Timmy's POV
Habang abala ang lahat sa kakatitig kay Jackie pwera si Principal Khianna na ngayon ay nagmumuni-muni, biglang nagsalita si Leavy....
"Talaga? Eh di magiging mabilis na ang paghahanap natin sa bato. Yehey!"
"Tssss..."-ako.
Parang bakla mang isipin pero napansin ko these days ay nagiging bipolar na ako, maybe kay Leavy lang. Sometimes nagiging mabait, sometimes rin nagiging palabata at nagiging rude. Pero who cares basta gwapo ako! Muhahaha!
Aaminin ko na bumait ako noong nalaman kong anak pala siya ng isang diyosa pero na-realize ko na si Leavy pa rin siya. Yung babaeng naging biktima ko ng pang-gu-good time. Mas prumesko din ako nang malaman ko na anak pala ako ni Zhueos. Hindi ako marunong gumalang eh! May angal ka?
Yung kiss na ginawa ko noong laban namin ni pareng Flame? Wala yun! Akala ko kasi.... Kasi.... Kasi... Ano ba?... Kasi wala! Wala lang! Trip ko lang manghalik, kahit na first kiss ko iyon mula sa isang babae! Wala kayong pake!
Pagkatapos ng pagpapakilala at kwetu-kwentohan naming lahat nina Jackie ay kusa na siyang tumayo. Ang astig nga ng kapangyarihan niya, may tubig na, may lupa pa. San ka pa?
"Ang mahiwagang bato ay matatagpuan sa pinakamataas na templo na may nakaukit na V sa bawat poste nito. Tara na at baka maabutan pa tayo ng dilim."sabi ni Jackie tapos pinunasan yung mga tira niyang luha. Sa totoo lang eh hindi mo talaga maiisip na halimaw siya dahil sa angkin niyang ganda. Pero hindi ko siya gusto!
Sabay-sabay na kaming tumayo at lumukso sa kung saan mang bahagi ang tatahakin ni Jackie.
--------------------------------------
Third Person's POV
Habang naglalakad ang ating mga bida ay bigla na lamang may tumunog.
Hindi ito halimaw.
Hindi rin kakaibang nilalang.
At mas lalong hindi nanggaling kay Rainy na di ko na alam kung saang lupalop na napunta!
"Ops."wika ni Leavy habang pinapahid yung tiyan niya, hudyat na gutom na ang dalaga.
"Mukhang hihinto muna tayo, just for awhile."parang yan ang naging kasagutan ni Principal Khianna sa pagtunog ng tiyan ni Leavy. Naku, naku, naku! 'Tong batang talagang 'to! Hindi na natiis ng digestive system niya ang pagkagutom!
Nag-stand by muna sila sa isang malaking puno at kumuha muna sa Jackie ng makakain nila.
Habang naghihintay silang lahat sa pagdating ni Jackie ay bigla na namang tumunog yung tiyan ni Leavy.
"Haist. Anu ba yan?"iritadong ibinanggit ni Timmy at narinig naman ito ni Flame kaya may kung anong irritating cells ang dumapo sa kanyang katawan. Uminit pa bigla ang paligid. Hindi na ata titigil ang rebelasyon sa pagitan nilang dalawa! Pati ako wala nang maisip na susunod na mangyayari! Hano ba 'to?
Hanggang sa dumating si Jackie na may dala-dalang pagkain at natakam naman si Leavy dahil sa nasilayan niya ito.
***
Pagkatapos nilang kumain ay nagpatuloy na silang lahat sa paglalakbay. Hindi labis maisip ni Leavy kung bakit ganon na ka-init ang pakikitungo ni Flame kapag kasama niya si Timmy. Dati-dati naman ay sweet at mabait siya pero bigla na lamang itong nagbago. Sometimes iniisip niya na baka ito daw ay epekto ng climate change o di kaya'y green house effect o deforestationing, basta hindi daw niya maeksplika yung mga nakakapanibagong pinapakita ni Flame sa kanya.
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasyThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...