman si Leavy ng mga malalapad na dahon at ipinamaypay ito sa usok para mas mapadali ang pagkawala nito.

Noong naaninag ni Leavy ang dating pwesto ni Thea ay wala na ito.

"Cronus, alam mo ba kung nasaan si Thea?"tanong ng dalaga.

Hindi sumagot si Cronus bagkus tinitingnan lang nito ang kalawakan.

'Nice talking'yan ang nasa isip ni Leavy sa mga oras na iyon.

"Spherus Aguas!"sigaw ni Thea mula sa itaas at nagpalabas ng pagkalaki-laking water sphere at ipinatama ito sa kinaroroonan ni Leavy pero hinarangan ito ni Cronus gamit ang malapad na sungay niya.

"Thanks."

Tumango naman si Cronus at bigla na lang nawala.

'Iniwan niya na naman ako? Aist!'yan ang iniisip ni Leavy sa paglisan sa kanya ni Cronus.

"Grapheonama Aromanius!"pagcacast ng spell ni Leavy at biglang umulan ng malalaking leaf blades na umiilaw.

Natamaan si Thea ng pagkarami-raming blades at hindi niya ito naiwasan dahil sa mga sugat na hindi niya nagamot kanina.

Unti-unti nang natumba mula sa kinatatayuan si Thea.

May epekto rin ang spell na iyon sa mga water user...

Paralization....

"The winner for the first match is Leavy Graise the ultimate nature user from the PSYCHIC department!"

'I can't believe I won'yan ang iniisip ng dalaga sa mga oras na iyon.

Mr.G



Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon