(3) #MPISDelaCruzUniversity

3K 134 1
                                    

DANIELLE'S POV

Sa wakas at nakarating na rin ako sa papasukin kong school. Halos isang oras akong naglakad para lang makarating dito. Buti nga at di ako naligaw. Oo nga pala, ang pangalan ng school or university na papasukin ko ay Dela Cruz University. Isang eskwelahan para sa mga mayayaman. Oops, hindi po ako mayaman. May kaya lang. Kaya po ako nakapasok dito dahil isa po akong dakilang scholar.


Pumasok na ako sa school at naglibot-libot. Wow! Ang laki naman ng school na 'to. Sana di ako maligaw dito. 


Habang naglalakad ako at nakatingin sa mga rooms ay may nabangga akong isang tao.


"Ano ba tumingin ka naman sa dinadaanan mo." mataray na sabi ng isang babae na parang clown sa dami ng make-up sa mukha niya.


"Sorry." sabi ko sa babaeng mukhang clown.


"CHE!!!" sabi niya sakin sabay walkout. Ang maldita naman niya. 


Naglakad ulit ako para naman hanapin ang bulletin board at i-check kung saang section ako.


Nang makarating ako sa bulletin board ay hinanap ko ang name ko at wala pang isang minuto ay nahanap ko rin yun.



Star Section:

1. William Crawford

2. Fred Dela Cruz

3. Lauren Gomez

4. Ezekiel Willford

5. Princess Danielle Maddren



Star Section ako at kailangan ko pang hanapin ang room na yun. Magtanong kaya ako? 


Tumingin ako sa paligid at may nakita akong isang lalakeng nakatalikod. Lumapit ako sa kanya para magtanong.


"Ahm excuse me..."


Di natuloy ang pagsasalita ko dahil sinigawan niya ako.


"FVCK!!! WHO ARE YOU TO TALK TO ME?" sigaw niya sakin. Wow ha! Ang sakit sa eardrums.


"Ay nevermind na lang." sabi ko sabay talikod. 


"Ang sungit." bulong ko.


"Anong sinabi mo? Hoy! Hindi mo ba ako kilala kung sino ako dito?" sabi niya sakin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.


"Hindi naman kita kilala ah. At wala akong balak na kilalanin ka dahil masungit ka." sabi ko sa kanya na kinainis niya. Eh sa hindi ko naman siya kilala eh.


"Fvck!" pagmumura niya tapos ginulo niya ang buhok niya. Hala! Anong nangyari sa kanya?


"May araw ka rin sakin babae ka." sabi niya sakin. Aba tinatakot ba niya ako? Well hindi ako natatakot sa kanya.


"Aba di kita uurungan." matapang na sabi ko at naglakad na ako. Patuloy pa din ang paghahanap ko sa room ng Star Section.



WELCOME TO FIRST YEAR STAR SECTION



Sa wakas at nahanap ko rin ang room ng Star Section. Pumasok na ako sa room. Pagpasok ko ay wala pang tao. Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa room.


After 5 minutes...


10 minutes...


15 minutes...


So boring. Mag-isa lang ako dito sa room. Asan na kaya ang mga classmate ko?


"YOU AGAIN!!!"


Nagulat ako nang may sumigaw na isang lalake. Putek! Parang pamilyar ang boses na yun ah. 


Napatingin ako sa sumigaw na lalake at nagulat ako nang makita ko ulit siya.


SIYA NA NAMAN?

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon