(7) #MPISBreakfastMoment

2.4K 116 4
                                    

DANIELLE'S POV

*Tulala lang sa 'king kwarto...*


"Waaaaa! Tumahimik ka cellphone ka." sigaw ko sabay takip ng tenga gamit ang unan.


*... at nagmumuni-muni.*


"Waaa di ko na kaya."


Kinuha ko ang cellphone ko at tinapon ko ito sa kabilang dimensyon. De joke lang. Mahal na mahal ko ang cellphone ko kahit panira siya ng tulog ko. Regalo 'to sakin dati ni Steph nung birthday ko. 


Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo.


*Woooosssshhhhh*


Sound effect po yan ng tubig na bumabagsak sa sahig.


"Waaaaaaaaaaa!!!" 


Napasigaw ako sa lamig ng tubig. Geez, giniginaw ako.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniporme ko.


Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa kusina.


Nang makarating ako sa kusina ay may nakita akong note sa ref at binasa ko ito.



Dear Anak,

Anak napaaga ang pagpunta ko sa hair salon dahil sa dami ng costumer. Di kita napagluto ng food. Pwede ikaw na lang ang magluto sa food mo? Don't worry babawi ako sa'yo.

Ingat sa school anak. I love you.

- Mama



Inilagay ko ang note sa mesa pagkatapos ko itong basahin.


*ding dong*


May nag-doorbell? Sino kaya yun? 


Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate.


O_____O


Fred?


"Hi Princess." 


Paano niya nalaman ang tirahan ko? Matanong nga.


"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko kay Fred.


"Sinundan kita kahapon." sagot niya sakin. Sinundan niya ako kahapon? Infairness kinikilig ako. Ansabeh!


"Sakto nakabihis ka na. Sabay tayong pumasok sa school." sabi sakin ni Fred.


"Di pa ako nakapag-almusal Fred at sa kasamaang palad. Di pa ako nakapagluto ng almusal." sabi ko sa kanya.

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon