DANIELLE'S POV
Grabe, ang sakit ng ulo ko.
Bumangon ako pero hindi ko nakayanan. Ang sakit talaga. Di muna ako papasok.
Pinilit kong bumangon sa kama kahit hindi ko kaya at pumunta sa sala.
"Anak, ayos ka lang?" tanong sakin ni Mama.
"Ma, may gamot ka ba dyan para sa headache?" tanong ko kay Mama.
"Wait lang anak, kukunin ko lang." sabi ni Mama at naghanap siya ng gamot sa mini cabinet.
"Ito, inumin mo yan pagkatapos mong kumain." sabi ni Mama sabay abot sakin ang gamot. Kinuha ko kay Mama yung gamot.
EZEKIEL'S POV
"Fvck." inis na napamura si William dito sa shower room. Naliligo kasi kaming tatlo (Ako, William at Fred). Hoy wag kayong green minded, pareho kaming lalake kaya normal lang saming tatlo na maligo nang sabay sa isang shower room. At tsaka naka-trunks naman kami habang naliligo.
"Brad, mag-sorry ka na kasi sa kanya. Syempre masasaktan siya dahil sa sinigawan mo siya." sabi ko kay William. Sinigawan niya kasi kahapon si Danielle kaya nagkakaganyan siya.
"Kung ako ang nasa posisyon ni Princess. Syempre masasaktan ako." sabi ni Fred kay William.
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" sabi samin ni William habang sinasabunan niya ang kanyang katawan.
"Brad, pinagsasabihan ka lang namin. Oo nga pala, hindi pala pumasok si Princess. Di ko alam kung bakit hindi siya pumasok. Kung gusto mo siyang makausap, pumunta ka lang sa..."
Sinabi ni Fred ang address ng bahay ni Princess—este Danielle. Kinuha ni William ang isang towel at lumabas na ng shower room.
DANIELLE'S POV
Danielle sings Porque (Maldita)
Tulala lang saking kwarto at nagmumuni-muni. 🎵🎶🎤
Ang tanong saking sarili san ako nagkamali. 🎵🎶🎤
Bakit sa iyo pa nagkagusto. 🎵🎶🎤
Parang bula ika'y naglaho. 🎵🎶🎤
Bakit ikaw pa ang napili. 🎵🎶🎤
Ngayon ang puso ko ay sawi. 🎵🎶🎤
Kay simple lang ng akong hiling. 🎵🎶🎤
Na nadama mo rin ang pait at pighati. 🎵🎶🎤
Sana'y magmilagro. 🎵🎶🎤
Mabalik ko. 🎵🎶🎤
Mali ay maideretso. 🎵🎶🎤
Pinagdarasal ko saking puso. 🎵🎶🎤
Na mabura ka sa isip ko. 🎵🎶🎤
"Anak may bisita ka." sabi sakin ni Mama. Ha? Bisita? Sino kaya yan?
Pumunta ako sa sala at nagulat ako kung sino ang nakita ko.
Si William. Ano ang ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?
"Ano ang ginagawa mo dito?" inis kong tanong sa kanya.
"Para sa activity natin at gusto kong mag-sorry sa ginawa ko sa'yo. Pero porket nag-sorry na ako sa'yo, ibig sabihin nun ay magkaibigan na tayo. I'm sorry." he said sincerely. Tama ba ang narinig ko? Nagso-sorry siya sakin?
"Okay, apology accepted."
Yan na lang ang nasabi ko. Di pa rin masink-in sa utak ko ang sinabi niya.
"Simula bukas ay di na kita papansinin. Ngayong araw lang kita papansinin para sa activity natin. Susulitin natin ang araw na 'to." sabi ni William na ikinalungkot ko. Hindi na niya ako papansinin? Pero bakit ganun? Parang hindi ako masaya sa sinabi niya. Dapat nga masaya ako pero hindi ko magawang maging masaya.
**********