(8) #MPISByPairActivity

2K 116 0
                                    

DANIELLE'S POV

"Good afternoon class." bati samin ng ni Prof Dyosa. Bumati rin kami sa kanya.


"May 'By Pair Activity' kayong gagawin. Bago ko i-discuss ang activity na gagawin niyo ay ipi-pair ko muna kayo randomly." sabi samin ni Prof Dyosa. Pagkatapos ay pinares na kami.


"Fred Dela Cruz and Ezekiel Willford."


Nag-apir naman sina Fred at Ezekiel.


"William Crawford and Princess Danielle Maddren."


O____O


Nagulat ako sa sinabi ni Prof Dyosa. Kapartner ko si William? Waaaa! Ayokong makapartner siya. Ang sungit kaya niya.


"Bawal magpalit ng partners." sabi ni Prof Dyosa. Mukhang ang malas ko ngayon.


"Ang activity niyo ay kilalanin niyo ang isa't isa. Pumunta kayo sa isang lugar na kung saan ay makakapag-bonding kayo. Gumawa kayo ng isang picture collage na kung saan ay may picture kayong dalawa sa lugar na pinuntahan niyo. Is that clear?" - Prof Dyosa


Tumango lang kami kay Prof Dyosa.


"Puntahan niyo na ang partners niyo para makapagplano kayo." sabi samin ni Prof Dyosa. Kakausapin ko ba siya para sa activity namin? Bahala na nga.


Pinuntahan ko siya at nakita ko siyang naglalaro ng cellphone.


"William." tawag ko kay Sungit.


"DON'T DISTURB ME!!!" sigaw sakin ni William. Sabi ko na nga ba sisigawan niya ako. Tumahimik ang buong room. Nasaktan ako sa sigaw niya sakin.


"Ano ba ang problema mo? Bakit mo ako sinisigawan? Ano ba ang ginawa ko?" sabi ko. Malapit na akong maiyak dito.


"Wala akong pakialam sa'yo. Umalis ka nga." walang emosyon niyang sabi. Di ko na mapigilan ang sarili ko na sampalin siya.


*Slaaaapppedddd!!*


"Sumosobra ka na ah, alam mo namang magka-partner tayo sa activity. Grade ang mahalaga sakin dito kaya please makisama ka naman." sabi ko sa kanya. Wala na, tumulo na yung luha ko. Maraming nakatingin sakin pero wala akong pakialam.


"Sana makisama ka kahit isang araw lang." umiiyak na sabi ko then I walked out. Nakakainis siya. Bakit ba siya ganyan? Bakit lagi siyang galit sakin?

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon