(77) #MPISThePicture

1.2K 86 0
                                    

RISSEY'S POV

Waaaaaa! Ano ba ang nangyayari? 


Bakit maraming taong nakapaligid samin nitong stranger na 'to? At bakit nakayakap siya sakin?


"Jameson, pa-autograph please."


"Jameson, pa-kiss."


"Jameson, pa-picture naman."


"Jameson, pahawak ng abs mo." 


Ang landi nung huling nagsalita. Pahawak talaga ng abs. 


By the way, paano ba ako makakaalis dito?


FRED'S POV

Shit! Bakit ang daming tao dito? 


Sinubukan kong makadaan ngunit hindi ako makadaan dahil sa dami ng tao. Nandun kasi si Rissey. Nakita ko siyang hinihila patakbo ng isang lalake habang hinahabol sila ng mga kababaihan.


"Waaaaaa! Sino ba yung babaeng kasama ni Fafa Jameson natin?" narinig kong tanong ng isang babae.


"Ang swerte naman niya." 


"Baka girlfriend niya." 


"No, hindi pwede yun. Akin lang si Fafa Jameson."


Teka, ano ba ang nangyayari?


"OMG! Mga girls tignan niyo. Trending na Worldwide ang #JamesonFaulkersonsGirlfriend at may picture pa." 


Napatingin ako sa katabi kong babae at may hawak siyang cellphone. 


Inagaw ko yung cellphone ng babae at tinignan ko ang screen nito. 


O______O


Isang picture. 


Si Rissey, niyayakap siya ng Jameson na yun. Kahit hindi ko nakikita yung mukha niya sa picture ay kilala ko siya sa pananamit niya.


"Hey handsome, that's my phone." malanding sabi sakin ng babae.


"Sorry Miss." sabi ko at isinauli ko yung cellphone sa babae.


DAVE'S POV

Kanina ko pa sinusundan sina Tim at Michell hanggang sa mapadpad ako sa Dyosa's Bar.


Papasok na sana ako para sundan sila ngunit hinarang ako ng isang bouncer sa bar.


"Pass mo." sabi sakin ng bouncer. Napakamot naman ako sa ulo dahil wala akong pass.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon