(14) #MPISAngelInMyEyes

1.9K 115 1
                                    

DANIELLE'S POV

Nandito na kami ngayon nina Lauren at Rissey sa mall.


"Shopping time. Wag kayong mahihiyang kumuha nang kumuha ng mga gusto niyo dyan. Ako na ang bahala." sabi samin ni Lauren. Tumango naman kami ni Rissey at nag-shopping na kami.


Tumingin-tingin ako sa paligid at may nakita akong mga damit from MSE. Lumapit ako sa MSE section at tinignan ko ito.


Waaaa! Ang gaganda talaga ng mga damit ng MSE at pati na rin ang kanilang shoes.


Kuha ako ng kuha ng mga damit na MSE ang brand. Kumuha na rin ako ng mga shoes na galing MSE rin. 


Pagkatapos naming mag-shopping ay pumunta na kami sa counter para ilagay sa paper ang mga pinamili namin.


"Thank you Lauren. Nag-enjoy talaga kami ni Rissey sa pagsho-shopping. Masaya pala 'to." sabi ko kay Lauren.


"Buti naman at nag-enjoy kayo." sabi samin ni Lauren.


----------


Excited na akong suotin ang new dress ko. Naligo muna ako at saka nagbihis. Sinuot ko ang pink dress na simple lang galing MSE at nagmake-up ako galing AVON. Baka mapagkamalan akong maraming endorsers. Bwahahaha!


Light lang ang nilagay kong make-up at naglagay rin ako ng lipstick. Sinuot ko rin ang isa sa mga new shoes ko. Fabulous Danielle.


Pagkatapos kong magbihis at kumain ay ready na ako to go to school.


Sa school ay maraming lalake ang nakatingin sakin. Bakit kaya? May dumi ba ako o sadyang hindi nila nagustuhan ang suot ko?


Nang makarating na ako sa room ni Prof Dyosa ay si William pa lang ang nandun. Ayun nagsusulat.


Tinignan niya ako pero mabilis niyang itinuon ang tingin niya sa sinusulat niya. Napatigil siya sa pagsusulat at napatingin na naman siya sakin. 


O____O   William


Nanlaki ang mata niya habang tinitignan ako.


WILLIAM'S POV

(A/N: P500,000 ang binayad ko dito.)


I look at her. Fvck! Why she's so pretty? She's like an angel.


*dug dug dug dug*


Why is my heart is beating fast?


RISSEY'S POV

(A/N: Correction pala. P500,000 per words. Namumulubi na ako. Huhuhu!)


Kumuha ako ng slice bread at pinalamanan ko ito ng Chiz Whiz at uminom ako ng fresh milk galing sa ref. Grabe, first time kong kumain ng marami pagkain. Nung nakatira pa kasi ako kina Tita ay kailangan ko pang magtipid ng pagkain. Ngayong slave na ako ni Satanas ay nakakakain na ako ng marami. Yipee!


Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa banyo ng kwarto ko para maligo.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Ang sinuot ko ay isang dress na white sa taas at black sa baba. Nag-make up rin ako. Oo nga pala, galing 'to sa mall ni Lauren. Remember nag-shopping kami at libre 'to samin ni Lauren.


Tumingin ako sa salamin. 


O____O   


Wait, ako ba 'to? Bakit parang... Ang gandaaaaaaa!


Kinaway-kaway ko ang kamay ko. 


O____O   


Ako nga 'to. Grabe, hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa make up. Ang ganda-ganda ko.


Lumabas ako mula sa kwarto ko at nadatnan ko si Satanas.


O____O   ako yan.


Na nakatapis lang. Waaaa! Shemay abs.


O____O   reaksyon ni Satanas nang makita niya ako. Tulad ko ay nanlaki rin ang mga mata niya.


"Who are you?" tanong sakin ni Satanas. Wait! Tama ba ang narinig ko? Tinatanong niya ako kung sino ako? Ibig sabihin nun ay hindi niya ako nakikilala?


Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Satanas at biglang siyang tumakbo papasok ng kwarto niya. Anyare dun? 


"Master, ok lang po ba kayo?" tanong ko sabay katok ko sa pinto.


FRED'S POV

Natulala ako kanina nang makakita ako ng isang magandang dilag. Si Rissey pala yun. Bakit ang ganda niya? Para siyang anghel sa paningin ko.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon