Leavy's POV
Sa dinami-dami ng mga pwedeng pagkaabalahan sa mundo, I didn't think na dito pa siya nalulong.
Dito sa pambata na karakter....
Kinakanta-kanta ko pa noong bata pa ako yung kinanta niya na "I love you, you love me, we are happy family...." And so on kasi hindi ko na matandaan yung susunod.
Akalain mo? Campus heartrob, tapos puno ng Barney collection ang kwarto?
"OMG!"napasigaw na lang ako sa mga sandamakmak na Barney collection na nasa harapan ko ngayon. At yung mukha ni Timmy ay...
"0o0"ganyan. Nagulat kasi siya dahil bigla ko na lang binuksan yung kurtina. "F*ck..."napamura na lamang si Timmy ng mahina.
"Mahilig ka sa Barney?!"pasigaw kong iniwika. I can't stop my laughs inside my mind. Iniisip ko pa lang na mahilig siya sa Barney ay natatawa na ako, pinipigilan ko nga lang. Mahirap na baka maging nakakatakot na dragon siya!
His shocked face leaded him into sarcastically speaking.
"Bakit? Hindi ba obvious?"sarkastiko niyang kumento.
"Obvious naman pero... Hindi ko lang ito ine-expect sa isang user na katulad mo."pagpapaliwanag ko.
"Tsssss...."
---------------------------------
Timmy's POV
Ay bwisit! Kung alam ko lang na bubuksan ni Leavy yung kurtina sana hindi ako napahiya. Sa mga oras na ito ay parang nakakalimutan ko na may kapangyarihan pala ako, pero kapag kasama ko si Leavy ay nabubura ang kaalaman ko sa abilidad ko. Siya lang kasi nakatuon ang mundo ko kapag siya ay kasama ko. Bakit ganito na akong mag-isip? Ganito ba kalala ang epekto sa akin ni Leavy?
Hindi na lang ako nagsalita at pinilit na makatulog. Sh*t! Yung lasa ng gamot! Ang pait!
Pilit kong pinipigilan ang mga pwedeng lumabas sa bunganga ko kasi katabi ko si Leavy, nakakahiya naman kung siya pa ang madaganan nitong dala ng bunganga ko. At ngayon pa ako nahiya ah!
Ahhh!!! Hindi ko na talaga matiis! Wala naman akong sapat na lakas upang dumeretso sa C.R. F*ck lang!
Nandito lang sa tabi ko si Leavy, nakaupo at any time ay makakatulog na.
"Ahdbdbvxjsndbxud"doon ko na ako sumuka. Halos masukaan ko lahat ng damit ko. Sa totoo lang ngayon ko lang 'to na-experience and I must say, HINDI KO ITO GUSTO!
"Yakk! Iww! Naku Timmy naman eh! Sana sinabi mo na lang na nasusuka ka!"ani ni Leavy. Siya pa talaga ang nadidiri ha? Hindi ba dapat ako muna ang mandiri bago siya?
Hindi na lang ako umimik dahil pinipigilan ko ang diri ko sa kasalukuyang nangyayari.
"Ano nang gagawin natin diyan?"tanong ni Leavy at dahil pagod akong maglakad patungong C.R. ay ang nasabi ko na lang ay..............
"Bihisan mo ako."
----------------------------------
Leavy's POV
Huh? Totoo ba ang narinig ko?
Oh my.... Bihisan ko siya?
"Hu-huh?"naiilang kong tanong with matching kunot ng noo pa.
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasyThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...