Chapter 43:Proclamation

1.8K 107 6
                                    

Leavy's POV

Pagdating namin sa Royal Court ay nakita kong mukhang kami na lang ang hinihintay nila. Mukhang na-taken away ako masyado sa sinabi ni mama na lahat daw ng gagawin ko ay 'Grand'!

Doon naka-upo ang lahat ng mga hari at reyna ng bawat kaharian. Ang hari ng tubig, apoy, bakal, nyebe, kidlat, hangin, lupa at syempre ang kalikasan.

Nakita ko pa sina Queen Flora at King Neutor na naka-upo sa may flag na may simbolo ng kalikasan.

Pinag-usapan nila yung about sa throne ko bilang prinsesa at tungkol naman kay Timmy ay hinirang siya bilang pinakamalakas na user dito sa Majestia World dahil sa napatunayang siya ang anak ni Lord Zhueos. Wala naman angal dito ang mama ni Timmy.

Namangha naman ako sa napakaseryoso at mala-Miriam Defensor Santiago'ng pagsasalita habang patuloy ang pagpupulong. Grabe ang transformation ni mama ah!

"Are you sure that people from the human world didn't saw Princess Leavy's powers, duchess Windy?"tanong ng Queen ng Fire Kingdom.

"Yes Queen Flare, I always come here to give some details to King Khalilio on how Princess Leavy's life was going."sagot ni mama. So, that means palagi palang dumdalaw dito si mama? Akalain mong may ganon kaseryosong parte pala si mama?

"That's right and if there's no more question this meeting is adjourned."sabi ni papa at lahat-lahat na ng mga reyna at hari ay tumayo na at nagsilabasan na. Kami lang nina Timmy, ang mama niya, si papa at si mama ang natira dito.

"Pa? Sinasabi po ba sa iyo ni mama ang lahat tungkol sa akin habang lumalaki ako?"tanong ko kay papa.

"Oo naman."sagot naman ni papa.

"Eh, may nagsasabi rin ba sa iyo sa mga nangyayari sa akin sa Majestia University?"tanong ko pa.

"Oo. Lalake at babae sila. Malaki ang utang na loob sa akin ng pamilya ng dalawang user na iyon kaya agad silang pumayag sa aking kondisyon na subaybayan ka."sumagot ulit si papa nang walang pagaalinlangan.

"Eh sino po ba sila?"tinanong ko si papa muli.

"Kilala mo sila. Huwag kang mag-aalala dahil sila na rin mismo ang magsasabi sa iyo na sila ang pinadala ko upang subaybayan ka. Yun kasi ang kondisyon nila bago sila pumayag sa aking kahilingan."sagot na naman ni papa.

"Ahhh... Ganon po ba?"

"Oo..."

"Anak, tara na."pagtatawag sa akin ni papa sabay hawak sa aking kamay at pinakakiramdaman ito.

Nauna na sina Timmy at mama sa balcony. Doon daw sa balcony igagawad sa akin ang aking trono para maging ganap na prinsesa ng Majestia World at kay Timmy naman ay ipapakilala siya bilang ang anak ni Lord Zhueos.

Sa sinabing iyon ni papa ay naglakad na kami papuntang balcony at doon ko na nakita ang kabuuan ng mga users at mga readers na dumalo sa aking Grand Welcome. Halos lahat ata ng mga users sa iba't ibang kaharian ay nandito na. Isama mo ang sandamakmak na mga users na inimbita ni Mr.G na makikidalo. May musika akong narinig habang papunta kami sa balcony. Mukhang nagsasaya sila doon sa labas.

Hanggang sa matahak namin ang balcony ni papa ay may tumunog nang mga trumpeta. Nakaupo ang hari't reyna ng kaharian ng apoy, hangin, lupa at kalikasan sa kaliwang bahagi ng balcony at ang hari at reyna naman ng nyebe, kidlat, bakal at tubig naman sa kanan na bahagi ng balcony. Syempre kasama ba nila ang mga anak nila, that means nandito na si Prince Sneef. Sina Timmy at mama naman ay nasa likod lang namin.

Malawak ang espasyo nitong balcony, mga sasakupin niya ang isang malaking kwarto.

"Magandang hapon sa ating lahat."panimula ni papa.

"Gusto ko lang ipakilala ang anak ni Lord Zhueos, si Timmy Zeus."pagkasabi iyon ni papaya ay nagpalakpakan agad ang mga madla people. Yung iba pa ay nagbulungan. Akala nila siguro isang alamat lang ang anak ni Lord Zhueos.

"And finally, my long waited coming of my daughter. Meet my very beautiful daughter, Princess Leavy Graise Majesty."napatigil naman ako sa ginamit na huling pangalan sa akin ni papa. Pero kahit ayaw ko man o gusto iyon pa rin ang gagamitin nilang pelyedo ko simula ngayon. Hindi lang kasi ako sanay.

Tumunog ulit ang mga trumpeta.

Umupo muna kami sa pinakaginta ng balcony.

Tinabihan ko muna si mama. Naalala ko na may importante pala akong itatanong sa kanya.

"Ma?"tawag ko sa kanya.

"Bakit Princess Leavy?"respunde niya sa aking pagtatawag.

"Ahmmm. Nakita niyo po ba si tita Khianna?"tanong ko sabay kita sa paligid.

"Ahh hindi eh. Kanina ko pa siya hinihintay dahil kami dapat ang mago-organize nitong Grand Welcome mo."sagot ni mama.

"You mean noong naka-uwi na kami sa bahay ay hindi mo pa siya nakikita?"gulat kong tinanong at napatingin naman sa akin si papa tapos nakita kong tumango na takang-taka si mama.

OH MY GOSH! Nasaan ka na tita? Kasi sabi niya, she'll be in Majestia Palace before we knew it eh!

Matanong nga si papa.

"P------"sa una pa lang na letra ay napatigil na ako dahil sa biglaang pagtunog ng trumpeta.

May babae na pumunta sa harapan namin ni papa at may ibinigay na isang makintab na makintab na korona.

"Stand up my daughter."ang sabi ni papa at sumunod naman ako. Hindi pa rin ako mapakali sa nalaman ko kanina.

Hinawakan ni papa ang korona at nagsalita.

"I know announce that Leavy Graise Elecian is now official the princess of Majestia World."sabi ni papa tapos itinaas ang korona at otomatikong nagpalakpakan ang lahat ng mga madlang people.

Pero hindi pa rin ako mapakali na halos hindi na ako makangiti sa sinabi ni papa. Para pang nai-slow motion pa ang lahat.

Wala pa si tita Khianna.

Wala pa siya.

(Ibinababa na ni papa ang korona sa aking ulo)

Nakita kong umiitim ang kalangitan ngunit ako lang ata ang nakakakita dahil lahat ng atensyon ng mga users at bisita ay nakatutok sa akin.

Kung wala pa si tita hanggang ngayon, maaaring-------

*Shhhookk!*

(Hindi pa man naisusuot ni papa ang korona sa akin ay may naramdaman akong tumama sa akin at unti-unti akong nawalan ng malay)

Huli kong nakita ang mukha ng isang lalake at babae na naka-itim na ngumingisi pa na parang demonyo.

Kilala ko sila.

Kilalang-kilala ko siya.

Sana pala nilayuan ko siya noong una pa lamang.

Bakit nila nagawa sa akin 'to?

----------------------------------

Someone's POV

The real twist has begun...

Mr.G

Majestia University: The School For Supernatural BeingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon