Leavy's POV
"Kringgggggggg!"
Bigla akong natauhan sa pagtunog ng aking cellphone. Grabe naman kasing mang-hot seat si Timmy. Pero sa seryosong parte, maghahalikan nga ba kami kapag hindi dumating si Luke? Ang hirap namang sagutin!
Dagli-dagli kong dinukot yung cellphone ko mula sa bag ko.
(a/n: Kung hindi niyo alam kung saang parte ng mundo ang kinaroroonan nina Leavy ay simply nasa mundo ng mga tao lang sila kaya walang magical na nakita si Leavy sa bahay nina Timmy.)
Noong nakita ko yung tumatawag. Lumaki ang aking mga mata. Am I that too long to take care of Timmy? Na nagsleep-over pa ako sa bahay nila? Hindi pa nga ako nakapagpaalam kay mama eh! Ano kaya ang magiging reaksyon nila?
Tinignan ko muna si Timmy at sinagot naman niya ang pagtingin ko ng pagtango. Agad ko namang sinagot yung tumatawag. Si mama.
Ako: Hel---
Naputol ang pambungad na salita ko dahil may nagsalita agad.
Mama: Ay jusko po! Salamat! Akala namin nabiktima ka ng mga budol-budol gang sa kalsada anak. Sinong kasama mo? Nasaan ka? Saan ka nanggaling?!
Ako: Ma! Okey lang po ako! OA?... Kung hinanap niyo ko ma, bakit ngayon lang kayo tumawag? Hindi ba dapat noong una pa ay tinawagan niyo na po ako?
Mama: Sorry naman! Nag-aalala lang naman ang maganda mong nanay sa'yo no!... Alam mo naman ako, kapag naiis-stress nagiging makakalimutin, baka epekto lang yan ng kagandahan anak! Balang araw maiintindihan mo rin yan anak! Kasi consintent ang kagandahan natin!
Ako: Kagandahan talaga ang prina-prioritize mo ma ha?
Mama: Oo naman! Anak kaya ako ng Duke ng Majestia world kaya my beauty is blooming like a princess! oh! napapa-english na tuloy ako sa pag-aalala sayo! kaloka kang bata ka!
Ako: Sorry napo ma.... Sorey okey. Sorey!
Mapang-asar kong ibinanggit. Nakakahawa rin kasi ang ka-jologs'an ng nanay ko!
Mama: Maiba ako. Saang banda ka ba ng mundo lumukso anak? Buong araw kaming naghahanap sa iyo, alam mo ba yon? Nagkakawrinkles na din 'tong mukha ko sa stress!
Ako: Ma, nandito po ako ngayon sa bahay nina Timmy. Ina----
Naputol na naman ang pangungusap na sasabihin ko dahil bigla na namang nagsalita ang mala-Miriam Defenssor kong nanay.
Mama: Ay jusko! Kabata-bata niyo pa para sa ganyan! Anak walang magandang patutunguhan ang ganyan!
Ako: Ma! Hindi niyo pa ako pinapatapos eh! Syempre hindi ko pa isusuko ang bataan! Ano ka ba ma!
Napasigaw na rin ako sa kadaldalang ibinabahagi sa akin ni mama.
Mama: O-okey...
Buti naman at medyo kumalma na si mama.
Ako: Okey, yun ngang sinasabi ko na inaalagaan ko si Timmy dahil nagrequest siya na maging pansamantalang nurse niya muna kaya pumayag na lang ako para naman mabawasan yung pang go-good time ko sa kanya noon. Sorry kung hindi po ako nakapagpaalam ma. Ang kulit kasi nung mga kaibigan ni Timmy eh. Wag kayong mag-alala ma dahil walang trahedya o milagrong naganap. OA much?
Mama: Buti naman. Etong manliligaw mo kanina pa nagpapalabas ng mga apoy dahil sa kakahanap sa iyo. Buti na lang at nandito si Rainy at Thea at my 'Flame' resistant kami. Pero ngayon ay at stable na siya, sa katunayan ay tulog na siya eh.
Ate Rainy: Ma? Sino yang kausap mo? Nakiki-chikahan ka naman sa bestfriend mo no?!
Rinig ko ang boses ni ate Rainy.
Mama: Hindi noh! Si Leavy 'to!
Ate Rainy: Si Leavy??!!!
Mama: Tumahimik ka ngang bata ka at baka marinig tayo ni Flame! Magpalabas na naman ng apoy yun!
Flame: Ginang Windy? Si Leavy ba yan? Parang may naririnig ako kanina eh...
Boses ng isang lalake na obvious na si Flame dahil naka type yung pangalan niya sa DIALOGUE. Hehehe. Ano na kaya ang magiging reaksyon ni Flame na nandito ako sa bahay nina Timmy? Oh No! Baka magkagulo na naman dahil sakin. Huwag naman sana.
Mama: Ohhh-o-o
Flame: Le-leavy?!
Sigaw ni Flame na para bang 'end of the world' na bukas. Ganon ba talaga siya ka-caring para sa akin?
Flame: Pahiram naman niyan ginang Windy. Gusto kong makausap si Leavy!
Mukhang nag-iinit na naman ang ulo ni Flame dahil hindi man lang ako nagpaalam sa pagpunta ko sa bahay nina Timmy. Trouble na talaga 'to!
Narinig ko na lang na parang gumalaw ang telepono at parang tinupad naman ni mama yung sinabi ni Flame.
Flame: Leavy?! Asan kana?! Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?! Nag-aalala na ako sayo! An-----
Hindi na naituloy ni Flame ang sasabihin niya dahil.....
Mama & Ate Rainy: Ahhhhh!!!!
Ako: Ma?! Ate?! Ano yun?! Anong nangyayari diyan?!
Huma-hypertension na naman ako dito! Ano ba kasing nangyayari sa bahay?!
Mama & Ate Rainy: Ssuuunnnoooggg!!!!!!!!
Naku! Mukhang hindi lang ako ang nagha-hypertension dito! Pati si Flame! Hindi na ata na-kontrol ang sarili! Kailangan kong pumunta dun ng agaran!
Ako: Ma? Ate? Pupunta na p-----
*toot*toot*toot
I gotta go home quick and I gotta do it NOW.
Mr.G
BINABASA MO ANG
Majestia University: The School For Supernatural Beings
FantasyThis is my first ever fantacy, love, magic at isama mo pa yung nakakasabog ng cerebrum at cerebelum na kapatid ni Leavy na si Rainy! Please be with me until the last part of our journey. You are very free to vote, read and comment. So an...