(39) #MPISThePastIsBack

1.4K 97 1
                                    

DANIELLE'S POV

- LUNCH BREAK (CAFETERIA) -

"Talaga? Okay na kayo?" masayang tanong ni Rissey kina Lauren at Zeke. Nalaman kasi ni Rissey na nagkatampuhan sina Lauren at Zeke.


"Yup, okay na kami." nakangiting sagot ni Lauren. Tumili naman kami ni Rissey sa kilig.


"Lumi-level up na talaga kayo." sabi ko kina Lauren at Zeke.


"Oo nga." pagsang-ayon naman ni Rissey sa sinabi ko. Masayang-masaya kaming nagchi-chikahan dito sa cafeteria. Kami lang ang maingay dito. Yung iba kasi kumakain.


*krrrriiiiiiiinnnnnnnnggggggggg!*


Biglang tumunog ang cellphone ko.


"Sandali lang." sabi ko at lumayo ako sa mga kaibigan ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinignan ko kung sino ang tumatawag.



Bessy

calling...



Waaaa! Si Bessy pala.


Sinagot ko yung tawag.


STEPH'S POV

("Hello Bessy, napatawag ka?") tanong sakin ni Danielle na nasa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa airport. Yes! Makakabalik na kami sa Pilipinas. May nangyari kasing hindi maganda sa business namin sa Pinas kaya dun muna kami maninirahan hanggang sa ma-solve ang problema ng business namin. Sana matagalan ang pag-solve nila sa business namin sa Pinas. Makikita ko na rin sa wakas ang lalakeng mahal ko na si William at ang aking bessy na si Danielle.


"Bessy, sunduin mo ako mamayang gabi sa NAIA Terminal, 7pm. Parating na ako dyan sa Pinas."  sabi ko kay Danielle sa kabilang linya.


("Waaaaa! Talaga Bessy? It means nahuli na ang gumahasa sa'yo?") masayang tanong sakin ni Danielle.


"Hindi pa pero babalik kami sa Pinas dahil sa business problems." sagot ko kay Danielle.


("Ahh okay. So may pasalubong ka ba sakin?") tanong sakin ni Danielle.


"Oo naman. Ikaw pa." sagot ko kay Danielle. Oo nga pala, naging friend ko si Danielle since elementary. Wag muna nating i-flashback. Tinatamad kasi si Author eh. Hahahaha!


THIRD PERSON'S POV

- 6:49 PM -

Nasa NAIA Terminal na ngayon si Danielle kasama si William.


"Sino ba yang Bessy na yan?" tanong ni William kay Danielle.


"Friend ko siya noong elementary at hindi Bessy ang tunay na pangalan niya. Tawagan lang namin yun. Steph ang real name niya." sagot ni Danielle kay William. Parang nakaramdam ng inis si William nang marinig niya ang pangalang Steph. Ang pangalan kasi ng babaeng mahal niya dati at iniwan siya noon ay Steph.


"Bessy!" masayang sabi ni Danielle. Nanlaki ang dalawang mata ni William nang makita niya si Steph. Pero mas nagulat pa siya nang makita niya itong may buhat-buhat na bata.


"Yan na ba ang anak mo Bessy?" sabi ni Danielle na ikinabato ni William sa kanyang kinatatayuan.


DANIELLE'S POV

Waaaaaaa! Ang cute naman ng anak ni Steph. Pero sayang lang dahil wala siyang ama. Pero mabuti na rin yun kaysa naman sa magkaroon siya ng rapist na ama. Sana mahuli na ang gumahasa kay Steph para naman pagbayaran niya ang kasalanan niya sa bessy ko.


"Hello baby! Ako nga pala ang Tita Danielle mo." sabi ko at kinarga ko ang anak ni Steph.


"Ano ang pangalan niya?" tanong ko kay Steph.


"William." sagot sakin ni Steph. Wow! Kapangalan ni William ang anak ni Steph. Wait, speaking of William...


"William kapanga... Teka, asan na siya?" ang bigla kong tanong. Kasi pagtingin ko sa likod ay wala na si William.


"Sino ang hinahanap mo Bessy?" tanong sakin ni Steph.


"Si William. Nasaan na yun? Iniwan ba naman ako." sagot ko kay Steph.


WILLIAM'S POV


"She's back." sabi ko kina Fred at Ezekiel sabay laklak ng tequilla. Nasa isang bar ako ngayon kasama sina Fred at Ezekiel.


"Sino?" tanong sakin ni Fred.


"Si Steph." sagot ko kay Fred.


"ANO???" sabay na sabi nina Fred at Ezekiel. Halatang hindi sila makapaniwala sa sinagot ko.


"At isa pa, may dala siyang isang bata. Anak niya at hindi ko alam kung ako ba ang ama o hindi. Alam niyo namang may nangyari samin ni Steph two years ago." sabi ko sabay laklak ng tequilla.


"Ano ang gagawin mo kung anak mo yan?" tanong sakin ni Ezekiel.


"Kailangan kong panagutan yun." sagot ko sa tanong ni Ezekiel.


"Hindi pwede yun. Paano na si Princess? Iiwan mo siya ganun-ganun lang." galit na sabi sakin ni Fred.


"I have no choice. Pero hindi pa naman ako sigurado sa nalaman ko. Kailangan ko munang alamin kung anak ko ba yan o hindi. Kung anak ko yan, pananagutan ko ang anak namin ni Steph. Pero kung hindi...


*tooooooooot*

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon