WILLIAM'S POV
"Kasalanan mo 'to William. Kung hindi dahil sa pinost mo sa FB ay hindi sana siya—este sila makikidnap." sabi sakin ni Fred. Fvck! This is all my fault. Sana walang mangyaring masama kay Danielle—I mean sa kanilang tatlo.
"Fred, William, Ezekiel." tawag samin ni Dave sabay lapit niya samin.
"Ano yun Dave? May balita ka na ba sa kanila?" tanong ni Ezekiel kay Dave.
"Alam ko na kung nasaan sila. Kinidnap talaga sila ng mga fans niyo." sagot samin ni Dave. Bigla kaming nabuhayan sa sinabi samin ni Dave.
"Humanda talaga sakin yang mga yan." galit na sabi ni Fred. Ang tinutukoy niya ay ang mga fans namin na kumidnap kina Danielle. Tama, humanda sila samin. Wala silang karapatan para saktan si Danielle.
Dahil ako lang ang may karapatang manakit sa kanya.
DANIELLE'S POV
"Humanda ka talaga sakin William kapag makawala kami rito." galit na sabi ni Lauren.
"Kalma lang Lauren. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari." sabi ko kay Lauren.
"Why should I calm down if we're in trouble. Kasalanan 'to ni William. Dapat nag-isip muna siya bago niya i-post yun. Think before you click kumbaga." galit pa ring sabi ni Lauren.
"Shut up b!tch! Wala kang karapatang sisihin ang Prince William namin!" sigaw ng babaeng mataba kay Lauren. Nag-poker face lang si Lauren.
*BOOOOM!!!*
*BOOOOM!!!*
O______O kami
Ano yun?
"OMG! May tao sa labas. Sinisira nila ang pinto ng lumang library." nagpapanic na sabi ng babaeng puno ng blush on sa mukha.
"Waaaaaa! We need to get out of here before we caught us." nagpapanic na sabi ng babaeng malapad ang noo. Teka, tama ba ang grammar niya?
*BOOOOGGGGSSSSSSHHHH!!!*
Pero huli na sila dahil biglang bumukas ang pinto.
O____O -------> ^____^ ako
Waaaaaa! Sina William, Fred at Zeke. At kasama pa nila si Dave.
"P-prince... P-pr-prince..." nauutal na sabi ng mga babaeng kumidnap samin.
"Oo, kami nga. Umalis na kayo sa school ko dahil expelled na kayo." sabi ni Fred sa mga babaeng kumidnap samin. Halatang nagulat ang mga babae sa sinabi ni Fred lalo na ako. Expelled na sila?
"GET OUT!" sigaw pa ni Fred sa mga babae. Napatakbo naman ang mga babae papalabas ng lumang library habang umiiyak.
"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong samin ni Fred.
Tumango lang kaming tatlo. Tinanggal nila ang tali na nakagapos samin. Nang matanggal na nila ito ay napayakap ako kay William.
"Sssssshhhhh! Wag ka nang matakot. Nandito na kami." sabi sakin ni William habang yakap-yakap ko siya.
LAUREN'S POV
I hugged Ezekiel.
"I'm here. Don't be scared." sabi sakin ni Ezekiel. Nawala naman ang takot ko dahil sa sinabi niya sakin.
RISSEY'S POV
I hugged Fred. Nakigaya lang ako sa dalawa kong kaibigan na yumayakap sa partners nila.
"Tahan na baby ko." sabi sakin ni Fred.
O_____O
Baby ko? Ano ako? Sanggol?
"Wag ka nang matakot baby ko. Nandito na si Daddy." sabi sakin ni Fred na parang bata. Teka, naka-drugs ba 'to? Hoy Fred! Hindi ikaw ang tatay ko noh.
**********