(68) #MPISDivisoria

1.2K 89 0
                                    

DANIELLE'S POV

- 6:03 AM -

Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa bintana. Haaaay! Salamat naman dahil nag-shupi na ang Bagyong Dyosa. Hehehe!


Bumangon na ako mula sa kama at pumunta ako sa kusina para magluto. 


Kumuha ako ng isang itlog at dalawang hotdog para i-prito. Nag-saing na rin ako ng bigas sa rice cooker. 


Nang maluto na ang agahan ko ay nagtimpla ako ng Milo and then ready to eat na.


- DIVISORIA -


Since suspended ngayon ang pasok ay napagdesisyunan kong pumunta sa Divisoria para bumili ng kung ano ang pwedeng mabili ko.


"Bes." 


May biglang humawak sa balikat ko. Tumingin ako sa likod.


"Rissey!" masayang sabi ko at nagbeso-beso kami ni Rissey.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong sakin ni Rissey.


"Wala naman. Baka may mabili lang ako dito sa Divisoria." sagot ko kay Rissey.


"Talaga? Sakto na nagkita tayo. Tara sabay tayong mamili." - Rissey


"Sige." - ako


Tumingin-tingin kami ni Rissey sa mga bagay na pwedeng bilhin.


WILLIAM'S POV

Papunta kami ngayon ni Steph sa kinaroroonan ng plane crash kahapon.


"Bilisan mo ang pagmamaneho William." nagpa-panic na sabi sakin ni Steph.


"Steph, kalma lang. Baka maaksidente tayo." sabi ko sa kanya.


Nang makarating na kami sa kinaroroonan ng plane crash ay maraming tao dun at marami ding pulis. Bumaba kami ni Steph mula sa kotse at lalapit na sana kami pero pinigilan kami ng mga pulis.


"Bawal pong lumapit." pagpigil samin ng isang pulis. Pero si Steph ay tumakbo papalapit sa bumagsak na eroplano. Tumakbo ang pulis at hinawakan siya sa kamay.


"MOOOOM!!! DAAAAAD!!!" sigaw ni Steph. Lalapit na sana ako kay Steph pero pinigilan na naman ako ng isang pulis. Nakakadalawa na 'to ah.


"BITAWAN NIYO AKOOOO!!" hysterical na sabi ni Steph. 


Nang nakalapit na ako sa kanya. I hug her para kumalma na siya.


FRED'S POV

("Hello, I'm Rissey Navarro. Just leave your message and I'll call you back.") 


Fvck! Hindi ko siya ma-contact. Asan na kaya yun? Bigla na lang siya nawala na parang bula.


"Rissey, asan ka na?" nag-aalalang tanong ko.


Lumabas ako ng bahay para hanapin si Rissey. I also tried to contact Danielle but out of coverage area siya. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Sana walang nangyaring masama sa kanya.


LAUREN'S POV

"Congrats friend. Engage ka na pala." sabi sakin ng friend ko from England. She's half-filipino.


"Thanks Bailey." sabi ko sa kanya.


"Kailan ba ang kasal ninyo?" tanong sakin ng friend ko.


"Sa May pa." sagot ko sa kanya.


"Teka, asan na ang fiancé mo? Gusto ko siyang makilala. Nandyan ba siya sa loob?" - Bailey


"Wala siya dito. Nandun siya ngayon sa parents niya." - ako


"Ay ganun ba?" nanghihinayang na sabi ng friend ko.


"Pasok ka muna. Kumain ka na ba? Ipaghahanda ko si Manang ng food." sabi ko kay Bailey.


"Sure. Na-mi-miss ko na ang luto ni Manang." - Bailey


Tinawagan ko si Manang para ipaghanda ng pagkain ang friend ko.


RISSEY'S POV

Pagkatapos naming bumili ni Danielle sa Divisoria ay kumain muna kami sa Jollibee.


"1 jolly hotdog, spaghetti, french fries at coke." sabi ko sa babae. 


Pagkatapos naming umorder ay pumunta kami sa isang vacant seat.


"Ito na po ang order niyo." sabi samin ng Waiter sabay lagay sa mesa ang inorder naming pagkain.


Pagkatapos naming kumain ay nag-aabang kami ngayon ng taxi para umuwi na. 


"RISSEY!!!"


O_____O


Fred?


Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Fred na papalapit sakin. Anong ginagawa niya rito?


Nang makalapit na siya sakin ay nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.


"Are you okay? Bakit hindi ka nagpaalam sakin? Nag-alala ako sayo." nanginginig na tanong sakin ni Fred.


"Okay lang ako. Kasama ko naman si Danielle." sagot ko kay Fred. Akala ko pagagalitan niya ako


"Kahit na. Dapat nagpapaalam ka sakin kung may pupuntahan ka." sabi sakin ni Fred. Tumango lang ako sa kanya.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon