(49) #MPIS18thBirthdayNiLauren

1.3K 95 0
                                    

RISSEY'S POV

Nandito kami ngayon ni Fred sa isang boutique dito sa mall para bumili ng susuotin namin para sa debut ni Lauren. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao—I mean si Fred lang pala. Paano naman kasi ang gwapo ng kasama ko. Yung mga lalaki nga tumatagilid na dahil sa kagwapuhan ni Fred. Yung mga babae naman ay malapit nang malaglag ang mga mata at panty nila dahil sa katititig kay Fred. Sorry na lang kayo mga b!tches but he's mine kaya mainggit kayo. 


"Good afternoon Sir. What can I do for you?" malanding tanong ng saleslady kay Fred. Halatang may double meaning sa tanong niya. Ang landi ni girl. Hindi man lang niya ako napapansin dahil kay Fred talaga siya nakatitig.


"We want to see your latest designed gowns." seryosong sagot ni Fred. Latest designed gowns talaga Fred. 


"Ah s-sige po Sir. Sundan niyo po ako." sagot ng saleslady sabay lakad papalayo samin. Sumunod naman kami ni Fred sa saleslady.


"Ito po ang mga latest designed gowns namin." sabi ng saleslady habang nakatingin siya sa limang gowns na nasa harap namin.


"Wow!" ang biglang lumabas sa bibig ko. Ang gaganda naman ng mga gowns.


Napatingin sakin ang saleslady at tinaasan niya ako ng kilay. Ay, ang taray niya.


"Alin ang gusto mo dyan?" tanong sakin ni Fred. Tinignan ko naman ang mga gowns. Ang hirap pumili. Lahat ay magaganda.


Nang makapili na ako ng gown ay pumunta na kami ni Fred sa counter. Nakita ko namang napakagat-labi ang babaeng cashier habang nakatingin sa katawan ni Fred. Waaaa! Mukhang wild ang iniisip ng cashier na 'to. Halata kasing hinuhubaran niya si Fred sa kanyang isip.


DANIELLE'S POV

"Try mo 'to Danielle." sabi sakin ni James na may hawak na pink na gown na may konting yellow sa baba at may sparkle sa may bandang dibdib. 


Pumunta naman ako sa fitting room para isukat ang gown na pinili ni James.


Nang mai-suot ko na ito. Lumabas ako sa fitting room.


O____O   reaksyon ni James.


Napatayo sa upuan si James at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Hindi ba bagay sa'kin kaya ganyan ang reaksyon niya?


"Perfect." narinig kong puri sakin ni James.


*dug dug dug dug dug*


Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko nang sabihin yun sakin ni James. 


Siguro kinabahan lang talaga ako sa sasabihin niya kaya ganito kalakas ang tibok ng puso ko. Akala ko kasi sasabihin niya sakin na hindi bagay 'tong gown na 'to para sakin pero buti na lang at nagustuhan niya.


DAVE'S POV

"Bagay ba sakin ang gown na 'to, boys?" tanong ko kina Tim at Mitchell sabay rampa sa harapan nila habang suot ko ang violet elegant gown na dinesenyo ni Michael Cinco with matching korona pa.


"Hindi." sabay na sagot nina Tim at Mitchell na ikinainis ko. Nag-apir pa talaga silang dalawa.


"Ah ganun." sabi ko at...


"Ouch! Aray! Tama na Dave! Ang sakit!"  - Tim at Mitchell


Pinagpapalo ko sina Tim at Mitchell ng high heels.


"Ano, hindi ba bagay sakin?" pansisindak ko sa kanila habang pinagpapalo ko sila ng high heels.


"Oo na, oo na. Bagay na bagay sa'yo yung gown." sabi sakin ni Mitchell.


"Tama si Mitchell, Dave. Bagay na bagay talaga sa'yo yung gown." sabi naman sakin ni Tim. Tumigil ako sa pagpalo sa kanila.


"Buti naman at sinabi niyo sakin ang totoo. Mahal pa naman ang binili ko rito." sabi ko sa kanila.


- GOMEZ RESIDENCE, POOL AREA (2:00 PM) -

LAUREN'S POV

"Happy birthday Lauren." bati sakin ni Rissey.


"Happy birthday Love." bati naman sakin ni Ezekiel. Napatingin ako sa lalakeng kasama ni Ezekiel. Waaaaa! Ang gwapo naman niya.


"Sino yang kasama mo Love?" tanong ko kay Ezekiel sabay turo dun sa cute at capital G-W-A-P-O-N-G batang lalakeng kasama niya. Waaaa! Ang gwapo talaga niya. Kamukhang-kamukha niya si Ezekiel.


"Oo nga pala Love. Si Zaikel pala, kapatid ko." pagpapakilala ni Ezekiel sa kasama niya. Kaya pala magkamukha sila. Kapatid niya pala 'to.


"Waaaaaa! Ang cute mo naman Zaikel." sabi ni Rissey sabay akbay kay Zaikel.


"Wag mo nga akong akbayin flat chested ka. Hindi kita type." sabi ni Zaikel sabay irap kay Rissey.


"Hahahahaha!" narinig kong tawa ni Danielle. Halatang nagulat si Rissey sa sinabi ni Zaikel sa kanya.


"Kapatid mo ba 'to Zeke?" inis na tanong ni Rissey kay Ezekiel.


"Oo naman. Hindi ba halata? Ay oo nga pala, mas gwapo pala ako sa kuya ko kaya hindi halata." maangas na sabi ni Zaikel sabay ngisi kay Rissey.


"Wow! Ang cute mo namang bata ka. I-hug mo naman si Ate Danielle." sabi ni Danielle kay Zaikel.

**********

Abangan sa next chapter ang continuation ng special chapter nina Lauren and Ezekiel.

ZAIKEL: "Bilisan mo nga ang paggawa ng storya slow poke na author."

AUTHOR: "Gusto mo tanggalin kita sa storya?"

ZAIKEL: *poker face*

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon